Chapter 1: Gil Perez 1st jump in time

54 17 4
                                    

Gil Perez POV:

"Hola! Buenos dias, amiga's amigo '(hi! good morning ladies and gentle men) pagbati ko sa mga nakasalubong kong mga kastila na sumakop sa lugar namin.

"Me llamo" (my name is)  Gil perez pinganak ako noong a onse ng enero labing anim na siglo, di ko kilala ang mga magulang ko, ako ay isang ulilang lubos na lumaki sa kombeto kasama si Padre Gomez na siyang nagpalaki sa akin at nagtuturo ng mga pangunahing salita ng mga kastila, Kapalit ng pananatili ko sa simbahan ni Padre Gomez, ako ay nagsilbi bilang Sakristan.

Enero a onse na ngayon, ibig sabihin kaarawan ko ngayon, at kaarawan din ng may akda ng kwentong ito "hahaha".  kantahan niyo naman ako ng "Feliz navidad , pa-pa-ra-pa-pa, feliz navidad pa-pa-ra-pa-pa prospero anoz felicidad"  ay mali pang pasko yang kantang yan eh, dapat ganito "Feliz Cumpleanos , Feliz Cumpleanos, Feliz Com-pleanosssssssssss amigo" (maligayang kaarawan kaibigan) yan lagi ang kinakanta ni Padre Gomez sa akin tuwing kaarawan ko.

Sa tuwing kaarawan ko, lagi akong tinatanong ni Padre Gomez kung anong gusto ko? sabi ko "naman gusto kung makilala at makita  ang mga magulang ko" , tugon naman sa akin ni Padre Gomez lagi , paumanhin kaibigan di ko rin kilala ang mga magulang mo; iniwan kalang sa harap ng simbahan ng sangol ka pa, pero may nagsasabi sa akin na isa ka raw anak ng mahiwagang puno ng saging" sabay tawa naming dalawa ni Padre Gomez sa kanyang pabirong istorya kung saan ako ng galing.

Di ko man kilala ang mga magulang ko, basta mahalaga nasa tabi ko si Padre Gomez bilang ama ko, wala na akong hahanapin pang iba, oops! tama na ang pagbabalik tanaw, dahil kaarawan ko ngayon, pupunta ako sa kagubatan at maghahanap ako ng ibong adarna, tamang tama alas ocho palang ngayon maabutan ko pa ang mahiwagang ibon na napapabalita na magbibigay ng mga kahilingan mo sa tuwing kaarawan mo.

Nag paalam ako kay Padre Gomez na gagabihin ako sa pag uwi kasi  pupunta ako sa kagubatan ng Maynila at mag aabang ng ibong adarna para sa aking hiling, pero napansin ko si Padre Gomez naka ngiti lang sa akin ng sinabi kong mag aabang ako ng ibong adarna, para bang sinasabi niya na wala namang ibong adarna.  kaya nginitian ko rin sya ng malaking malaking ngiti na may kislap sa aking mga ngipin at mata, hahaha.

Bago ako makarating sa mahiwagang kagubatan ng Maynila , na ligo muna ako sa ilog Pasig, kasi ang linaw ng tubig at ang daming lumba lumba na nalangoy dito kaya nakipag laro din ako sa mga lumba lumba na naligaw sa ilog pasig, hay ang sarap lumangoy sa ilog pasig, sana laging ganito pag maliligo ako sa ilog pasig may lumba lumba.

Dahil sa pagod ko sa paliligo at paglalaro, nagpasya akong matulog muna sa ilalim ng punong santol sa may tabi ng ilong pasig; at pag gising ko hala gabi na pala, ang haba naman ng tulog ko, kaya nag dalidali akong kumaripas ng takbo papunta sa kagubatan ng Maynila kasi baka lumipas na yong kaarawan ko ng di ko manlang makita ang ibong adarna.

