After the proposal, normal na ulit ang buhay namin.
Si Lester, patuly pa rin ang pagpasok sa school smantalang ako, naghahanap ng trabaho.
Hindi pala talaga biro ang buhay pagkalabas mo ng school. Hindi ito katulad na ihahanap ka ng parents mo ng school and with money, pwede ka ng pumasok. Dito, ikaw na yung didiskarte para sa sarili mo. I'm only 20 at hindi ko alam kung paano ko ba didiskartehan 'tong pinasok ko.
Naging busy na ako dahil nga sa paghahanap ng trabaho. Madalas pa rin naman akong nasa bahay dahil sa internet at dyaryo lang naman ako naghahanap ng mapapasukan at kapag may interview saka lang ako lumalabas ng bahay.
While si Lester, I'm so proud of him, running for Suma Cum Laude po ang aking minamahal. Oh diba? Mas magaling kasi talaga sya sakin eh. Kaya lang bago sya mag-graduate, kelangan nya munang mag-OJT kagaya ngayon... nasa Singapore lang naman sya para sa OJT nya.
Isa na rin yung dahilan kung bakit di ako pala-labas ng bahay. Baka kasi bigla nyang maisipan na mag-Skype kami eh pwedeng pwede anytime. Going strong? STRONGER PA KAMO.
Di naman kami perfect couple although masasabi ko talaga na masaya kami pareho sa kung ano ang nararating ng relasyon namin. Kaya nga Fiance ko na sya diba?
Speaking of Fiance, mas excited pa yung mga magulang namin sa kasal. Palibahasa kasi pareho na kaming 1st time sa pamilya na may ikakasal at gusto raw nila na bongga yung kasal. Kulang na lang sila na yung gumastos lahat. Kami naman ni Lester, 'Opo', 'OK lang po', 'we're cool with that'. Sangayon lang ng sangayon. Para rin naman samin yun eh.
Decided na nga pala yung kasal namin, April 5! Sakto pa sa birthday ng Cute na cute at bibong bibong author ng lovestory na 'to. Yep, ilang araw bago sya mag-graduate at ilang buwan bago namin i-celebrate ang aming 4th year anniversary.
"Candice! Come here! Chuuu~" tinawag ko yung Toy Poodle na anak anakan namin ni Lester. Gusto kasi syang makita ni Lester. We're on Skype right now.
Lumapit naman yung aso sakin at binuhat ko. Ang bigat at ang laki na nya! 2 Years old na kasi sya.
"Say hello kay Daddy oh~ Hi Daddy po! Sabi ni Candice po!" ikinaway kaway ko yung kamay ni Candice na nakatingin naman sa computer na parang alam nya yung tinitingan nya.
"Baby! Hi! Chu chu" sabi naman ni Lester sa kabilang linya.
"Hahaha! Wag ka ngang parang ewan jan, babe! Baka magkamalan ka ng daddy jan!" natatawa ako, kasi nasa isang wifi hall sya sa campo nila eh at maraming makakakita sa ginagawa nya. Baka isipin nila na eng eng si Lester. Hahaha.
"So what kung mapagkamalan nila akong Daddy? EH malapit naman na rin tayong ikasal. Ilang buwan na lang ba? 4? Excited na ako!" sabi niya na malawak pa yung ngiti sa buong universe.
"EH! Ako rin kaya! Excited na! Pero kinakabahan din ako. Wala pa akong trabaho hanggang ngayon. Paano tayo mabubuhay nyan? Hindi naman tayo pwedeng umasa na lang sa mga magulang natin."
BINABASA MO ANG
Moving On (Short Story)
RomanceRead Please. :) "Moving On" "I tried to move on but you're not gone Cuz in my heart you still live on See now I know why I'll never love another for the rest of my life And why Now that you're gone I'm holdin' on And deep in my heart I wanna move on...