Broken

5 0 0
                                        

Isang umiiyak na lalaki ang nakikita ko ngayon sa harap ko.

Aaminin kong halos lahat ng mga kaibigan ko ay lalake. Ganun pa man ay namamangha pa'rin ako tuwing nakikita ko silang umiiyak.

Naniniwala kasi ako na ang mga lalake ay mahilig magpigil ng nararamdam. Hangga't maaari ay pipilitin nilang magtago ng nararamdam. Ewan ko ba! Tinggin yata nila kapag umiyak sila mababawasan pagkalalaki nila.

Kaya kapag umiyak sila, for sure sobra-sobra na or nasa maximum level na ang nararamdaman nila to the point na hindi na nila ma-handle.

Nakaka-amaze kayang makakita ng lalaking nasa weakest point.

Kasi akala mo kaya na nilang i-handle lahat. Hindi katulad nating mga babae masyado tayong emotional. Kahit pigilan lumalabas.

Kaya kapag nakakakita ako ng lalaking umiiyak. Feeling ko nanunuod ako ng sumasabog na bulkan.

O.A masyado pero that's my perspective. Nakita mo na ba yung tatay mong humagulhol?

Pag-oo,
-Hindi ba parang gusto mo ring umiyak? Or damayan sya?

Pag-hindi naman,
- I told yah! Mahirap makakita ng umiiyak na lalake.

Ito ang mga pagkakataong gusto kong maupo sa isang tabi, at kumuha ng camera para makuhaan silang umiiyak. Tapos i-replay ng paulit-ulit or ipangblackmail sa kanila.

Sama mo Seary!

Para naman kasi 'tong timang. Iiyak-iyak tas tatawagan ako! Wait lang ah! Time check lang ako saglit. Its fucking 9:43 p.m for Pete's sake! Nakakabanas 'man ay walang magagawa ang inyong lingkod.

Para akong tanod na nagbabantay sa barangay tuwing gabi, or doctor.

Laging on-call.

Pisteng buhay 'to.

Mahambalos nga 'tong isang 'to kapag tumino. Pati na'rin yung mga katropa nitong mga pakboi din.

"Seary! Anong gagawin ko?"

Ayan na s'ya. Ise-set ko na ang aking pasensya to the highest level.

Mahabang pasensya mode on.

"Aba! Bukod sa punasan mo muna yang uhog mo e. Tumigil ka na sa pag-iyak ng makauwi ako"

Ang sabi ko mahabang pasensya hindi mahabang sungay e! Huhuhu. Sorry Voghn. Inaantok na kasi ako.

"Tae naman Seary e! Kaylangan ko ng matinong payo. 'Di ka ba naawa sakin" umiiyak pa'ring sabi nya.

Wooooh ako maawa sayo?

Kung pati ako maawa sa'yo wala ng justice sa Earth.

"Kung hindi kita kilala or kung siguro hindi ka pakboi. May chance" napairap na lang ako sa mga nasabi ko sa kanya

"Anong chance Seary? Sayo? May chance na a— ARAY NAMAN SEARY!"

"TAE KA! PAIYAK-IYAK KA PA DYAN! GULPIHIN KITA E!"

Tignan mo 'tong lalaking 'to kahit namumula na 'yong batok sa hampas ko parang gusto ko pa'ring saktan.

"Huhuhu Seary! Anong gagawin ko? Mahirap ng mabuo ulit 'to" sabay punas ng luha "Sa tingin mo worth it parin ba?"

"Medyo tanga ka rin kasi. Pinabayaan mo kasi or sadyang fake lang 'yan" sabay nguso ko sa kanya.

Believe me matino akong kausap pag kaylangan.

"Taeng'yan! Fake pa'rin kahit tumagal ng 2 taon? Grabeng fake naman yun Seary"

Napaisip ako. Oo nga naman. Tsaka yun na yata pinakamahaba nya. Kawawa nga ang isang 'to.

Building Broken PiecesWhere stories live. Discover now