MARK

1K 22 1
                                    

Kung yayayain ako ng isa man sa dalawang ito ngayong gabi, sa tingin ko, hindi na ako tatanggi.

Magkakasama kami sa isang hotel room sa Bacolod. Ako, si Monching at si Mark. Dalawa lang ang kama, at para i-confirm ang hinala kong boylet ni Monching si Mark e ang aming hatian sa kama. Ako sa isang kama, sila ang magtatabi sa isa pa.

Boxers na lang ang suot ko at nakahanda nang matulog, matapos maligo. Bukod na ito talaga ang prefer kong suot, nasa listahan din ng dahilan ko ang pang-aakit. Hindi na naman nakakahiya ang katawan ko. Malaki na rin ang dibdib ko at mga braso. Hindi pa nga lang bukol na bukol ang mga abs ko, pero kapag nasa tama ang paghinga e nagpapakita na naman ang aking mga pandesal.

Kahit nasa tv ang mga mata ko, alam kong nakatingin sa akin si Mark. Gumagana ang paandar ko. Pero kailangan pang maghintay. Naliligo pa si Monching, ayoko pa ng kaaway sa trabaho. Mabuti kung si Monching ang magyayaya. Ayokong tumapak sa teritoryo ng iba na walang paalam.

And then Monching came out of the bathroom. Nakatapis lang siya ng twalya.

"Bihis ka muna, Sir Luke," sabi ni Monching.

Nainsulto naman ako. Akala ko aksyon na. Siyam na buwan akong walang aksyon. Ang inaakala kong threesome na bwena mano e mukhang mawawala na.

"Sayang naman kung dito lang tayo ngayong gabi," sabi ni Monching. "Hanap muna tayo ng event ditto sa Bacolod."

"Sige nga," sabi ko. "Mukhang simula bukas e tuluy-tuloy ang trabaho natin."

We found ourselves with a bucket of beer in Gypsy Bar. Inom lang, tingin-tingin sa paligid kung may pwedeng iuwi. Pero wala. Kwentuhan na lang ang inabot naming tatlo, hanggang may tumunog sa phone ni Mark.

"Uy, ito, may nagyayaya," sabi ni Mark.

"Saan?" tanong ni Monching.

"300 Meters away," sabi ni Mark.

"O sige, papuntahin mo na dito," sabi ni Monching.

Naka-wechat pala si Mark. At may nakasunduan siya sa People Nearby. Pero walang nangyari. Ayaw ng lalaki na may kasama.

I've been using WeChat for awhile now, pero hindi ko nasubukan ang People Nearby. Nagpaturo ako gamitin ang app kay Mark at tinuro naman niya. Para-paraan na rin ako. Via wechat, nakuha ko ang contacts niya.

Kahit natapos ang gabi na walang kaming nakuhang lalaki, nakuha ko naman ang gusto ko, ang contact details ni Mark. Nararamdaman ko talagang makakasex ko ang batang ito. Pero hindi naman pwedeng iasa lang sa tadhana ang sex, dapat tinutulungan din ang destiny para makuha ang gusto natin.

We went back to the hotel room. Magkatabi nga silang matulog. Ako, mag-isa, nakahubad pero walang yumayakap. Ang lungkot. Pero mukhang wala rin namang ganap sa kabilang kama. Walang dapat kainggitan.

Ganito rin ang nangyari sa sumunod na gabi.

Matapos ang Bacolod trip, balik na ako sa aking kwarto. I am living with my college best friend Jay and his girlfriend, Veronica. Dalawang kwarto ang apartment. Doon sila sa isa, ako doon sa bakante. I moved here mga two months after my break up. Buti at tinanggap nila ako.

They were having dinner outside when I arrived, kaya mag-isa ako sa bahay. That was when I received a message sa WeChat.

Mark: Pwede bang makitulog sa inyo?

Si Mark. Ito na 'to. Sabi ko na ng aba, e! Makakasex ko 'to!

Ako: Naku hindi! Magagalit ang mga housemates ko.

Mark: Bad trip lang, ang lungkot ko ngayon e, away na naman kami ng BF ko. Parang gusto na niyang umalis ako sa bahay. Kaya ayoko munang abutan niya ako dito.

Ako: Well, hindi lang naman pwede dito sa amin, but we can find a place (Hindi pwedeng English)Hindi pwede ditto e, pero pwede naman tayong maghanap ng ibang lugar.

Mark: Sige.

Napag-usapan naming magkita na lang sa Cubao. Malapit lang siya doon. Ayos na rin sa akin kasi maraming motel doon. Ito na ito! This is it!

