Chapter 3

0 0 0
                                    

Chapter 3: Secluded

-Amethyst-


To be loved by someone I love is one of my wishes. Apat na lalaki. Four boys that makes me happy yet temporary. They told me they love me, but I don't know why. Bakit nila ako minahal? Dahil ba sa ugali ko? Sa pisikal na anyo? I don't know. Walang kasiguraduhan ang lahat. Who knows. Their so called love for me, fades. Niligawan tapos iiwan. It has always been my cycle. Because I can't give them what they want. Lahat nalang ba, iiwanan ako?

Nakatulala ko habang nag-eexplain sa harap ang teacher. Malapit ng mag-lunch. Ngunit hanggang ngayon hindi ko pa rin talaga maproseso ang ginawa ni Scion kanina. Ano ba kasi ang iniisip niya para gawin iyon? We slept at akala ko hanggang doon lang kami. Kilala siyang playboy kaya bakit niya ginagawa ang mga ito? Gulong-gulo na ang isipan ko.

He's planning something. I can sense it. Yon nga lang hindi ko alam kung ano. Plano niya bang paibigin ako saka iwanan sa ere katulad ng mga babae niya? Never. Kung iyon nga ang plano niya, hindi siya magtatagumpay. Serious and matured men are the most endangered species nowadays.

May kumatok sa pintuan kaya napabaling kaming lahat doon. Nang makitang professor lang iyon, humalumbaba ulit ako. Tinatamad akong mag-aral. Hindi iyon normal sa akin. Lagi akong nakikinig at nagpaparticipate. Ngunit ngayon wala talaga ako sa mood mag-aral.

"Listen up here, class. Mr. Gargantua have an announcement. You may speak, Sir." Mr. Luanda said.

Ngumiti ang lalaki sa prof namin. He, then, turned to us.

"Good morning, students. As you can see, malapit ng mag-midterms kaya hindi na kami tumatanggap ng estudyante na magpapalipat ng course dahil mahuhuli na sila. But this guy is persistent. Makakahabol daw siya kaagad sa lessons niyo." Bumuntong hininga siya. "Come here, hijo."

Umub-ob ako sa silya saka mariing ipinikit ang mata. Siguro inaantok ako kaya wala akong gana.

"Kindly introduce yourself, hijo."

"My pleasure, Sir." A cool baritone voice filled my ears. " Hi there. I'm Scion Perez, at your service."

Nawala ang antok ko sa katawan. Nagtama ang aming paningin. Bigla siyang kumindat na ikinatili ng mga babae sa room. Geez. Wala ba talaga siyang planong patahimikin ako?

Nagtitili ang mga classmates kong babae. Kung hindi naman tumitili, nagbubulungan at naninisay sa kilig. I almost rolled my eyes. Kala mo naman may artistang dumating. Manyakis na lalaki lang pala.

"Quiet everyone! I'm sorry for that Sir." Ani prof.

"It's okay. So, I'll leave you here. Thank you, Mr. Luanda for the time. You may continue your conduction."

Umalis na ito. Kinausap siya ng prof namin pero sa akin nakatuon ang mata niya. Tinitigan ko ng masama ang nakangising pagmumukha ni Scion. Hindi ko alam kung anong sinabi niya kay prof pero nakangising nagmartsa siya patungo sa direksyon kung saan ako nakaupo. Napaayos ako ng upo. I looked upon the seat next through me. May seatmate ako ngunit absent siya. Actually, absent na siya ng dalawang linggo. Balita ko nga ay nag-dropped out na ito sa school. Pero wala akong balak magpatabi kahit sino. Lalo na kung si Perez ang tatabi. Pasimple kong nilapag ang bag ko sa upuang bakante.

Huminto na siya sa harap ko. I face him with a cold stare. Halos gusto kong sabihing 'umalis ka dito!' but it doesn't make any sense. Nandito naman siguro siya para mag-aral. May playboy pa sigurong matalino. But I should have known. Kalandian lang ang nasa isip niya.

"As you can see, the graph itself—"

"Amy, I'm so happy to be with you. Pwede ka ba mamaya sa condo?" Mahina at malambing niyang saad. Pero hindi mawawala ang nakakalokong ngiti niya na parang may ipinaplano.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 20, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Womanizer in LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon