Isa

8 1 0
                                    

(Flashback)

tok*tok*tok*

“mama, may nangatok.” sabay pagtataka habang si mama nakatingin kay papa.

“nak, alam mo ba yung tinuturo ko sayo kung saan ka magtatago pag naglaro kayo nila jazmen?” haplos ng buhok ko ni papa.

*nod* opo papa sa ginawa mong taguan ko sa ilalim ng hagdanan natin, hirap nga don ma kasi 6 yrs old palang ako papa kaso ang ginawa mo pang 5yrs old.” sabay pout ako kay papa.

Tinignan lang ako ni mama na para bang nag aalala sakin. Naka ngiti si mama saakin sabay “sige na anak, doon ka magtago hanggat hindi ka namin  tinawag ni papa mo, wag na wag kang lumabas ha?” tumango nalang ako sa sinabi ni mama sakin.

Tumakbo ako papunta sa hagdanan namin at  kinuha ang hairpin ko para tusukin ko yung maliit na butas doon upang magbukas ang pinto na ginawa ni papa. Hindi pa pala binuksan nila papa ang pintuan kasi naka tingin sila saakin sabay sign si mama na “shhhhh” ibig sabihin, hindi ako pwedeng mag ingay. Kaya nag nod nalang ako bilang pag sang ayon sa kanila.

Kahit hindi ko nauunawaan sila bakit nila ako pinapapasok doon, sinunod ko parin sila.

Maya-maya pa ay may narinig akong kalabog, naging alerto ako at may narinig akong nagtatalo at alam ko hindi ang mga magulang ko iyon.

“Mr. Ching, wala po saakin ang hinahanap ninyo, bakit ayaw ninyong maniwala” sabi ni papa sa isang taong tinawag na Mr. Ching.

“Robert, Robert, Robert, hindi ako ipinanganak kahapon lamang ni mommy, sa tingin mo maniniwala ako sayo?” sabay suntok kay papa at ngayon naka higa na sa sahig.

Hindi mo makita ang mukha nya kasi maliit lanv ang butas sa pinagtataguan ko. Nakikita ko lang ang kanyang kamay na may tattoo.

“Ayaw mo ba talagang ibigay saakin ha Robert? Oh patayin ko na lamang ang iyong asawa at anak.?”

“Mr. Ching parang awa nyo na, wala po talaga saakin. Maniwala po kayo saakin” pag mamakaawa ni papa habang naka luhod kay Mr. Ching.

“Isa,
Dalawa,
Taltlo,

“wala po talaga saakin Mr. Ching” iyak na si papa

“apat
Last one Robert

“wala po saakin talaga” halos di na si papa makapagsalita sa kakaiyak.

“Lim....... *Bang*

Nagulat ako...

Hindi...

Wag...

No, no, way.....

Di ko na makita sila sa iyak ko.

Wagggggggggggggggg!!!!!!!!!!!!!

*end of Flashback *

“beshy, besh, gising” tapik ng tapik ng kaibigan kong baliw, ikaw ba naman pwede naman sa balikat diba? Bakit sa noo ko pa.
“ nanaginip kana naman ng masama besh?”

Nagising ako at grabi ang pawis ko, kahit naka aircon kami. Ngayon naka upo ako sa kama na nakayuko.

tabi jan kung ayaw mong matamaan sakin.”

“besh naman, ikaw na nga ginising ikaw pa..”

Hindi na nya natuloy ang kanyang sasabihin kasi naka tingin na ako sa kanya ng may pag babanta.

“sabi ko nga, labas kana jan kasi kakain na tayo, fyi beshywap first day of school natin ngayon bilang college graduate” tuwang tuwa sya kasi ga-graduate na kami next year.

Ang PROBENSYANANG GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon