Chapter 8 ( APMNBK )

53 1 0
                                    

JEN'S P.O.V.

"Noisy" HUHUHHUH bumangon agad ako at nakitang nakatingin ng masama si sir sa akin

"Sorry po sir pero kanina pa po kayo pinapatawag ng mommy nyo" aalis na sana ako kaso biglang nagsalita si sir 

"stay" nagulat ako ng biglang tumayo si sir Meyer. Hindi ko sinasadyang tumingin pero ang ganda ng view HEEHEH 

Wow, model lang kumbaga HHHAHAA

Ilang minuto ang lumipas, lumabas na si sir kaya tumayo na ako at naglakad papunta sa pintuan. Nang binuksan ko ang pintuan may nakita akong nakadikit na papel kaya naman ay tinanggal ko ito at binasa

"We'll leave first" yan yung nakasulat sa papel kaya naman ay inabot ko ito kay sir, naglakad ito palabas ng kwarto kaya sumunod na ako.

Ilang minutong paglalakad nakarating din kami sa seaside at doon nakita ko ang mga magulang ni sir at si Aiden

"Ate Jasmine, what took you so long?" hinila ako ng bata papunta sa dagat kaya naman ay sumunod nalang ako tsaka nakipaglaro

"Aiden, take a rest now" sumigaw si tita rose kaya ay lumapit kami sa pwesto nila tita rose 

"you seat here Jasmine" pinaupo ako ni tita jasmine sa bakanting upuan na katabi ni sir meyer

"Do you like here Jasmine?" biglang nagsalita ang daddy ni sir 

"opo tito" nginitian ko ito tsaka naman ako inaya ni tita rose na kumain ng fruits. Nakakabighani ang kagandahan ng paligid dahil sa maputing mga buhangin nito at bughaw na kulay ng dagat. Matagal-tagal na din noong pumunta ako ng dagat kaya hindi ko na alam kung mahusay parin ba ako sa paglangoy. 

Naalala ko nung una akong sumali sa swimming contest, nakuha ko ang pangalawang marka at napakasaya ko noon dahil sa unang besis palang iyon. Nung nag High School naman ako isinali ako ng guro ko sa palaro na once a year ginagawa. 

"Jasmine, do you know how to swim?" narinig kong nagtanong si tita rose kaya binaling ko ang atensyon ko sa kanya

"HEHHEHE opo Tita rose" nahihiya akong sabihin kay tita rose yung experience ko 

"that's great" nakita ko ang matamis na ngiti ni tita rose kaya naman ay ngumiti din ako

.....................................

"Jasmine" napatingin ako sa nagsalita at nakita kung si tita rose ito

"tita?" umupo ito sa tabi ko na ngayon ay sabay kaming pinapanood ang pagbaba ng araw 

"ang ganda ng araw nu?" 

"HEHHEHE opo tita" bigla kung naalala nung bata pa ako sa dagat kami palaging nagbabakasyon at ang nagluro sa akin maglangoy ay ang lolo ko 

"are you okay?" hindi ko mapigilang umiyak dahil lahat ng mga naalala ko ay mga alaala nalang ng mga mahal ko sa buhay

"naalala ko lang po yung panahong nag-aaral pa po akong lumangoy. Yung lolo ko po kasi ang nagturo sa akin at hindi ko malimutan ang alaala nung unang akong sumali ng swimming contest" bigla akong niyakap ni tia rose kaya naman ay mas lalo akong napaiyak nito

"I'm sure they are prude of you now. They might not be here anymore but you have new family now and we are always here for you" hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon ngunit saya ang isang salita na masasabi ko 

"salamat po talaga tita rose, salamat po dahil binigyan nyo po ako ng trabaho at mas gumanda po ang buhay ko ngayon" niyakap ko ng mahigpit si tita rose 

"stop crying na, we should be heading home now because someone prepare a very delicious dinner for us tonight" kaya ay bumalik na kami ni tita rose sa bahay nila at pinabihis na muna ako. 

kakatapos ko lang maligo at magbihis at ngayon bababa na ako para kumain dahil maghahapunan na kami. Nang makarating ako sa kusina nila tita rose nakita kung nilalapag ni sir meyer ang mga pagkain sa lamisa at naka-apron ito.

