Talent/Skill no. 13

14 2 0
                                    

3rd Persons Point of View

Kumalat sa buong campus ang balita tungkol sa duo challenge na gaganapin between Freya and Jack vs. May and Sky. First time itong mangyari na may Duo Challenge kaya nasasabik ang lahat ng mga estudyante na mapanood ito.

15 minutes bago magsisimula ang duo challenge ay nagsimula ng magtransform bilang isang malaking arena ang oval field kaya isa-isang dumagsa ang mga estudyante na manonood ng kanilang labanan.

"Hey guys! Nandito kami!" sigaw nina Bridgette at Ginger nang dumating sina Vince kasama ang buong section C para suportahan sina Sky at May, nakaupo din doon sa kabila sina Keana at Mika ang mga (kahousemate ni May) pati na rin sina Stephen at Gin ang mga kahousemate din ni Sky. Sa kabilang bleachers naman ay nanduon ang iilang napapabilang sa section A na kalmadong nakaupo ngunit nagtataka sina Bridgette kung bakit wala ang mga nakakataas sa section A, lalo na ang rank #1 and 2 na sina Nicholas at si Rex. Di nalang nila ito pinansin at itinuon ang atensyon sa arena.

"Naeexcite na ako!" - naibulas ni Ginger.

Halatang excited nga sila ngunit sa kinaloob-looban ay kinakabahan sila para kina Sky at May dahil alam nila kung gaano kadumi maglaro sina Freya at Jack dahil sisiguruduhin talaga nilang makakapaghigante sila at di makakauwi ang kanilang kalaban nang di nababalian ng buto.

"10 seconds before the challenge starts!" - host

Saad ng host nang maset-up na lahat ng napakarami at iba't ibang mga obstacle courses para sa random challenge na gaganapin kaya agad itong  nagpahiyawan sa lahat.


"Woooooohh!!!"


Sa kabilang banda naman, nasa waiting hall ng arena sina May at Sky habang nasa kabila nito ay nandun sina Freya at Jack na naghihintay.

****

May's Pov



Kahit nasa loob kami ngayon, rinig na rinig ko pa rin ang mga hiyawan at ingay dito sa labas ng waiting area.

I know for sure na ang karamihang nanonood ngayon ay ang lahat ng sumusuporta kina Freya't Jack.

Alam kong na mahirap silang kalabanin kahit di ko pa talaga nakikita kung gaano sila kagaling, pero ang mataas nilang puwesto sa ranking proves na magaling nga sila... but I badly want to win this, because it's my first ever official challenge.



*sigh💨

Napatingin ako sa kabila kung saan nakasandal si Sky sa mga lockers na nakatayo. He's been quiet (as usual) since pagdating namin rito. Nakatanaw lang ito sa ere na pawang may sarili na naman itong mundo. He seems cool though habang nakalagay ang kanyang mga kamay sa kanyang bulsa at as usual pa rin, ay nakaheadset pa rin ito.

He doesn't seem nervous nor excited, parang wala lang...but that's good.

"Do you want to say something?" Biglaang saad niya na nanatili pa ring nakatanaw sa ere.

Napataas naman ang kilay ko dito.

"Wala naman, ba't mo natanong?"

U.OF.T.A (University OF Talent Academy) On-goingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon