1

4 0 0
                                    

Chapter 1 Friendship

Katana's POV

(Double Kill, Triple Kill, Rampage) Sunod-sunod kung patay sa mga kalaban. Oo nag-lalaro ako, akala niyo na kung ano noh. Hahahaha hindi ako mamatay tao at hindi ako papatay.

"Lodi! galing." chat yan ng isa sa mga kalaro ko.

Tinutulungan ko kasi sila sa Rank game. Inembita nila ako, umoo na lang ako. Mabait kaya ako. Hindi ako katulad ng ibang players na ipagmamayabang na magaling sila pero hindi man lang tumulong sa iba. Diba parang ang selfish, sabihan ba naman nila na "Weak ka, ayoko matalo baka mawala stars ko at bumaba sa rank." Baka siya ang Weak kasi natatakot siyang matalo, kung magaling talaga siya mababawi naman niya mga stars na nawala niya. Diba? At saka hindi naman dapat tawaging Weak kasi nag-uumpisa tayo na wala pang alam at iba-iba ang mga tao. May madali matoto at mabagal matoto. Ang dami kung nasabi. ~_~hahaha lol

"Kat, hindi ka pa ba tapos diyan?" nilingon ko si Belle at tumango

Siya ang pinakamatalik kung kaibigan na si Belle. Makulit siya sobra, kung hindi ka umoo sa gusto niya. Pipilitin ka niya hanggang makuha niya ang sagot na gusto niya. Spoiled eh, mayaman kasi. Well, hindi naman lahat mayayaman spoiled. Diba?

"Tulungan mo naman ako sa assignment ko sa math." hindi ko man siya makita alam kung nag-puppy eyes na naman siya. Alam na alam niya talaga ang kahinaan ko. I like cute stuffs kasi and yeah she's cute aaminin ko. May pagka-boyish kasi ako, at sabi nila ang suplada ko daw. Pero hindi nila alam ang totoo kung kulay, my friends and family only knew this side of me. Being girly and soft-hearted.

"S...si....geh.. nom..nom.. n..nah....nom ...?" kumakain kasi kaya ganyan mag-salita, takaw kasi nito. She's eating her favourite cake and yeah food is her weakness. hahaaha takaw. Maraming beses ko ng ginamit ang kahinaan niya para mapa-oo o mapa-amin siya. Hindi naman siya tumataba kaya go lang daw sabi niya. Pero hindi siya pinagpala ni lord sa katalinuhan. Matalino naman siya pero ang bagal niyang makuha ang mga tinuturo ko kung baga ang slow niya.

"Tatapusin ko lang toh okay at tsaka mag hinay-hinay ka nga. Kung kumain ka wagas, eh kung sa pag-aaral mo kaya lubos-lubosin." ito maiinis nato

"Yey! Thanks!*pouts* Umandar na naman ang pag-kasuplada mo. Sabihin mo na lang kung hindi mo gusto, mag-papaturo na lang ako sa iba." kunwari pa toh eh hindi naman toh naiinis sakin, alam niya kasi diba ... yung kahinaan ko! Ang cute niya kasi, sarap kurutin. At tsaka mapilit tong taong toh.

"Oo na kasi. Lagi mo nalang akong ginagamitan ng kahinaan ko." ayy patay baka ano isipin nito, lalaki pa ang ulo

"Yiee cute ako. hahahaha cute ko talaga." oh sabi sa inyo eh

"Aisht!" pshh diba sabi ko sa inyo lalaki ulo niyan, namatay tuloy ako. Sa laro okay, kung ano pa isipin niyo diyan.

"Oo na lang ako." hahahahaha 

"Ang sama nito. hmp" kunwari tampo daw

"Hay naku't tigilann mmo ako para matapos nato. Hindi kita turuan diyan eh." istorbo pa, sabi ngang oo eh

"Ito naman, oo na lulubayan na. Dalian mo ah."

Hindi ko na sinagot baka humaba pa usapan namin, mag-bago pa isip ko. hahahahaha... Makapag-concentrate na lang nga.

