Confessions Of A 30 Year Old Jerk

2.1K 28 4
                                    

Lagi kong pinipiling umupo sa tabi ng bintana tuwing nakasakay ng eroplano. Gusto kong nakikitang lumiliit ang mga bahay, kalsada, subdivisions at nakikita ang kabuuan ng lugar na inaalisan ko. Pero habang papalapit ako sa mga ulap, mas kabuuan ng sitwasyon ko ang tinitingnan ko.

Marahil ay tama si Kalai, kailangan ko nang mag-let go.

"June," sabi ni Kalai habang sinisimulang bilangin sa maliit niyang kamay ang mga buwan. "July. August. September. October. November. December. January. February. Nine months na, Kuya Luke! That is one month longer than the a-month-per-year rule ng moving on. At kung Popoy-Basia pa ang peg mo, naku, 6 months overdue ka na sa three-month rule. Push na. Move on na. Maghanap ka na ng bagong love life!"

Ito ang usapan namin kanina sa kotse, noong hinatid nila ako ni JP papuntang airport.

"Oo nga, Luke," sabi ni JP na nagmamaneho. "Para naman makarinig naman nang magandang kwento ang kotse ko. Hindi puro masasamang salita at galit sa ex mo."

"Walang masama kung i-describe ko siya, putang-inang bobo siya," sabi ko. "Kapag may nakakita doong scientist, gagawan na 'yun sariling scientific name, kasi sobrang bobo niya para maging Homo Sapien Sapien. Ibang species na siyang maituturing. "

Tumawa nang malakas si Kalai. "Bobo Sapien Sapien!"

Nagtawanan kami sa kotse. Pero tama si JP, puno pa rin ng sama ng loob ang dibdib ko. Naiisip ko pa rin siya. Kailangan ko na siyang kalimutan. Nine months na nga. Antagal na, pero parang ganun talaga. Hindi naman mapipilit ang sarili na bumitaw na lang basta, kung ang puso ay nakakapit pa.

Pero kailangan ko nang simulan. Sinilip ko ang bintana ng eroplano at nakita kong muli ang mga bahay, kalsada, subdivisions at nakikita ang kabuuan ng lugar na inaalisan ko. Nakita kong gumagalaw ang mga kotse, mga trak, mga sasakyan. Pati ang mga parang langgam na mga taong naglalakad. Andami nila. At naalala ko ang Bobo Sapiens Sapiens. Isa lang siyang nanakit sa akin, at sa dami nang mga ito, may isa naman sigurong kayang magpagaling sa akin. Kailangan ko nang tanggapin na nagkamali ako sa pag-aakalang kailanman ay hindi niya ako iiwan para naman makita ko na ang taong hindi ko inaakalang darating sa buhay ko.

"Parang ang lalim nang iniisip mo kuya," sabi ng katabi ko. "Siguro kong sinulat mo yan, meron ka nang nobela."

"O kaya naman, mga hanash na pwede mong i-tweet o ilagay sa instagram," sabi naman nang katabi niya.

Napangiti lang ako.

Oo nga pala. Wala ako sa eroplanong ito para magbakasyon. Kasama ko sina Mark at Monching para mag-shoot ng isang reality show ng artistang nasa Bacolod ngayon. Si Monching ang producer ko at kailangan kong i-guide at i-oversee ang first shoot niya para sa aming pilot episode. Si Mark, assistant niya. Pero sa tingin ko boylet niya.

Mark has the making of a boylet. Mukhang early 20s. Naka-sandong dark sa ilalim ng black jacket. Skinny jeans. Snickers. To top it, parang class A na imitation ng skullcandy. Oo, façade lang yun. Hindi ko dapat hinihusgahan ang mga tao sa panlabas na anyo. Hindi naman. It is his smile that gave it all away. Iyun kapirasong ngiti ng labi, na may kasamang mga matang nag-iimbita, nagsasabing huwag kang malungkot, nandito ako, kahit isang gabi lang pasasayahin kita, at kung gusto mo pa, gusto ko pa rin.

Nine months na. Okay na 'yun.

Ngumiti rin ako kay Mark. Sa pagngiti kong iyon, naramdaman kong may kakaiba sa dibdib ko, umaakyat sa ulo ko, papalabas sa isip ko. Si Papa P. Isang maliit na tao, lumulutang sa tabi ng mukha ko. Siguro sa ibang tao, anghel ito, pero sa akin, si Papa P.

Nagsalita si Papa P. "It will all be okay. Bakla ka na ulit."

Ngumiti ako kay Papa P.

Makakasex ko 'tong Mark na 'to.

Confessions Of A 30 Year Old JerkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon