Chapter 1

7 0 0
                                        


CHAPTER 1
Nyx's Point Of View.

"Good morning baby!" Masayang bungad agad sakin ni mommy. Pansin ko din na nasa akin na pala ang paningin ng lahat, habang bumababa ako ng hagdan.

Nyare?

"Good morning din po." pilit ang ngiting bati ko kay mommy, at tinanguan ko na lang din yung iba.

Parang may kakaiba ah.

Pagkababa ko ay dumiretso agad ako sa kusina para mag-almusal. Para makaiwas na din sa awkwardness, hehe.

Mabilis akong natapos sa pag kain ng breakfast, at hindi ko na hinintay pa yung iba. Nang handa na akong pumasok ay nagpaalam na ako kina mommy.

School.

Paakyat na ako sa building namin at hirap na hirap akong makipagsiksikan sa mga tao dito. Lord help me! Male-late na ako sa first subject huhu!

Siksik dito, siksik don. Excuse dito, excuse doon. Bunggo dito, bangga doon! At sa wakas, nasa tapat na ako ng room namin. JUSKO.

Nasa labas pa rin ako ng room, at mula sa kinatatayuan ko ay dinig ko na ang chuchuhu ng subject teacher namin.

"Who didn't brought their art--"

"Ay shit!" Mahinang mura ko at nagmadaling bumaba ulit ng building papunta sa locker ko.

YUNG ART MATERIALS KO!

Aish so ayun nga, takbo dito, takbo don. Pero buti na lang at class hours na kaya wala ng students na pagala gala pa sa hallway.

Nanlaki ang mga mata ko dahil naalala kong CLASS HOURS na pala. Baka mahuli ako ng SSC president kapag babagal-bagal ako. Gaaaaaah!

Pero naalala ko, bestfriend ko nga pala yung SSC pres. BWAHAHAHA *wide smile* joke hahaha.

At sa wakas, nasa locker area na ako.

"Letter G-- aha!" Halos mapatalon na ako sa tuwa dahil nahanap ko din ang locker ko.

Mabilis kong kinuha ang mga gamit na kailangan ko at nagtatakbong umakyat ng building namin.

Maya't maya pa'y nasa tapat na mismo ako ng subject room namin, at gaya nga ng nakasanayan ay yung dalawa lang ang nag abala para lingunin ako. Siyemre, ang mga ultimate siraulong bff's ko.

"7 minutes late Ms. Gray, where did you came from?" Medyo disappointed na tanong ni Ms. Lei habang nakataas ang isang kilay sa akin.

Lagoooot!

"Ah, nakalimutan ko po kasi yung mga art--" paliwanag ko ng sabayan ako ng nga baliw kong kaklase.

"--art materials ko kaya na-late po ako. Sorry Ms. Lei" natatawang wika nila habang sinasabayan ako sa pag e-explain. Hayuff -.-

"Nothing's new, miss Nyxandria." Natatawang sagot naman ni Ms. Lei. Buti na lang talaga at mabait ang subject teacher namin na 'to.

Mabilis na lumipas ang oras kaya natapos din ang first subject namin. At dahil nga sa first week of classes pa lang, ay walang masyadong lessons. Ang saya :'>

1 hour ang vacant namin dahil absent daw yung second subject teacher namin, tapos plus 30 minutes break pa pala. HEAVEN!

So ayun nga, dahil alagad ni dora kaming magkakaibigan ay kung saan saan muna kami nagsisipunta. Pero syempre sa loob pa rin ng campus aba.

"Nyx, nagawa mo na yung homework natin sa Algebra?" Ngingisi ngising tanong ni Zandy sakin.

Bahala ka sa buhay mo! Tse!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 27, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

BEYOND MY CONTROLWhere stories live. Discover now