Chapter 1 ( APMNBK )

195 4 0
                                    

Hi ako pala si JASMINE ERICA KATSHENZ 19 years old. Mag-isa nalang binubuhay ang sarili dahil sa wala na akong mga magulang. Mahigit 2 taon na din ang nakalipas ngunit emahe nila ay nandito parin sa puso at isipan ko. Mahirap man ay kailangan kung mag pursige para sa sarili ko

Nag-iikot ako ngayon sa metro manila para makahanap ng trabaho. Inabot na ako ng hapon kakahanap ng trabaho ngunit lahat sila may ibang hinahanap 

" Ma'am naghahanap po ba kayo ngayon ng waiter? " pinasok ko ang isang restaurant sa mall

" Sorry miss pero naghahanap kami ng with experience na waiter " pagkarinig ko 'nun ay umalis na agad ako at pinagpatuloy ang paghahanap ng trabaho

May nakita akong poster na may nakalagay na "WANTED MAID" sa isang stand kaya pinuntahan ko ang lugar kung san iyong sinasabing naghahanap ng maid

" Excuse me Sir, dito po ba yung naghahanap ng katulong? " tanung ko dun sa guard sa labas

" Opo ma'am, pasok nalang po kayo at mag register sa may table dyan " nag register na ako at binigay sa isang babae

" Miss maghintay nalang po kayo sa tawag namin " umalis na ako at tumungo sa bahay na tinitirahan ko

........................................................................

" Ikay bat ka pala nahapunan ngayon?" Ang landlady ng bahay na tinitirahan ko si manang beti

" Wala pa po kasi akong mahanap na trabaho kanina manang pero buti nalang may nakita akong poster sa isang tabi at dun ako nagregister "

" Mabuti nga at nakahanap kana, kaylan ka daw makakapagsimula ? "

" Sabi nila maghintay daw po muna ako ng tawag kaya ito naghihintay pa po " nagpaalam na ako kay manang at pumasok na sa kwarto na inoopahan ko

Naglilinis ako ngayon ng kwarto dahil sa magulo ito.

Brz....brzz....

May narinig ako may tumatawag sa cellphone ko kaya sinagot ko ito

" Hello po sino po ito? " tanong ko sa nagsasalita sa cellphone dahil unknown number

" Ito po ba si Ms. Jasmine Erica katshenz?"
Nagulat ako sa nagtanong

" Ako nga po sir " kinakabahan na ako sa sasabihin ng kausap ko sa cellphone

" Tumawag ako ngayon miss jasmine para iinform ka na bukas na bukas dalhin mo ang mga form mo sa company at dun tayo mag-uusap ng mga details " hindi ko ito inaasahan

" Ok po sir bukas na bukas pupunta po agad ako sa company nyo " akala ko mga week pa sila tatawag pero hindi ko din inaasahan na hours lang ang lilipas at tatawag na sila sa akin

........................................................................

7 am

Kakagising ko lang at hindi parin makalimutan ang nangyari kagabi kahit subrang babaw lang pero masaya ako. Nagbihis na ako at siniguradong nadala ko lahat ng kailangan.

" Manong dito nalang po " bumaba na ako at nakikita ko na ang building ng pinagregisteran ko.

Molte.Corp.

" Miss ako po si Jasmine Katshenz" sinabi ko dun sa babaing nasa gitna

" This way po miss Katshenz " umakyat kami at dumaretso sa isang malaking pintuan. May nakita akong isang magandang babae na nakaupo sa harap ko

" Take a seat miss jasmine " umupo na ako sa harapan nya, kinakabahan ako kasi muhka siyang maldita

" Before we start jasmine I want you to relax. I can feel your nervous,  so dont be "

Personal Maid Ng Buhay KoWhere stories live. Discover now