Sa pagtakbo ko napansin kung may hinahabol ang mga gwardiya sibil sa kagubatan kaya napatigil ako at nagtago habang nagmamatyag kung anong nangyayare, nakita ko yong isang maliit na tao ata yun o hayop? di ako sure kasi nakatalikod at medyo liwag ng buwan lang ang tanging ilaw na nagsisilbing liwanag sa kagubatan, narinig  ko yong maliit na nilalang na sinabing "panes" sa isang gwardiya sibil at biglang nawala sa isang iglap na parang may mahika na ginamit , tapos ganun din yong ginawa sa isa pang gwardiya sibil at bigla rin naglaho.

Natakot ako at nabigla sa mga nakita ko kaya wala akong kibo sa isang tabi habang naka upo ako   hangang sa narinig ko yong putok ng baril ng huling gwardiya sibil na "boooom"  at binaril yong mahiwagang nilalang , pero kahit tinamaan na yong mahiwagang nilalang nasabi parin niya yong salitang "panes" kaya nag laho yong huling gwardiya sibil, tapos yong gaserang hawak ng gwardiya sibil ay natapon at nag sanhi ng sunog sa kagubatan, kaya nag dadali akong tumakbo at kinuha ko yong mahiwagang nilalang palayo sa sunog. Di ko na malayan na nabitbit ko pala itong mahiwagang nilalang na ito.

Tapos bigla niyang sinabi na "Panes"  kaya biglang lumiwanag ang paligid ko, tapos sobrang bilis lahat ng nasa paligid , lahat ng nakikita ko sa paligid ko nagbabago ang anyo ang dating kagubatan ay nakalbo at unti unting nawawala ang gubat , ang ilog pasig unti unting lumiliit at dumarami ang mga bahay na nasa paligid ng ilog pasig. ang dami kong nakikita na ngayon ko lang nakita, hangang sa nawalan ako ng malay.

"Ahhh! ang sakit ng ulo ko ah" bakit ang ingay nasaan ako? sabi ko sa sarili ko, tapos biglang may lumapit sa akin na medyo may edad na babae at nag sabi na "iho nasa Luneta Park ka!"  tapos tinanong ko yong babae, "ano po bang Luneta Park?"  sabay sabi sa akin "iho pumunta ka sa Luneta Park di mo alam kung ano itong lugar na ito? tapos yong suot mo tignan mo! tradisyunal na damit yan ng mga pilipino, adik ka ba?   tanong sa akin ng babae.

Naguguluhan ako , at piling ko nahihilo ako at bigla ulit ako nakatulog habang may sinasabi yong babae. "iho! iho okay ka lang ba"  hangang sa bulagta na ako. Pag dilat ng mata ko may napansin akong kumankanta sa isang kahon at ang daming tao sa loob ng kahon , naririnig  ko yong kinakanta ng lalake " boom panes, boom boom panes panes", tapos bigla akong napa bangon sa pagkakahiga ko at napansin ko  na may orasan  ako sa braso ko , pinilit kong alisin pero ayaw maalis, tapos napabaling ako sa paligid ko, sabi ko "ano ito? nasaan ako? tapos nagsisigaw ako at biglang lumapit yong may edad na babae sa akin at sinabing "iho nawalan ka ng malay kaya dinala kita sa bahay ko, para kasing di ka taga maynila, kaya dito na kita pinadala".

Tapos unti unting lumapit sa akin yong babae, palapit na palapit ng palapit sa akin, hangang sa medyo malapit na yong mukha na niya sa akin, tapos lumalayo ako, tapos lumalapit parin siya sa akin, hanggang sa makorner niya ako at hinawakan niya yong mukha ko at bigla akong hinalikan sa lips.

sumigaw ako ng "Dyos ko po!"

nagustuhan niyo ba ang aking kwento? paki vote and share and comment your feedback"

Gracias! amigo and amiga

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 05, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Time Jumper Teacher (TJT)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon