Chapter 4

80 4 0
                                    

ALISHA POV

"Good morning Daddy!" Bati ko kay daddy. Na kasalukuyang naghihintay sa'kin sa dining area.

"Good morning baby girl." Haist ano ba yan. Baby pa rin ako sa mga mata niya? Napailing lang ako at matipid na ngumiti sa kanya.

Inihain na ng mga maids namin ang aming almusal. Tahimik lang kaming kumakain ni daddy. Habang kumakain naiisip ko parin yung 100 hours na kailangan ko para d'yan sa OJT na 'yan susme Lord! Ni isang oras wala pa kong nagegain. At three weeks na simula nung wahhh! Ayoko ng mahostage ulit natrauma na yata ako sa bangko.

"Ahm...Daddy do I need to take that On the Job Training na'yan?"sinagot naman niya ko ng tango at sumubo ng pagkain.

"But why?"pinalungkot ko yung boses ko. Kasi naman eh I don't want to work na because of what happened three weeks ago.

"I'll take some special exams na lang daddy para 'di na ko mag OJT kasi you know naman yung nangyari sa bangko natin last time 'di ba dad?" Pwede naman siguro yun hindi ba? Bayaran na lang kaya namin yung admins ng school. Ipapasa kaya nila ako?

"Yeah. And you'll be in Laguna and I assure you no one can harm you there. Anyways I added a lot of bodyguards in that branch so you'll be safe ija." Hindi ako convinced. Am I traumatized that much? Parang gusto ko lang magkulong sa bahay. Parang ayaw ko ng maging CPA. Kainis naman!

"What?! Laguna?! Dad ayoko do'n! I mean wala akong alam sa lugar na'yon. Daddy what if that incident happen again?!" He reached for my hand and he smile. I can't smile. I'm too worried. Baka mamaya mangyari ulit iyon. Hindi ko masisiguro kung uubra ba yung mga dinagdag niyang bodyguards para isecure kami. Kainis. Wala akong maisip na pwedeng idahilan kay daddy para hindi ko na gawin ito. Badtrip talaga! Kainis kasi he believes in the word process. Gusto ko naman agad agad. Haist.

"Iha you'll be with your Ate Ire. You need to have an experience for your future. It will help you to know what a CPA do." ih naman ih hindii. Is there any other way to fulfill it without risking my safety?

ERIK POV

Nandito kami sa harap ng isang store nakatingin sa isang bangko na balak naming looban. Kasama ko ngayon si Choco na naninigarilyo. Pinag aralan namin kung paano kami makakapasok dahil sa dami ng mga bantay nito.

"Ano pre, tara na?" tanong niya sakin. Ibinato ko ang sigarilyo ko tsaka siya tinanguan.

"Tara na!" sabi ko sabay lakad patungo sa bangko na target namin.

Agad kaming kumilos at nagtungo sa target place namin.

Nagbagsak si Choco ng isang chemical para makatulog ang mga bantay at matagumpay na naisagawa ang pagpapatulog namin ang dalawang nasa gilid sinunod namin ang nasa unahan ng pintuan, buti na lang at hindi nakikita ng mga nasa loob ang nangyayari sa labas. Bubunot pa lang sila ng baril ng maunahan namin sila agad namin silang pinukpok ng baril sa kanilang batok sabay tadyak sa kanilang sikmura. Pagkapasok na pagkapasok namin sa loob agad inilabas ni Choco ang kalibre kwarente y singko niya at itinutok sa isa pang bantay sa loob. Dahilan para magsigawan ang mga taong nasa loob ng bangko. Nasilayan ko ang isang pamilyar na mukha, teka-- ito yung babae do'n sa unang bangkong nilooban namin sa Maynila ah.

May narinig agad kaming sirena ng mga parak.

Wang! Wang! Wang!

Anak ka ng kagang!! Wala pa nga kaming nahahakot na pera may pulis na agad daig pa nito ang Maynila ah.

"Anak ka ng--- bilis Choco limasin mo na! Ano baka abutan tayo lalo tayong malilintikan!" Tinutukan ko ang mga tao sa loob ng bangko. Lahat sila mababakas mo ang takot.

Pasensiya na ito lang ang alam kong trabaho.

"O-oo na!"agad siyang pumunta sa isang table at nilimas ang pera. Pero kingina bakit niya pa hinagip ang pamilyar na mukha na 'yon?

Gaya ng dati mabilis kaming kumaripas ng takbo para lang hindi kami maabutan ng mga pulis. Bawat pagpapaputok nila ng baril sa'min ay agad naming ibinabalik sa kanila. Kanya kanya kaming tago para lang hindi matamaan ng bala. Ang kaibahan lang wala ni daplis na tumama samin ni Choco pero marami sa mga sumugod na pulis ang sa ngayon ay patay na.

Hindi ko magawang makonsensya pa. Kahit ang dami na ng buhay na kinuha ko para lang sa kagustuhan ko.  Ito lang kasi ang alam kong paraan para umunlad ako.

Nang hindi na masyadong mainit ang labanan. Tumakbo kami palayo sa mga parak. Agad kaming sumakay sa kakarag karag naming itim na kotse para makatakas at makaligtas sa mga humuhuli sa'min.

ART POV

Ilang buwan na ang nakakalipas wala pa ring balita sa hinayupak na Erik na yon. Nangangati na ang mga kamao ko, gusto kong iparamdam sa kanya kung sino ang kinalaban niya. Napakalakas ng loob niya para lapastanganin ang anak ko na minsan ay hindi ko hinayaang madapuan at makagat ng lamok. Inalagaan ko ang anak ko higit sa dalawampung taon tapos bababuyin niya lang? Napakademonyo niya, sisiguraduhin kong magbabayad siya sa kahayupang ginawa niya.

"Bakit wala pa rin kayong balita sa Erik na yon?" Hasik ko sa mga walang kwenta tauhan ko. Lahat sila binigyan ko pa ng mga magagarang kagamitan para mapatay si Erik pero hanggang ngayon wala pa ring nangyayari.

"Boss ginagawa po namin lahat para mahanap si Erik." Agad na dumapo ang kamao ko sa nagsalitang iyon. Napaka-inutil! Sinong tanga ang maniniwala sa sinabi niya? Lalong tumataas ang dugo ko dahil sa galit at pagkayamot sa mga tauhan kong ito. 

"Ano? Ginagawa niyo ang lahat? Eh bakit walang Erik na humahandusay sa harapan ko? Mga bugok!"

"A-ah boss kung pwede sana, ako na lang ang maghahanap kay Erik. Titiyakin kong madadala ko siya sa inyo, patay man o buhay."

"Sige. Maaasahan ka talaga Ben. Huwag kang mag-alala malaking reward ang makukuha mo sakin kung sakali mang magawa mo ng maayos ang tungkol sa bagay na yan."

"At kayong mga bugok kayo, magsilayas kayo dito!" Agad namang umalis ang mga walang silbi. Napabuga na lang ako ng malalim na bunting hininga. Ako na ang siyang kikilos para maibigay sa anak ko ang hustisya na dapat para sa kanya.


:*

Enjoy reading this selection!

Fell In Love With A CriminalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon