PAG ALA-ALA

94 10 2
                                    

BALIK TANAW SA NAKARAAN

PROLOGUE

Natatandaan mo paba noong bata kapa? Mga bagay na ginagawa mo, at ngayon matatawa ka nalang kapag naalala mo.

Maligo sa ulan kasama ang mga kaibigan mo. Yung pipikit at titingala kapa para saluhin ng iyong mukha ang bawat pag patak ng ulan. Minsan ba naging singer kanadin sa harap ng Electric Fan? Minsan mo nadin bang sinisigawan at kinakawayan ang lahat ng mga eroplanong dumadaan sa himpapawid.

Alam ko nakikipag agawan kadin ng bulaklak ng santan sa mga bubuyog at paru-paru. Ewan ko ba kung bat ang saya saya na natin kapag nasisipsip ang matamis na katas ng santan. At pagkatapos mo sipsipin, idudugtong dugtong mo ang mga piraso ng bulaklak para makabuo ka ng korona, diba?

Kapag malakas ang hangin, ang swerte mo na. Kasi makakapag palipad ka ng sarongola. Babaliin mo pa yung walis tingting nyo para makagawa nito. 
Mag habol-habulan at taya-tayaan sa daan, hangang sa pag pawisan. Pero ikaw lagi ang taya kasi ikaw ang paboritong habulin ng kalaro mo dahil sa mabagal kang tumakbo.
Tara bahay bahayan tayo, ako ang tatay at ikaw ang nanay at sila ang mga anak natin. Syempre magluluto-lutuan nadin, at lagi mong niluluto ang mga dahong makikita mo. Kunwari mga gulay ito. 
Tayo nat mag taguan, pagbilang ko ng sampu dapat nakatago na kayo. Wala sa harap, wala sa likod (so pwede sa gilid?). Ngunit pag mulat mo, nag si uwian na pala ang mga kalaro mo. 
Syempre hindi mo malilimutan ang lyrics ng langit lupa. At matatawa ka nalang kapag kinakanta mo na ngayon. Nakakatakot pala ang pinagsasabi natin noong bata pa tayo.
Naalala ko pa, kahit lalaki ako, ang galing ko mag chinese garter noon. Tumbang preso, gamit ang tsinelas mong iniihipan mo muna bago bitawan, kasi naniniwala ka na pampaswerte yun. 
Luksong baka, luksong tinik. Lahat na yata ng lukso nagawa mo na. 
Ang sarap din manghuli ng tipaklong at tutubi sa damuhan o kaya maglaro ng gagamba.

Natatandaan mo paba? Yung araw na umaakyat ka sa puno ng aratiles.  Ang sarap mamitas lalo na kapag nakikita mong pulang pula ang bunga. Kakain hanggang sa maging madungis, at pag uwi sa bahay papaluin ka ng walis. 
Sino nga bang hindi makakalimot sa pagkaing icegem, yung una mong kakainin ang icing bago ang tinapay. O kaya mga chichiryang ginagawa mo munang singsing bago mo kainin. Alam ko naging paborito mo rin ang pompom at sweetcorns. Mga pagkain nagpapabalik ng ating kamusmusan na minsan matutuwa ka kapag makakakita kapa sa ilang tindahan.

Yung kisses nilalagay mo pa sa bulak at akala mo nga noon eh talagang nanganganak. Yung tag pipisong plastic balloon, na bibilugin mo muna sa bibig mo bago papalubuhin. Na kapag pumutok, ngunguyain at gagawing bubble gum.

Ang kilala mo palang na super heroes noon ay ang Power Rangers, sila Shaider at Ultra Man. Masasabi kong madami ako natutunan sa mga palabas na Sineskwela, Bayani at Hiraya Manawari.

Lumilipas ang oras at panahon, at di natin namamalayan na tumatanda na pala tayo. Ngunit dala dala natin sa ating alaala ang mga masasayang sandali noong tayo ay bata pa. Mga kalaro mong naging bahagi na ng masaya mong buhay, asan na kaya sila? Pwede nyo pa kayang gawin ang dati nyong ginagawa? Salamat sa ating mga kalarot kaibigan na nagpakumpleto ng ating kamusmusan.

Sometimes you will never know the true value of a moment until it becomes a memory.

PANAPANAHONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon