Basketball

57 1 0
                                    

Hi. Ako nga pala si Octavio ngunit tawagin niyo na lang akong Tabby, bata pa lamang ako gustong gusto ko nang maglaro ng basketball ngunit ayaw akong paglaruin ni Inay sa labas kung kayat niyayaya ko na lang yung mga kaibigan ko na makipaglaro sa akin sa loob ng bahay ng NBA 2K18 na video game.

Naglalaro ngunit di nagkakausapan, ganyan kami araw araw sa bahay. Sina Nathane, Brayle at Nikko ay nanunuod lang sa gilid kaya hinahayaan ko na lang sila dahil alam ko din namang ang habol lang nila ay ang lamig ng aking kwarto.

Ang hindi alam nila Inay at Itay ay naglalaro ako ng basketball sa labas ng bahay kapag gabi, tumatakas na lang ako habang sila'y mahimbing na natutulog.
Mga ten na ng gabi kapag ako'y nakakapaglaro sa labas, nakisali lang din naman ako sa mga batang naglalaro sa labas tuwing gabi.

Isang gabi pagkatapos akong nakipaglaro ay niyaya ko silang pumunta sa bahay namin bukas, oo sabi nila ngunit kinabukasan ay hindi naman sila nagpakita. Kaya sa gabing iyon ay tinanong ko sila kung bakit hindi sila nagpakita ngunit di sila umimik kaya hinayaan ko na lang kahit na medyo nakakagalit, noong kami ay nagpahinga ay kinausap ko si Jethro, nagkwentuhan at nagtawanan kami sa isa't isa. Sa kalagitnaan ng aking tawa ay biglang dumating si Nathane, isa sa aking mga kaibigan at tinanong sa akin kung sinong kausap ko.

"Si Jethro nga pala Nathane" sabi ko.
"Sino, saan?" sabi niya.

Nagtaka ako kung bakit ganon ang sagot niya sa akin kaya natakot ako at sinabi ko sa kanya.

"Nath! Wag kang ganyan!" nanginginig kong sinabi.

Wala na siyang sinabi sa akin at tumakbo na lamang siyang sumisigaw papunta sa kanilang bahay. Pagkalingon ko sa aking likod ay di ko na makita ang aking mga kalaro kung kaya't tumakbo na din ako ng sobrang bilis papunta sa aming bahay ngunit may humahabol sa akin, si Aly, ang pinakamabilis na tumakbong kalaro ko.

"Dito ka lang!" pasigaw niyang sinabi.
"Lumayo ka sa akin!" sabi ko.

Ngunit nahabulan niya ako at napasigaw na lamang ako bago ako nahimatay nang tuluyan. Nang ako'y magising ay akala ko panaginip lang lahat nang makita ko ang mga kalaro ko't kaibigan na nasa paligid ko lang kasama sila Inay at Itay, syempre ako'y gulat at kinakausap nila ita'y lahat sila ngunit napansin ko si Nathane na nandoon lang sa sulok at di nagsasalita. Tinawag ko siya at sinabi,

"Nath! Oy salita ka naman jan"

Nagsitigil lahat sila sa pagsasalita at napatingin sila sa akin na tila ba nagtataka. Tinanong nila ako kung sino si Nath.

"Bro, sino si Nath?"

Isang nakakatakot na tawa ang narinig ko mula kay Nathane habang unti unti niyang inangat ang kanyang nakayukong ulo.

S.M.I.L.E.Where stories live. Discover now