Chapter 1 [Heartbeat]

10.7K 271 10
                                    

Katherine's POV

Nagising na naman ako mula sa isang masamang panaginip. Bakit ba palagi nalang may humahabol sa'kin at gusto akong patayin kahit na sa panaginip ko? Napailing na lang akong bumangon at pumunta sa kusina para uminom ng tubig. Mag-uumaga na at tiyak akong mahihirapan akong makatulog ulit nito.

Bumalik ako sa kwarto at naupo sa kama. Sinapo ko ang dibdib ko at pinakiramdaman ang tibok ng puso ko.

'lubdub-badub-labdub-badub'

Buhay pa ako, isip-isip ko. Napangiti ako ng mapakla nang maalala ko ang napanaginipan ko. Ayoko mang aminin pero halos lahat ng napapanaginipan ko ay nagkakatotoo.

Biglang umihip ang hangin mula sa bintana. Alam ko na ang susunod na mangyayari. Kung tama ang nasa panaginip ko, nasa labas nga siya. Tahimik na naghihintay ng pagkakataon na magawa ang pakay niya.

Pinilit kung pakalmahin ang sarili ko para huminahon ang tibok ng puso ko. Dahil sa bawat pintig nito, mas lalo itong nagbabadya ng panganib para sa'kin.

His' POV

Hindi ko mapigilan ang sarili ko na sundan ang nakakabaliw na tunog. Nag-iinit ang buong katawan ko habang palapit ako ng palapit sa pinanggagalingan nito. Muli akong napadpad sa mismong bahay tulad ng mga nakaraang gabi simula ng marinig ko ang nakakabaliw na tunog na 'yon.

'I can't hold it back anymore.' Bulong ko sa sarili ko.

Binuksan ko ang bintana ng isang particular na silid at mas lalo akong nabaliw sa kakaibang amoy na nakakalat sa hangin.

Ramdam kong namumula na ang mga mata ko, hinding-hindi ko mapapatawad ang kung sino man na dahilan ng walang katapusang pananabik na nadarama ko.

'I should satisfy my self with that sound and scent.' bulong ko.

Nabato ako sa kinatatayuan ko ng makita kong naghuhubad ang babae mula sa loob ng silid.

'She dared to invite me.' Isip-isip ko.

Just who is she?

----TBC

Bloody Obsession (Soon To Be UNPUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon