Someone Pov
Kakarating ko lang sa Angel academy ng May narinig akong nag aaway sa may gate kaya pinuntahan ko yun at di nga ako nagkamali meron ngang nag aaway.
"ano ba!! Bitawan mo nga ako" sabi nung babaeng kaaway nung lalaki dahil hinawakan sya nito sa may braso.
"pano kapag ayoko anong gagawin mo ha?" sabi nung lalaki
Tinitigan lang sya ng babae habang naka smirk.
"anong gagawin ko kapag hindi mo ko binitawan? Madali lang ito oh" oh sh*t!!!! Babae ba talaga sya isang suntok nya lang sa lalaki tulog agad grabe kakaiba sya.
Tumingin ako doon sa babae na parang hindi Man lang nasaktan ang kamao nya dahil sa pagsuntok doon sa lalaki at sabay alis napailing na lang ako sa aking nasaksihan at pumunta na sa classroom.
Sino ka ba?
Balang araw makikilala din kita.
Not now but soon.
Hyun ri Pov
Andito ako sa paborito kong tambayan sa may garden maganda kasi dito at mahangin nakaka refresh ng utak umupo muna ako dito sa May bench at nilabas ang aking libro at nag earphone nagbasa lang ako ng nagbasa hanggang sa namalayan ko na malapit na palang magsimula ang klase kaya umalis na ako doon at nagpunta sa classroom.
Pagdating ko sa room sakto namang wala pa ang prof namin kaya naghanap muna ako ng mauupuan. doon ako naupo sa likod dahil yun na lang ang natitirang bakanteng upuan.
Maya Maya lang dumating na ang prof namin.
"okay class I'm miss Kath faustino ang math teacher nyo at syempre adviser nyo din. Ngayon kilala nyo na ako kayo naman ang magpakilala sa akin mag start tayo dito sa left side" ayon nga nagsimula ng magpakilala ang mga classmates ko pero hindi ako nakinig iniisip ko kasi yung lalaking nasuntok ko kanina.
gising na kaya yun hayyss mamaya ko na nga lang iisipin yun malapit na kasi ako eh ako na ang susunod na magpapakilala.
At ako na nga Pumunta na ako sa harap at nagpakilala.
"I'm Kim hyun ri 17 years old call me Hyun ri if you want"
Pagkatapos magpakilala ng lahat umalis na yong prof namin hinayaan na nya kami dahil daw first day naman ngayon.
Dahil medyo maingay na dito sa room napag isip isip ko na lumabas na lang At kumain.
Habang naglalakad ako papuntang canteen medyo naiilang ako kasi naman pinagbubulungan Lang naman ako ng mga studyante dito anong bang meron?
Hindi ko na lang pinansin at nag tuloy tuloy na lang ako sa paglalakad.
Papasok na ako sa canteen ng may biglang humarang sa akin.Ano ba yan!! Uso ba ngayon yung habang naglalakad ka May biglang haharang sayo bakit parang hindi ako aware. updated naman ako lagi bakit hindi ko ito alam.
"may kailangan ba kayo sa akin? O may problema kayo sa akin?"ako na ang nagsalita parang wala naman kasing balak magsalita itong mga ito.
"both" tipid na sagot ng lalaking may kulay ang buhok.
Oo mga lalaki nga ang humarang sa akin.
"teka! teka! Kung pagtritripan nyo lang naman ako pwedeng bukas na lang nagugutom na kasi ako eh" pagkasabi ko nun ngumiti muna ako sa kanila at umalis na pero hindi pa ako nakakalayo may humila na sa mahaba at makintab kong buhok.
"aray!! Ano ba nasasaktan ako!!" sigaw ko.
"oh nasan na yung tapang mo? Bakit hindi mo ako suntukin gaya ng ginawa mo sa kaibigan ko kanina" huh? Kaibigan? Sino? Teka parang kilala ko na.
"yung lalaking nasuntok ko sa gate? Sya ba ang kaibigan na tinutukoy mo?" sabi ko.
"Oo tama ka sya nga"
"ahhhh" daing ko dahil mas lalo nya pang hinila ang buhok ko nakikita ko rin na pinagtitinginan na kami dito.
Habang ako nasasaktan itong mga lalaki na ito tawa pa ng tawa."pre! Bulag ka ba? Hindi mo ba nakikita nasasaktan na yung babae"
Nagulat na lang ako ng may nagsalita sa harapan namin.Tinignan ko ito Isa sya sa mga campus prince kuno pero hindi ko alam ang pangalan nya at wala na akong balak kilalanin pa.
"hoy!! Sino ka ba ha!! At ano namang pakealam mo sa babaeng ito ha!!" sabi ng lalaking may hawak sa buhok ko.
"unang una sa lahat hindi hoy ang pangalan ko at pangalawa may pake ako sa babaing yan dahil sya lang naman ang girlfriend ko naiintindihan mo" hanu daw? Girlfriend? Ako? Baliw na ba itong lalaking ito.
YOU ARE READING
LONELY
Teen FictionI'm Kim hyun ri 17 years old ako yung taong gusto laging mag isa, yung taong ni isa walang kaibigan, dahil bored kasama, yung tipong hindi sayo uso yung salitang PARTY, yung tipong bitbit mo lagi ay libro at ang sarili mo, yung taong minsa'y binubul...