THREE

1 0 0
                                    

CHAPTER III

ROSEFF

Five years ago after High School umalis na agad ako sa Pilipinas dahil sa kanya at doon na ko nag-aral ng College. Pero ito ako ngayon pupuntahan ang dahilan ng pag-alis ko.

Bumili muna ako ng bulaklak na iba-iba, lahat ata kasi ng bulaklak gusto nya kagaya ng pagkagusto nya sa lahat ng chocolate.

--

Bumili lang ako ng isang gatorade blue at isang malaking chippy. Nasa counter na kami para magbayad pero nagulat ako ng ilapag na ni Elaisa lahat ng pinamili nya.

"Diba sabi mo kaw ang magbabayad. Hehe."

"Seriously. Pang stock muna ba to sa bahay?" I asked her. Dahil sa dami ng dala nyang chocolate. Di naman problema sakin ang expense kung ako ang magbabayad.

"Hoy hindi ah. Baon ko lang yan ngayon. Favorite ko kasi ang chocolate kaya dali bayadan muna yan."

"Hindi ka kaya magkadiabetis nito." Amuse na tanong ko sa kanya.

"Hindi yan."

Matapos kong mabayadan lahat excited nyang kinain yung isang kahon ng Bengbeng. Parang bata dahil mukhang sobrang saya nya. Habang hinihintay namin yung dalawa ni Marrence at Redilyn na hindi pa tapos bumili ng pagakain nila, mukhang nagtatalo na naman ata.

Paglingon ko sa kanya nakita kong may amos yung bibig nya kaya agad ko tong pinunasan.

"Salamat sa libre ha. Pinagbabawalan kasi ako ni Daddy kumain ng chocolate. Kaya sobra talaga ang saya ko ngayon." Sabay ngiti nya ng sobrang tamis mas matamis pa sa chocolate na nasa ngipin nya. Kaya wala akong nagawa kung di tumawa ng tumawa ng malakas. Oh Elaisa i love you so much.

--

Wala pang isang oras nakarating na agad ako sa lugar kung nasaan sya, mula sa sasakyan kitang kita ko sya. Pero parang halos lahat ng inipon kong lakas ng loob ay naglaho. Ilang buntong hininga pa ang ginawa ko bago lumabas ng sasakyan.

Matapos ang limang taon ngayon palang ulit kami magkikita.

Hindi ko maiwasan mapangiti nang makita ko syang nakangiti ng sobra na parang hindi halos limang taon ang lumipas.

"Roseff."

Nilingon ko kaagad ang taong tumawag sa pangalan ko.

"Ikaw pala yan Redilyn."

"Nakausap muna ba sya."

"H-hindi pa. Kadadating ko lang." Tumango lamang sya.

Tumingin ulit ako kay Elaisa. Hindi ko maiwasan kabahan dahil pagkatapos ng limang taon makikita at makakausap ko ulit sya.

Umupo ako sa harap nya.

"K-kamusta kana?" Sabay lagay ko non bulaklak sa harapan nya.

Masaya ka ba? Halos hindi ko maisatinig na tanong sa kanya.

"Mabuti naman napag-isipan mo nang puntahan sya." Nakangiting sabi sakin ni Redilyn pero bakas sa mata nya ang lungkot, hindi ko maiwasan maguilty dahil don.

Tuningin ulit ako kay Elaisa habang inaalis sa harapan nya ang mga natuyong bulaklak. Hindi ko maiwasan mapaiyak sa nabasa ko habang inaalis ang mga tuyong bulaklak na tumatakip sa pangalan nya.

R.I.P Maria Elaisa Bienna
In loving Memory of Family and Friends

"Im so sorry Redilyn. Kasalanan ko ang lahat."

Ako ang dahilan kung bakit namatay ang babaeng pinakamamahal ko. Sobrang sakit na hanggang ngayon di ko pa din matanggap.

"Magtigil ka nga. Siguradong magagalit sya pagsinisi mo ang sarili mo. Walang may kasalanan sa nangyari alam natin aksidente yun."

"Tama ka magagalit yun. Pero gusto kong magalit sya at pumunta dito para sapakin ako. Gusto ko mabuhay sya ulit."

"Tama na yan." Pagyakap sakin ni Redilyn.
Alam ko hanggang ngayon nasasaktan pa din sya. Dahil di lang bestfriend ang nawala sa kanya kung di isang kapatid.

"Ibang-iba sya sa lahat."

"Syempre sya si Elaisa eh."
At dahil don sabay kaming tumawa habang umiiyak.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 13, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Waiting for YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon