Chapter 1: Tanga-Amethyst-
Ang sinag ng araw ay tumatama na sa mga mata ko kaya napadilat ako. Argh! Ang sakit ng ulo ko! Ilan bang tequila ang nainom ko kagabi? Napaupo ako at hinilot ang sentido ko. Ang kumot na nakatabing sa katawan ko ay dumausdos at nalantad ang hubad kong katawan! Kinuha ko muli ang kumot at itinapis ito.
Inilibot ko ang paningin ko sa silid at dalawang kulay lamang ang namamayani. Black at white. Saan ako? Napatingin ako sa aking tabi ng may gumalaw muli rito. W-what? Si Scion!
"Hmm." ungol nito.
Kinagat ko ang pang ibabang labi ko at pilit na inaalala ang nangyari kagabi. God! Hindi ko maalala. Dahan dahan akong tumayo dahil masakit ang pagitan ng aking mga hita na hindi ko alam kung bakit. Ang damit ko kagabi ay nagkalat sa sahig. Dali dali ko itong kinuha at nagbihis bago niya pa ako makita. This can't be happening! Siya si Scion Perez! Ang playboy ng campus!
Palabas na ako ng unit niya ng bumukas ang pintong nilabasan ko kanina. Nanlaki ang mata ko ng lumabas si Scion dito na nakaboxers lang! Magulo ang kanyang buhok na tila pinugaran ng mga ibon ngunit hindi pa rin mawawala ang kakisigan nito at ang mala anghel na mukha. Napalunok ako ng mapababa ang tingin ko sa kanyang mga abs. Patungo sa ibaba... ayst! Stop Amy!
Dumako ang tingin niya sa kinatatayuan ko na gulat at nagtangkang lumapit sa akin ngunit kumaripas ako ng takbo.
"Hey, wait!" sigaw nito at hinabol ako.
Papasara na sana ang elevator ng sumingit ako. May dalawang babaeng nasa loob at ang walang hiya huminto at kinindatan lamang ang mga ito bago magsara ang elevator. Umusbong ang inis ko sa kanya! Humagikhik ang dalawang babae at pinantasyahan ang katawan ng lalaking iyon.
"I couldn't forget the sight of him while kneeling in front of me. He's very good!" anang isa.
"Oh, really? I'm looking forward for that to happen to me also!" sang-ayon naman ng kasama niya.
Napalingon ako sa kanila. They're beautiful. Nahihiya ako para sa aking sarili. These are beauties, ang klase ng babae na papatulan ni Scion. Sino ba ako para pag-aksayahan niya ng panahon at oras? I may be beautiful but not as beautiful like them. God! Why do I sound so frustrated!?
Halos manlumo naman ako ng unti unting kong naaalala ang nangyari kagabi.
"Please... Scion"
Ugh! Hindi! Hindi! Walang nangyari sa amin! We just sleep! But how can I explain that we are both naked and I'm... sore. Pinagtabi ko ang aking paa at uminit ang aking magkabilang pisngi.
"Amy..."
"Aah! Hindi iyon totoo! Hindi!" frustrated kong sigaw dahilan upang mapatingin sa akin ang dalawang babae at tinaasan ako ng kilay. No!
--•--
Tanghali na ng mapagpasyahan kong pumasok na lang sa skwela. Bukod kasi sa wala akong magawa sa aking condo ay maaalala ko lamang ang nangyari sa akin kagabi. Nawala ang pinakaiingatan ko! I always thought that when time comes I'd give it to the one I love. Pero hindi! At napunta pa ito sa lalaking expert sa pananakit ng feelings! Ni ang mga walang hiyang boyfriend ko nga ay sinusuyo ako para lang makuha iyon. Tapos sa playboy na 'yon lang pala mapupunta e, mas grabe pa sa mga ex ko! Argh!
BINABASA MO ANG
Womanizer in Love
RomansaHe was a playboy. A hot and drop dead gorgeous man. "I wouldn't fall for his trap." Amethyst Saline Cortex promised to herself. He had been played by many guys before and it's all playboys. Ayaw na niyang maulit pa ito so she distanced to every boy...