Moving On Part 1

1.8K 20 7
                                    

Magkikita kami ngayon ni Lester. Bakit naman daw? Ano ba naman kayo? Nakalimutan nyo na bang Anniversary namin ngayon? Four years na kaya kaming  dalawa! Ang tibay noh? Hanep lang sa ups and downs yung relationship namin.

Nariyan na yung habang nanliligaw sya sa akin sa bahay, nakabantay yung Tatay ko at naghahasa ng itak. Whew!

Tapos nung sasagutin ko na sana sya Four Years ago, biglang bumagyo ng malakas kaya naman sa telepono ko lang sya nasagot. Hindi na ako nakahintay na magkita kami kasi nun din kasing araw na yun naramadaman kong, sya na talaga. Hindi ko na kakayanin ang ipagpabukas pa 'tong nararamdaman ko.

Tapos nung personal ko na syang sinagot, tulala lang sya. As in sabi pa nya hindi pa rin daw magsink in sa kanya na halos dalawang taon nya akong niligawan, tapos na raw paghihirap nya. As in with tears and all pa ang drama nya nung sinagot ko sya.

Grabe lang yung mga moments naming magkasama. Palagi kasi kaming magkadikit. Kung saan sya pupunta, kasama ako. Kung saan ako pupunta, kasama ko sya. Nagkakasawaan kami, OO. Kaya minsan, naglalaro kami ng abroad abroadan. Kunwari mga 2 weeks syang pupunta sa ibang bansa tapos papamiss ng konti, tapos ganun rin ako minsan para pag bumalik na kami, marami na ulit kaming pagkekwentuhan tapos mamimiss ko sya.

Marami rin yang mga pakulo eh para kiligin ako. Yung mga tipong, kakatok sya sa classroom ko para lang magsabi ng Hi o kaya naman I Miss You tapos papapasukin na nya ulit ako sa room. Ang sweet diba?

May anak na nga pala kami. Si Candice... female toy poodle. At alam nyo bang pinagseselosan nya ang tutang yan kahit sya naman ang nagbigay sakin nun? Baliw eh noh? Sobrang baliw talaga... pati tuta pagseselosan.

Major fight? Nung hindi sya nakarating sa Dinner na inorganize ni Mama para samin. Minsan lang kasi dumating si Mama mula sa abroad kaya naman nung gusto na nyang makilala si Lester tapos hindi naman kami sinipot? Alam mo yung hopes ni Mama na mabait, magalang at mapagkakatiwalaan sya, nawala. Dahil sa lintek na DOTA. Hindi dahil sa naglalaro sya nang DOTA at nakalimutan nyang may Dinner sa bahay... nakatulog lang naman sya ng maghapon kakalaro ng Dota magdamag.

Dahil dun sobra akong nagalit sa kanya. Pinagalitan kasi ako ni Mama. Bakit ba naman daw kasi pipili ako ng lalaki, yung may sabit pang computer game. Yung may mas mahalaga pa raw sakin. Grabe! Napahiya ako kay Mama. Kung maipagmalaki ko naman kasi si Lester sa kanya, sagad sagad. Tapos ganun lang... ininjan yung dinner.

Basta inayawan sya ni Mama. Kaya naman nagalit ako kay Lester. Ang sama lang naman kasi nya! Nagalit rin sya sakin nun kasi naman daw ako, masyado ko raw pinapabilib ang mama ko. Bakit hindi? Eh proud ako sa kanya eh! Tapos biglang turn off?! Kaya na-turn off rin ako sa kanya. Yun yung una naming cool-off. Space kung baga kasi hindi kami makahinga dun sa moment na yun and after 2 weeks, OK na ulit kami. 

Paano kami naging OK? Nag-skype lang naman kasi sila ni Mama. OO! Nag-skype sila ng hindi ko alam. Saka ko lang nalaman nung tumawag sakin si Mama at sinabing APPROVE daw sya kay Lester. Nag-sorry rin si Mama sakin kasi may mga nasabi daw syang masama kay Lester noon. Pero OK na OK daw si Lester sa kanya. 

Bati na ulit kami, after 2 weeks.

Isang beses lang sya nagselos sa Org Mate kong lalaki. Nakita nya kasi kaming magkasama sa canteen at kumakain. That time, meron kaming inaayos na program para sa org and as the President and VicePresident of the org, kelangan naming magusap at magtulong. Hindi ko naman nasabi kay Lester kasi major exam nila noon at ayoko namang maabala sya.

Moving On (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon