Headless

30 0 0
                                    

Isa ako sa mga taong ipinangak na may third-eye, sabi ng iba na isa daw tong regalo ngunit para sa akin, ito'y isang sumpa. Bata pa lamang ako'y akala ko lamang na normal lang ang mga taong walang ulo ngunit nang ako'y tumanda ay nalalaman kong lahat ng nakikita kong walang ulo ay malapit nang mamatay.

Madami na sa aming kamag-anak ang nakita kong walang ulo at namatay. Natuklasan ko din na kahit anong gawin ay hahanap at hahanap pa rin ng paraan ang kamatayan.

Ngayong araw na ito ay ang ika 18 ko na kaarawan, ininbitahan ko lahat ng aking mga kaibigan at kapamilya na pumunta. Pagkagising ko kaninang umaga ay nagulat na lang ako na di ko na makita ang ulo ng aking mga magulang at mga kapatid, naghalo lahat ng kaba, takot, at lungkot sa aking dibdib ngunit ayaw kong sabihin sa kanila dahil kahit na anong gawin ko ay mamamatay at mamamatay pa rin naman sila, ang gusto ko lang ay wag silang matakot at maging masaya lamang ang lahat hanggang sa huli.

Pinaupo nila ako't kinantahan ng Happy Birthday, napaiyak ako nang sobra dahil sa kanilang ginawa at dahil ito na ang mga natitirang sandali nila kasama ko. Pinanatili ko ang pagiging ako sa harapan nila maghapon, nagtatago sa pekeng emosyon.

Gabi na nang dumating ang aking mga ininbita, bawat isa ay pumapasok na walang ulo ngunit hinayaan ko na lang din silang magsaya. Hindi ko sila mapangalanan kung kaya't ginagamit ko na lang ang aking tenga upang pakinggan at masabi kung ma'am ba o sir ito.

Habang ako'y nagsasalita sa harapan para magpasalamat ay may kumuha sa akin ng litrato, nahilo ako sa ilaw ng kamera kaya binilisan kong matapos ang pagsasalita at umupo na. May lalakeng lumapit sa akin na nanghihingi ng patawad at iniabot sa akin ang litrato ko kanina. Nagulat ako nang makita ko na wala akong ulo sa litrato, ako'y nanlamig at nahimatay.

Pagkagising ko'y nasa kwarto na ako't tanging ang patugtog na lamang ang aking naririnig sa labas, sa tingin ko'y patay na silang lahat at ako na lamang ang natitirang buhay.

Pagkalabas ko sa kwarto, tatakbo na sana ako palabas nang may narinig at nakita akong paa na pababa sa hagdanan, malapit ang hagdanan sa pintuan kung kaya't napagdesisyonan kong babalik na lang ako dito sa kwarto.

Nakatago lamang ako dito sa ilalim ng higaan..

Teka..

Andito na siya. May dala siyang mahabang kadenang nakakatakot pakinggan.

Wait lang, patayin ko lang ito saglit.


Lumabas na siya.
Di ko alam kung saan siya pupunta.

Pagkaalis ko sa ilalim ng higaan, di naman ako napagod ngunit di ako makahinga.
Sinubukas kong buksan ang pintuan pero di ko ito mabuksan.

Nakakasulasok yung amoy.

Nakita ko yung kadena sa higaan mismo. Ito siguro ang nagbibigay ng masangsang na amoy.
Di ako makahinga.

Di talaga ako makahinga..

Di ko na kaya.

Paalam headless reader.

S.M.I.L.E.Where stories live. Discover now