Mag-aalas tres na ng hapon nung ako'y nakauwi. Ramdam ko ang pagod ng aking katawan dahil kanina pa akong naglalakad.
Gusto ko muna humiga at umidlip, pero ang init ng panahon, paano ko to gagawin?
Naalala ko tuloy nung panahong pinapatulog pa ako ng nanay ko kapag hapon. Yung lalagyan ng towel o kaya dyaryo yung likod ko upang masipsip ang pawis habang ako'y tulog.
Pero ako itong kunwa-kunwaring iidlip pero makalipas lang ang ilang saglit dahan dahan na tatayo at tatakas para makipag laro. Minsan tuloy naisip ko na sana nilubos ko na ang pag tulog nung bata pa ako, kasi ngayon kahit gustuhin mo man na matulog sa tanghali eh hindi na maari.
Mga bandang hapon na ako uuwi at yung damit kong nagmumukha ng basahan dahil sa sobrang dungis. Mas madalas din akong mag sugat at hanggang ngayon eh meron pang mga peklat na nag papaalala kung gaano kasaya ang panahong bata pa ako.
At dahil nga sa tumakas lang, ako'y nangangamba na baka sa aking pag uwi akoy mapalo ng hanger. Pero imbes na pagalitan, akoy papaliguan pa at papakainin kasi ang totoo kahit gaano pa ako kakulit alam kong hindi nila ako matitiis. Sino bang hindi nakakamiss sa halik ng nanay mo na kay tamis.
Minsan talaga hindi mo maiiwasan ang mainggit sa mga batang naglalaro at walang problema. Noon gusto ko na agad tumanda pero ngayon na'realized ko na ganito pala kahirap tumanda kasi kapag pasan mo na ang mundo, mararanasan mo ng humarap sa realidad ng buhay.
Kaya't sana sa aking pag idlip, kahit doon man lang sa aking panaginip. Na kahit sana saglit ako ay magbalik sa aking pagkabata. Gusto ko munang magsaya, gusto ko munang takasan ang problema.
Ganito pala kahirap tumanda.
Sana palagi nalang tayong bata.
------
END
BINABASA MO ANG
PANAPANAHON
ContoSometimes you will never know the true value of a moment until it becomes a memory. Highest Rank 89 - #life