Isinulat ni Kapatid na: Daniel J. Lapid Sr.
MARAMING TAGAPANGARAL ngayon ang nagtuturo na sapat nang tanggapin ng tao si Cristo bilang tagapagligtas upang siya ay maligtas. Sumampalataya lamang daw sa Kaniya ay maliligtas na at hindi na raw kailangan pang umanib sa Iglesia ni Cristo. Totoong mahalaga na tanggapin ng tao ang Panginoong Jesucristo sapagkat ayon kay Apostol Juan, ang mga tumatanggap sa Panginoong Jesus ay pinagkalooban ng karapatan na maging anak ng Diyos:
Juan 1:12
" Datapuwa't ang lahat ng sa kaniya'y nagsitanggap, ay pinagkalooban niya sila ng karapatang maging mga anak ng Dios, sa makatuwid baga'y ang mga nagsisisampalataya sa kaniyang pangalan."
Itinuturo ng Panginoong Jesucristo kung paano Siya matatanggap ng tao kahit na ngayong Siya ay nasa langit na. Sa Juan 13:20 , ganito ang sinabi Niya:
" Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, Ang tumatanggap sa sinoman sinusugo ko ay ako ang tinatanggap; at ang tumatanggap sa akin ay tinatanggap ang nagsugo sa akin."
Kung gayon, upang matanggap ng tao ang Panginoong Jesucristo ay kailangang tanggapin ang Kaniyang sinugo. Ayon din sa Panginoong Jesucristo. Masamang itakuwil ang sinugo.
Sa Lucas 10:16 ay Kaniyang sinabi ang dahilan:
" Ang nakikinig sa inyo, ay sa akin nakikinig; at ang nagtatakuwil sa inyo ay ako ang itinatakuwil; at ang nagtatakuwil sa akin ay itinatakuwil ang sa aki'y nagsugo."
Napakasamang itakuwil ng tao ang sinugo ng Panginoong dahil hindi lamang ang sinugo ang naitatakuwil kundi maging ang Panginoong Jesucristo at ang Diyos na nagsugo. Kaya ang pagtanggap ng tao sa Panginoong Jesucristo ay tunay niyang magagawa hindi lamang sa pamamagitan ng pagsambitla lamang niya ng gayon, kundi sa pamamagitan ng pagtanggap sa tunay na sinugo.
Ang makalalapit kay Cristo
May binabanggit ang Panginoong Jesucristo na mga taong kumikilala at tumatawag sa Kaniya ng Panginoon o “Lord” ngunit itataboy Niya sa araw ng Paghuhukom. Sino ang mga taong ito? Sa Mateo 7:21-23 ay ganito ang pahayag ng Panginoong Jesus:
" Hindi ang bawa't nagsasabi sa akin, Panginoon, Panginoon, ay papasok sa kaharian ng langit; kundi ang gumaganap ng kalooban ng aking Ama na nasa langit. Marami ang mangagsasabi sa akin sa araw na yaon, Panginoon, Panginoon, hindi baga nagsipanghula kami sa iyong pangalan, at sa pangalan mo'y nangagpalayas kami ng mga demonio, at sa pangalan mo'y nagsigawa kami ng maraming gawang makapangyarihan? At kung magkagayo'y ipahahayag ko sa kanila, Kailan ma'y hindi ko kayo nangakilala: magsilayo kayo sa akin, kayong manggagawa ng katampalasanan."
Maliwanag na sa araw ng Paghuhukom ay may mga taong itataboy ng Panginoong Jesucristo kahit pa nakapanghula sila, nakapagpalayas ng mga demonyo, at nakagawa ng mga gawang makapangyarihan sa Kaniyang Pangalan. Maaring kinikilala nila ang Panginoong Jesus subalit hindi naman Niya sila kinikilala. Kaya, hindi mapanghahawakan ninuman na dahil sa nakagawa siya ng mga milagro sa pangalan ni Cristo ay papapasukin na siya sa kaharian ng langit. Ang papapasukin ng Panginoong Jesucristo sa kaharian ng langit ay yaong kumikilala sa Kaniya na kinikilala sa Kaniya na kinikilala rin naman Niya.
Ipinahahayag ng Tagapagligtas kung paanong ang tao ay makalalapit sa Kaniya upang kilalanin Niya. Sa Juan 6:44 ay sinasabi Niya:
" Walang taong makalalapit sa akin, maliban nang ang Amang nagsugo sa akin ang sa kaniya'y magdala sa akin; at siya'y aking ibabangon sa huling araw."
BINABASA MO ANG
Ang Tunay na Tumanggap kay Cristo
EspiritualPasugo Issue: October 1998 Volume 50, Number 10 ISSN number: 0116-1636, Page 15-16 Also Like the Official Fan page of Iglesia ni Cristo: https://www.facebook.com/INCOfficial https://www.facebook.com/KabayankoKapatidko https://www.facebook.com/INCTV ...