Tumakbo na sya. Ako naman bumalik na ng bahay. Napagalitan lang naman ako. Sabi ko naman nagpaload lang ako. Buti di nila alam na naka-plan naman yung phone ko.
----
Can you hear the wedding bells?
Tapos na akong mag-ayos ng sarili ko. Actually, nasa garden na ako para sa pre-wedding pictures ko. Ang daming ek ek chu chu.. kaya ayun tuloy... nasa simbahan na si Lester.
'Haha! Slave! Una ako sa simbahan! :P' text nya sakin.
"EEEHHHH???!!!! Tsk.. tara na! Tara na!" sabi ko sa mga kasama ko.
"Nagmamadali lang, Jane?! Teka muna! Hindi pa tapos yung pictorial mo eh!" sabi sakin nung pinsan ko.
"Eh nasa simabahan na si Lester eh!"
"Sus... hayaan mo syang maghintay dun!"
ANg ipinagtataka ko lang, kanina pang wala sina Mama at Papa dito samin. As in kung kelan naman kelangan na sila sa pictorial na ito para madali na.. ako'y naiinip sa tagal!
Maya-maya pa ay natapos rin ang pictorial. Pasakay na ako ng kotse nung dumating sina Mama at Papa.
Mukhang pagod na pagod at sobrang lumong lumo ang mga itsura.
"PA?! MA?! Anong oras na po?! Nasa simabahan na po si Lester! Bihis na rin kaming lahat! Saan ba kayo galing?!" napasigaw ako pero lambing pa rin.
"Sa ospital, anak."
"Ah... sige na ma. Bilisan nyo na yung paggayak... nagtext na si Lester oh! Nasa simabahan na raw sya... kanina pa... naghihintay na kanina pa yun dun!"
"Ang aga naman ng jowa mo, bakla! Excited lang sa kasal!" Nagkatawanan pa kaming mga magpipinsan dun. Naku.. kagabi pa nya ako gustong itanan, kung alam nyo lang.
"Pumasok ka na sa loob ng bahay, Jane. Magpalit ka na ng damit." sabi ni Papa.
"Po? HAHAHA! Si Papa talaga... sige na po! Pupunta na po kami sa simbahan. Sunod na lang po kayo... hihintayin ko na lang kayo dun."
Pasakay na sana ako nun nung bigla na lang akong niyakap ni Mama at umiiyak na sya ng malakas.
"Anak... wala ka ng pupuntahan sa simbahan! Wala na si Lester!"
"Po!? Ma naman! Walang biruan ng ganyan!"
Pero hindi ko rin maintindihan ang sarili ko. Hindi ko mapaniwalaan ang sinasabi ni Mama. Umiiyak na rin ako nun.
"Anak, sorry pero... wala na talaga si Lester. Naaksidente sya kagabi pauwi sa kanila. Nabangga ng 6 wheeler truck yung motor na sinasakyan nya at sumuot ito sa ilalim kasama si Lester."
"PAPA! Hindi na ako natutuwa sa joke mo!"
![](https://img.wattpad.com/cover/1695784-288-k889161.jpg)
BINABASA MO ANG
Moving On (Short Story)
RomanceRead Please. :) "Moving On" "I tried to move on but you're not gone Cuz in my heart you still live on See now I know why I'll never love another for the rest of my life And why Now that you're gone I'm holdin' on And deep in my heart I wanna move on...