Ang katagang Best Friend ay may naka ukit na saaking masamang meaning, dahil sa Ex Best Friend ko noong grade 8 palang ako.
>>>FlashBack<<<Grd 8
Lagi akong mag isa kahit noon PA man, dahil sa hindi ako yung tipo ng tao na Friendly. Pero lumapit saakin si Maricris at na kipag kaibigan, nung una ay hindi pa ako dumadaldal tuwing kausap siya at simpleng sagot lamang ang itinutugon ko sa tuwing mag tatanong siya. Ngunit kalaunan ay naging panatag ang loob ko sakanya na tipong bawat sikretong detalye ng buhay ko ay alam Na niya, maliban lamang sa mga password o mga lihim kong fan account. Naging gala na din ako dahil sa madalas nitong pag sama saakin sa Mall, isang sakayan lang kasi dito saamin iyon, kaya pag uwi ay diretsong gala kami agad. Dumating ang 3rd Grading at sa mga na kalipas na buwan ay nag karoon ako ng iba pang mga kaibigan, ngunit hindi tulad ni Maricris ay Hindi ko sila ganun ka-close. Na tapos ang ang 3rd Grading at 4rth Grading na, labis akong nag tataka dahil hindi na masyadong nag aayang gumala si Maricris at ang lagi ko na lamang kasama ay ang iba ko pang mga kaibigan na nasasabihan ko ng sama ng loob sa tuwing na bu-bully na naman ako ng iba kong mag babarkadang mga ka-klase. Lumipas ang isang buwan at final exam na namin sa sunod na linggo kaya binabalewa ko lang ang pag babalewala saakin ni Maricris sa tuwing tatawagin ko siya para mangamusta, baka kasi na stress na sobra siya sa pag re-review niya. Dumating ang araw ng Final exam namin at sa kasamaang palad ay na walan pa ng tinta ang ballpen ko kaya sinubukan Kong humiram sa kanya ng ballpen, kaso na pahiya pa ako ng sabihin niyang "Alam mo namang may test tapos, hindi ka man lang nag dala ng extra ballpen..." Hindi ko Na siya pina tapos pa mag salita at nag paalam na ako sa adviser namin na pupunta lang akong CR, pero ang totoo ay pumunta talaga akong science garden para punasan at ibuhos ang luhang PA patak nasa mga Mata ko, pasensya na iyakin talaga ako eh. Hindi ko alam na sumunod pala saakin ang isa sa mga kaibigan ko at pinatahan ako, sinabi pa niyang hindi worth it iyakan ang kaibigang backstabber, tinanong ko siya kung bakit niya inaakusahang backstabber si Maricris at sinabi niya lahat-lahat ng paninirang sinasabi nito saakin. Na galit ako ng sobra kasi halos ituring ko na itong kapatid, dahil sa lagi kaming mag kasama at nalilito din saamin ang mga teacher dahil sa mag ka mukha kami.
>>>FlashBacks
BINABASA MO ANG
"True Stories"
RandomTara Na at inyong basahin ang mga totoong kwentong nag mula sa pagiging chismosa ng inyong Magandang Author.... (Clarification!!!!:Maganda Yung Puso Oki!?)