Back To The Start *Short Story*

19.3K 449 191
                                    

Author's Note:

Last Part po ito ng Kwento nina Carlo at Gwen ng Reaching The Climax at Lie About Us. Para po hindi maguluhan ay pakibasa na lang po ang part 1 Reaching the Climax at part 2 Lie About Us sa profile ko.

********************* 

********************* 

********************* 

******************** 

********************

"Kausapin mo naman ako Gwen." sabi ko sa kanya ng hindi na ako makatiis sa mga ginagawa nyang pag-iwas sa akin.

Ilang linggo na akong nagpapabalik-balik sa bahay nya. Ngunit hindi man lamang nya ako kinakausap. Nagmimistula na akong invisible sa harap nya. Dere-deretso lamang sya sa loob ng bahay o kaya ay sa kotse nya. Wala talaga syang balak na kausapin ako. At ito ang pinakaayaw ko sa ugali nya. Kapag nabuo na sa isip nya na iignore ka ay gagawin nya talaga. Kinakailangan ko pang magpapansin para makuha ang atensyon nya.

Kaya ang mga ginawa ko sa kanya noon?

Dahil yan sa ugali nya. Pinagsisisihan ko ang mga nagawa ko noon. Pero handa kong ulitin yun para lang maramdaman ko na nasa akin ang atensyon nya.

"Ano bang kailangan mo?" tanong nya sa akin na salubong ang kilay.

"Mag-usap tayo."

Nagpunta kami sa playground. Kasama kasi namin si CJ. Umupo kami sa isang bench habang pinagmamasdan ang anak namin sa mga batang naroon.

"Bakit?" napatingin ako sa kanya. Nakatingin pa din sya sa anak namin.

"Ibinigay ko lang ang gusto nya." sagot ko na muling tumingin kay CJ.

Hindi naman ako ang unang bumitaw sa relasyon ko sa babaeng pinakasalan ko. Sadya lamang na wala talagang patutunguhan ang sitwasyon namin. Hindi sa bata umiikot ang mundo namin. Yan ang natatandaan kong sinabi nya sa akin ng sabihin ng dati kong asawa na maghiwalay kami.

Alam ko na may pagkakamali din ako. Masyado kong iginugol ang sarili ko sa trabaho at anak ko. Nakakalimutan ko na may asawa pa pala ako. Hindi ako pumayag sa gusto nya. Ang dami ko ng isinakripisyo para sa pamilya ko. At alam ko na magagalit din si Gwen kung hahayaan ko na mapunta sa wala ang rason ng paghihiwalay namin.

Pero wala talaga...

Back To The Start *Short Story*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon