Litrato

33 0 0
                                    

Isang nakakatakot na pangyayari noong nagtratrabaho pa lamang ako bilang postman. Hapon ng byernes, nagsiuwian na ang mga kasama ko nang nakatanggap pa ako ng sulat. Isasa-lunes ko na sana ang pagdadala neto ngunit sinabi ng aming boss na dapat ko na itong ipunta sa address na nakalagay upang hindi kami makatanggap ng reklamo mula sa nagpadala kaya ginawa ko na lang ang kanyang pinapagawa.

Medyo malayo layo din ang destinasyon ng address mula sa aming opisina. Sa kalagitnaan ng aking byahe ay nahalata kong tuyo na lahat ng mga puno at nangingitim, ang tanging gabay ko lamang ay ang ilaw ng aking motorsiklong sinasakyan dahil malalim na din ang gabi. Mahirap na masiraan ng sasakyan sa mga lugar na katulad neto dahil ni isa ay wala kang makita na bahay man lang.

Nakakatakot pero sanay na ako sa mga ganitong lugar lalo na't matagal na ako sa serbisyo. Nang ako'y nakarating ay sinigurado kong mabuti kung eto nga ang address ng aking pupuntahan dahil walang kailaw ilaw at may kalumaan na din ang disenyo ng bahay.

Wala akong makita na mailbox ng bahay kaya lumapit ako't kumatok nang tatlong beses sabay sabi "May sulat po kayo", inilapag ko na lang ang sulat sa harap ng kanilang pintuan ngunit nang pagkatalikod ko ay may narinig akong nagtawag sa akin. "Kuya pakilagay sa likod, salamat". Nagtaka ako kung bakit pa sa likod pero sinunod kona lang dahil naalala ko kung paano magalit ang aming boss pag may matanggap siyang reklamo.

Pagpunta ko sa likod, may nakita akong tatlong tao na nakatayo't nakatalikod sa malayo mula sa aking pwesto na parang nakasuot ng pangformal na kasuotan. Nang kinalabit ko sila ay nagulat ako nung sabay sabay silang nahulog at makikita mong kalansay na lang sila kaya tumakbo na ako ng sobrang bilis papunta sa aking motorsiklo at pagkatingin ko sa side mirror neto ay nakita ko ang tatlo na nasa likuran lang na nakatayo at nanlilisik ang kanilang mga mata. Kumaripas ako ng takbo sa takot at tumungo na ako agad sa aming bahay.

Kinaumagahan ay ginising ako ni Inay dahil may sulat daw akong natanggap. Kinuha ko at tinignan kung galing kanino ngunit walang nakalagay at nang tinignan ko ang laman, may isang litrato. Nagulat ako nang aking tignan, litrato ko na tulog at may tatlong tao na nakatayo sa isang sulok.

S.M.I.L.E.Where stories live. Discover now