Tiktilaoooook!
Tiktilaoooook!"Hoy Voghn alarm clock mo patayin mo nga!"
"Sino ba 'yan ang ingay!"
"Puta kanino ba 'yan!?"
"Ang sakit ng ulo ko shit!"
Iba't ibang daing ang nagpagising sa akin. Idagdag mo pa ang mala-nanay na alarm clock ni Voghn.
Lahat naman kami gising na. Mga ayaw lang bumangon. Syempre may mga hang-over.
Pati ako nararamdaman na Ang after math ng pag-inom ko. Bakit ba ang hina ko sa alak?
Alam ko na kung bakit. Banal pala kasi ako.
Wala na akong maalala. Naikwento ko ba sa kanila yung kay Voghn?
Kung alam lang nilang napakawalang kwenta nun.
Sakit sa brain!
"Maliligo lang ako" sabi ko sabay diretso sa C.R nila Voghn. Actually sa loob lang din naman ito ng kwarto nya.
Kaylan kong literal na mabuhusan ng malamig na tubig. Baka makatulong.
Kung ako si Voghn. Hindi ko iiyakan yun. Hindi dahil sa walang kwenta pero kasi naman napapalitan naman yun. Okay sige hindi sya suportado, pero ano ba naman yung pag-effortan di 'ba? Kasi once na nakita ng parents na seryoso talaga tayo papayag din naman ang mga 'yun.
And to think, Voghn is also a filthy rich. Hindi-hindi sya mahihirapang makahanap. Okay sige! Dagdag mo pang may itsura sya, pwede nyang magamit yon in whatever ways he wants.
Kaya no point in crying.
Pero kasi, pinaghirapan nya talaga 'yun. Grabeng pag-iingat din ang ginawa kaya dalawang taon din ang tinagal.
Grabe ang pakboi! Iba din!
At infairness sa tinagal ng pagkakaibigan namin. Ngayon ko lang syang nakitang ganyan ka-passionate.
Pagkatapos kung magbihis din sa loob ng C.R ay lumabas na ako.
Saktong lahat din sila nakaayos na din. Pero si Voghn mukhang narape ng 100 bakla.
"Gago Voghn! O.A mo masyado! Yun lang pala!"
Sa sinabi ni Louie napagtanto ko ngang naikwento ko ng maayos ang iniiyakan ni Voghn.
"Kaya ayokong sabihin sa inyo e! Judgemental nyo kasi. Kaasar"
Natatawa ako kay Voghn ngayon. Seryoso."Wait sinabi sa inyo ni Voghn? Ang duga naman! Kuya bakit daw?" Naasar na tanong ni Freyn sa kuya nya.
Paano nila malalaman? Sleep talking na nga yata ginagawa nila kagabi.
"Ang gago umiiyak kasi nasira daw ang pinakamamahal nyang robot. Sya daw kasi ang bumuo at mahal na mahal daw nya yun"
Yup! You heard it right. Yun lang iniiyak nya simula kagabi.
Bigay pa daw kasi ng Tito nya galing USA.
Natatawa akong tinignan sila. Si Freyn na napa 'what the fuck' sa gulat. Si Serea na nawala ang hangover sa narinig. Habang yung kambal natatawa na ngayon at si Louie na nakatulala sa umiiyak na si Voghn.
"Yun lang iniiyak mo Voghn? Seryoso ka?" Pambabasag ni Serea sa moment ni Voghn.
"Bakit? Sa naiiyak ako! Mahal mahal kaya ng ganun. Balita ko pa kay Tito limited edition daw yun. Sinong hindi maiiyak dun?"
Sige lang Voghn iyak lang.
Napailing na lang kaming lahat sa sinabi nya.
Pagkatapos ng pag-uusap namin ay napagpasyahan naming mag stay kahit saglit pa. Bago makauwi sa kanya-kanyang bahay.
"Aayusin natin 'yan Voghn. Don't worry"
'I can't believe I'd wasted my time just for this"
"Bahala kayo dyan. Hindi ako marunong sa ganyan"
"May manual Freyn, wag kang maarte"
"Nakakaiyak nga!"
At sa ngayon. Nakatayo kami sa harap ng gutay-gutay na robot ni Voghn.
Inakbayan ko si Voghn. Napalingon sya sa ginawa ko.
"Hayaan mo Voghn. Tutulungan kitang buuhin 'yan" bulong ko sa kanya.
Napangiti sya sa sinabi ko.
Sa punto ng buhay natin. Kahit wala pang kakwenta-kwenta ng iniiyakan natin. Nandyan parin ang mga kaibigan natin para sa atin.
At ginagawa ko ang role ko ngayon.
"Ano pang tinatanga-tanga nyo dyan? Simulan na natin 'to—" turo ni Gleymher sa robot "—para matigil na ang pakboi ng taon sa pag ngawa"
"Tara na!" natatawa kong sabi sa kanilang lahat.
Well kaya lang naman naming bumuo ng bagay kahit may hang-over kaming lahat.
Ikaw, what will you do just for the sake of building something again?

YOU ARE READING
Building Broken Pieces
Short StoryWhat will you do just for the sake of building something again?