Ang hirap po mag-isa. Yung gusto mo magshare pero wala ka namang makausap kaya iiyak ka na lang, pipigilan ang paghikbi at hahayaang tumulo ang mga luha na parang kaytagal nang gustong kumawala. Hahayaang isulat na lang ang mga sakit at hinanakit na dinulot ng mga taong akala mo sayo ay malapit. Nakakapagod pala. Nakakapagod magtiwala sa mga taong akala mo nandiyan para sayo pero bandang huli iiwan ka din pala dahil may iba na silang nakilala. Yung iba na mas magaling sayo, yung iba na mas masaya kasama. Ang sakit na hindi ako naging perpekto pero mabuti na rin dahil nalaman ko na hindi lahat ng tao gugustuhin na makasama ako.