Si sir ba yung sinasabi ni tita rose na magluluto ng hapunan namin? Wow ah, marunong pala magluto si sir. Pwede na HAHHAHAH

"Jasmine, sit here" tinuro ni tita rose yung upuan sa harap nya kaya naman ay umupo na din ako 

"well have our dinner now special cooked by our special chief, Mrs. Meyer Drexel" medyo natawa ako sa sinabi ni tita rose, ilang minuto din ay lumabas na si sir Meyer na may dalang wine. Inabot naman nito sa katulong ang dala nya at umupo sa tabi ko 

Tabi ko? What? Mali ba inupuan ko? 

"Let's have our dinner now" pagkasabi nun ni tita rose ay kumain na nga kami 

"Jasmine. Aiden, your tita rose and me are going to attend an event tomorrow so we can't accompany you tomorrow but we make sure drexel is available to accompany in your stay here" nagulat ako sa sinabi ni tito lorenzo dahil kami lang ni sir Meyer ang magkasama bukas

"okay lang po tito, importante naman po event na pupuntahan nyo tsaka po wag po kayong mag-alala sa akin" pinagpatuloy namin ang pagkain at ilang minuto ay natapos na din kami 

"okay then, Jasmine have a good sleep. Aiden say good night to ate Jasmine" inaantok na ang bata tsaka naman ay binati nya ako ng good night

Ako nalang mag-isang naglalakad papunta sa kwarto ko at isa isang tinitignan ang mga palamuti sa loob ng bahay 

Napakaganda ng bahay nila. Gold dito, gold doon. Pagmayaman nga naman, pero ang galing ah kasi kahit mayaman sila tita rose hindi sila tulad sa mga nasa palabas na masusungit at mayayabang. Sila tita rose mabait, marespeto at maalaga

8 PM Hindi pa ako inaantok kaya pumunta ako sa balcony ng kwarto ko at minumuni-muni ang mga bituin sa langit. Sa manila wala ka masyadong makitang bituin dahil sa masyadong polluted ang paligid

Lolo, lola, mama kumosta na po kayo dyan sa langit?  Okay naman po ako dito, napakasaya ko po dahil nagkaroon po ako ng mababait na amo at maalaga pa. Miss na miss ko na po talaga kayo, kung naririnig nyo po ako sana po masaya kayo para sa akin.

Hindi ko mapigilang umiyak dahil naalala ko naman sila lola, lolo at mama. Kahit ilang taun na ang dumaan, gabi gabi akong nakakaramdam ng lungkot at pananabik na makapiling sila muli. 

...............KINABUKASAN

7AM

Pagkagising ko ay agad na akong naligo, nag-ayos, lumabas at bumaba na ako para mag-umagahan 

"Magandang araw Miss Jasmine" may bumati sa akin na katulong nila tita rose kaya naman ay binati ko din ito ng magandang umaga

"ate, umalis na po ba sila tita rosee?" 

"opo miss, pinapasabi po pala nila maam rose na baka po ay gabihin sila" talaga? Grabe naman yan, so buong araw pala kaming magkasama ni sir meyer. Hinandaan ako ng mga katulong ng umagahan at kumain na ako 

"mga ate kumain na po ba kayo ng umagahan?" 

"magandang umaga po sir Meyer" biglang lumapit ang katulong kay sir tsaka naman umupo si sir sa tabi ko at pinaghandaan nila ng umagahan si sir. Hindi na ako nagtangkang magsalita dahil hindi ko alam kung ano sasabihin ko. 

"dress yourself because we'll be going out"  Aalis kami?

"saan po tayo pupunta sir?" naglakas loob na akong magtanong

"Wear something your comfortable to" eh, wala naman akong ibang damit kaya yung dala ko nalang yung susuotin ko. Ilang minuto din ay umakyat na ako para magbihis, biglang may kumatok sa pintuan kaya ay binuksan ko ito pero nagulat ako dahil si sir meyer pala ang kumatok

"Are you done?" wow ah..... nakaformal si sir habang ako naka casual lang. Kawawang jasmine naman, muhka kang katulong beh

katulong ka lang pala talaga HAHAHHA

"opo sir" lumabas na ako at sumunod kay sir hanggang sa nakasakay na kami ng kotse nya, hindi ko alam kung saan kami pupunta pero kung ano man ang mangyayari handa na ako 


Personal Maid Ng Buhay KoWhere stories live. Discover now