"Puta naman! Ang galing kasi ng Miya eh." sino ba tong nag-mumura pero okay lang sinabihan lang naman ako ng magaling. Eh hindi sa nag-mamayabang ah wala namang Miya sa panig nila at Miya ang gamit kung hero kaya obvius nang ako ang tinutukoy niya. At feel ko ngayon mag-reply, walang basagan ng trip.

"Ty." tipid na sabi ko, eh sa nag-lalaro ako eh. hahaahaaha

"Uwahh nag-rely si lodi Katana. Ganda niyo po."

"Oo nga, at sabi nila "a girl of few words daw siya."

Over naman maka-react ang mga tuh~_~. Kasi naman kasi kasali ako sa grupo ng mga magagaling mag-laro at nalaman nila ang pangalan ko, kasi ibinulgar ng isa sa mga ka-grupo ko don. Kaya ayun natikman niya ang pagka-suplada ko. Nakita din nila ang picture ko kaya grabe talaga ang satsat ko sa pinsan ko. Oo pinsan ko ang nag-kalat, nasuntok ko nga siya eh. Eh sa ayaw ko malaman nila eh, laro lang naman pakay ko. Hindi ako katulad ng iba na ipanglandakan na maganda sila.

"Victory." ayos natapos rin, that was a tough fight. Kala ko talo, ganyan ba ako kagaling? omg ang hangin hahahaha lol XD

"game?" chat nung lalaki kanina, yung nag-mura pero sorry siya tutulungan ko na si Belle. Inip na siya eh. Nag-reply na lang ako ng "next time". Eh lubos-lubusin na ang pag-reply noh^_^. Kaya ayun nag-exit na ako sa laro at nag-charge.

"Belle, tapos na!" nawala kasi kaya sumigaw ako para marinig niya kung nasaan man siya."

"Huwag ka nga sumigaw, nandito lang ako sa likod mo. Tagal ah." nasa likod ko pala siya, nasa study table kasi ako at umupo malapit sa sofa na nasa likod ko lang.  Nasa sofa kasi siya nakahiga. Malay ko ba diba?

"Malay ko ba at nandyan ka." eh sa hindi ko naman alam eh

"Eh sa tagal mo matapos eh nahiga na lang ako." oo nga naman

"Sorry naman, ang galing kasi ng kalaban." naalala ko tuloy yung lalaki, gusto ko tuloy mag-online at tignan kung online pa siya. Eh hindi naman pwede kasi nga tuturuan ko pa si Belle sa assignment niya. Makakapag-hintay naman yun.

Kaya nag-umpisa na kami. Natagalan lang kami kasi diba slow si Belle kaya inexplain ko pa para maintindihan niya. I'm a good best friend you know. If you don't know, now you know. Pagka-tapos pinasolve ko siya ng ilang problems. May problem na nahirapan siya kaya tinulungan ko, then ng kaya na niya pinasolve ko na sakanya ang assignment niya. Nasagot niya naman kaya I'm proud of her kasi kahit na slow siya nagsisikap siya para matoto. Hindi naman kami kagaya ng iba na ibibigay na agad ang sagot. Unfair yun at may possibilities na mag-depend siya sayo. Hindi naman sa lahat ng oras dapat magtulungan. Hindi naman pwede na isubo mo sakanya ang sagot kasi kaibigan mo.

Kumain kami syempre, nagutom kasi kami lalo na't gamit namin ang utak namin. Lagi naman tong gutom itong kasama ko. hahahaha shhh lang baka magalit haahhaha ^_^ Nag-tooth brush kami pagkatapos ang kulit niya nga eh pagkatapos natulog na rin. Maaga pa kasi kami bukas, May pasok. Kung tinatanong niyo kung wala ba akong assignments, tapos na. Ginawa ko sa free time namin.

Ang swerte ko dahil nakilala ko si Belle. Kahit na ang kulit at mapilit. Mahal ko siya dahil....

She is my sister,

My Best Friend,

My Soul Mate,

and the Best Part of me.

I wish, no I hope our Friendship will last long.


~


Thank you for reading ^_^

Shiba~_~




You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 26, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

When Gamers Fall in LoveWhere stories live. Discover now