Ang totoo, may takot ako sa katawan sa pakikipagkita ditto kay Mark. Hindi ko naman talaga siya kilala. Boytoy material ito, pero mas mukhang callboy. Nakarinig na rin ako ng mga kwentong niyaya ng callboy tapos e inabangan ng pulis.

Kaya naman bago pumunta sa Cubao, tinanggal ko na ang mga mahahalang cards ko sa wallet. ATM, Credit cards IDs. Nag-iwan lang ako ng dalawang libo para pang-gastos.

Isang taxi lang naman ako patungong Cubao. Tinawagan ko na siya at nagpasundo siya sa isang liblib na lugar. Naku. Lalo akong kinabahan. Ang unang landi ko, mukhang masasaksak pa ako.

Sabi ko kay Mark, hindi ko makita ang eskinitang sinasabi niya. Tumayo na lang ako sa tapat ng Sogo at sinabi ko na nandoon ako. Sabi ni Mark, malapit lang siya. Siya na ang susunod sa akin.

Walang ilang minuto, dumating si Mark.

"O Kuya, saan tayo?" tanong ni Mark.

Wow, kuya na ang tawag sa akin.

"Dito na lang," sabay turo sa Sogo.

"Mahal dyan," sabi niya. "May alam ako dun, mura lang."

"Dito na lang," sabi ko.

Kahit papaano, gamay ko na ang Sogo dahil nakapasok na rin ako dito dati.

Dahil weekday naman, mabilis kaming nakapasok at nakakuha ng kwarto.

Nahiga na ako. Nagtanggal ng sapatos. Nagtanggal ng pantalon at boxers na lang ang iniwan ko. nagtanggal na rin ako ng t-shirt.

Dumeretso naman si Mark sa banyo para maligo. Pagkatapos, lumabas siyang naka towel na lang. Matangkad si Mark at Moreno. Pinoy na pinoy ang kulay. Pero bumbayin ang mukha. Matangos ang ilong at manipis ang bibig. Pero ang mata, may pagkasingkit. Gwapo ring masasabi ang Mark na ito.

"Kuya, ikaw naman," sabi niya.

"Naligo na ako sa bahay," sagot ko. Naku, mamaya, mawala siya at dala ang phone ko at wallet while I'm taking a bath. Tiwala, huwag munang ibigay.

Nakakumot ako, nang tumabi sa akin si Mark at pumasok na rin sa ilalim ng kumot. Nakahiga kami pareho. At doon na siya nagsimulang magkwento.

Si Mark at ang kanyang buhay, mula sa probinsya. Trabaho sa Maynila. Nakitira sa boyfriend na ngayon ay may iba ng boyfriend aat pinapaalis na siya sa bahay. Mahal niya ang boyfriend niya. Mas malungkot ito kung siya ang nagkukwento pero sex lang ang gusto ko kaya ako nagpakita dito. Wala akong planong maging counselor.

Nakaubos din siya ng isang oras sa twelve hours kung booking sa motel, with his story. Muntik na siya umiyak. Okay na iyun.

Matapos ang ilang advice na sa tingin ko naman ay apt, pinatay ko na ang ilaw.

"Kuya, maginaw," sabi ni Mark.

Hindi naman ako nilalamig.

"Gusto mong patayin ang aircon?" suggest ko.

"Huwag, baka hindi ka sanay sa mainit."

Alam na. kaya naman tumabi ako kay Mark. Inilapit ko ang hubad kong katawan sa hubad niyang katawan.

Lumabas si Papa P at nagsabi, Lukas Severino, ito na talaga ito.

Pero may isa pang lumabas, si Kuya Dick, sumasayaw. Out and proud and flamboyant like a wiggling rainbow. Luke, luka-luka ka, lalaki lang ang hiniling mo, lalaking gwapo ang dumating sa'yo, ang lakas mo kay lord!

"Maginaw pa rin ba?" tanong ko.

"Opo, kuya."

Yumakap na ako kay Mark. Tumagilid din siya at yumakap sa akin. Malamig ang katawan niya dahil kagagaling lang sa paligo. Pero unti-unti, naramdaman kong umiinit ito. Lalo pa't nagtatama an gaming mga harapang nararamdaman ko na rin ang pagtigas.

Hinanap ng bibig ko ang kanyang mga labi. At nang matagpuan koi to, siya na ang sumipsip sa aking labi. Naglabas ng dila at nakipaglaro sa aking bibig.

Nakita ko si Kuya Dick, may dalang pompoms nagchi-cheer. Si Papa P naman, nakaupo at nagkakape. Good job, Lukas!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 20, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Confessions Of A 30 Year Old JerkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon