Chapter 1 : Zefira's Vission

37 2 0
                                    


Author's POV.

Mapayapa ang pamumuhay ng mga diyos mula nang magwakas ang rebelyong mortal noong nakaraang 100 taon. Ngunit natigil ito ng magkaroon ng Vission si goddess Zefira. Ang diyos ng hangin.

Kayat agad syang pumunta kay Lumiere na syang hari ng mga diyos upang ipag bigay alam ito sakanya.

"Lumiere, may roon akong nakita sa aking vission na tiyak namang hindi maganda." sabi ni Zefira.

"Ano naman ito kapatid? At bat parang nababahala ang iyong mukha?" tanong ni Luke sa kanya. Isa ring diyos. Diyos ng tubig.

"Isang mortal. Isang gifted mortal ang mag aaklas sa atin at syang magiging dahilan ng pagkaubos nating mga diyos. Makukuha niya ang Golden Scepter na syang gagamitin nya para sa kanyang mga plano." pahayag ni Zefira

"Ang aking Golden Scepter? Ngunit walang mortal ang maaaring maka punta sa aking pinaglagyan non. Kayat imposibleng gamitin niya ang golden scepter." sagot naman ni Lumiere na parang nakakalma lamang.

"Yun nga po ang aking pinagtatakahan. Ngunit sa aking vission nakita ko nahawak hawak nya ito. Ngunit hindi ko lang makita ang kanyang mukha." sabi ni Zefira

Habang nagdidiskusyon ang mga diyos sa punong bulwagan ng kaharian ni Lumiere. Ay narinig ni Zack ang kanilang ingay.

Zack's POV

Habang may ginagawa ako sa aking silid ay may narinig akong diskusyon at ingay sa labas ng aking silid. Sa may punong bulwagan.

Kaya naman ay agad akong lumabas upang malaman ang kanilang pinag uusapan.

Pag labas ko ng aking silid at pagpunta ko sa punong bulwagan ay ito ang nangyari.

"Ano po ba ang kaguluhang nangyayari dito?" tanong ko sa kanila

"May nakakakilabot na vission na nakita si Zefira, Zack. " sagot ni Arthur sa aking tanong. Ang diyos ng kalangitan.

"Ahahahaha! Nakakapangilabot na vission? Seryoso ka ba Arthur? Ahahahahaa! " tawang tawang sabi ni Luke.

"Tumahimik ka Luke! Hindi pa natin alam kung totoo ba ang vission ni Zefira at kung talaga bang mangyayari ito. At kung totoo man iyon. Iyon ay hindi magandang biro! "
Galit na sagot ni Lumiere kay Luke

"Pasensya na ama" paumanhin ni Luke

Lahat ng mga diyos ay nanatiling kwestyonable sa salaysay ni Zefira. Pwera nalamang sina Helda, Vladimeer at Demeter sapagkat wala naman din sila dito sa kaharian.

Nagsibalikan na ang lahat sa kanikanilang mga ginagawa. Habang ako ay bumalik na rin sa aking silid. Ngunit ng ipagpatuloy ko ang aking ginagawa, bigla akong napaisip kung kamusta na kaya si Helda. Ang aking lola, ang goddess of nature na nakatira ngayon sa enchanted forest.

Nagplano akong bisitahin sya. Nang saganon ay makamusta ko naman sya. Pagkatapos nang aking ginagawa ay lumabas ako ng silid. At nang papunta ako sa punong bulwagan ay may naramdaman akong paparating.

And speaking of Helda, sya nga! Sawakas at bumisita na rin sya!

Ngunit hindi pala magandang balita ang hatid nya saamin dito sa kaharian. Kundi ay masamang balita.

Author's POV

Nang makarating si Helda sa kaharian ng mga diyos ay agad niyang kinausap si Lumiere.

"Oh Helda, bat ka napa dalaw dito sa kaharian. Ano bang sadya mo rito? " tanong sa kanya ni Lumiere

"Lumiere, may masama akong balita sayo. " sabi ni Helda na halata sa kanyang mukha na sobrang sama talaga ng kanyang ipapahayag

"Masamang balita? Nanaman? Katatanggap ko nga lang ng masamang balita kanina" sagot naman ni Lumiere na parang nababahala

"Bakit Lumiere? Ano bang nangyari kanina? " tanong ni Helda

"Kanina po kase ay may nakitang vission si Zefira na may isang gifted mortal ang mag aaklas laban sating mga diyos at sya ring magiging dahilan ng ating pagkaubos." agad namang sagot ni Salazar. Ang god of fire na sya ring kapatid ni Zack.

"Abay parehas rin ng aking panaginip ang vission na nakita ni Zefira! " nagtatakang sagot ni Helda.

"Kung gayoy totoo nga ang vission ni Zefira bagamat napaginipan mo rin ito" sagot naman ni Lumiere

Natahimik ang mga diyos at naging halata na rin ang pangamba sa kani kanilang mukha.

"Kasalanan ko to. Kung hindi ko lang sana binigyan ng kapangyarihan ang nga gifted nayan di sana ito mangyayari" nakokonsensyang sinabi ni Helda.

"Hindi mo yon kasalanan Helda, hindi rin naman lahat ng gifted ay masasama. Talagang kailangan lang nating hanapin ang gifted na yan at dalhin dito sa kaharian upang mapag disisyonan ang magiging kaparusahan sa kanya." sagot naman ni Zack

"Pero sa laki ng earth, san din naman natin siya hahanapin? " tanong ni Salazar

"Iisa lamang ang lugar kung saan nyo makikita lahat ng mga gifted. Sa 'Helda Academy' " sabi ni Helda

"Kung gayoy, ako na ang bahala. Pupuntahan ko ang Academy na yan at ipapahanap ko sa aking mga hukbong White Allies ang mortal na yan! " bolontaryong sinabi ni Miguel sa kanyang mga kapwa diyos. Si Miguel ang god of war. At sya rin ang leader ng mga White Allies. Ang hukbong sandatahan ng mga diyos.

"Hindi na, ako na ang bahala. Ako na mismo ang bababa sa lupa at ang hahanap sa mortal na yan." sabi ni Zack.

"Kung gayon Zack ay sumunod ka sa akin sa enchanted forest at sasabihin ko ang mga dapat mong gawin." sabi ni Helda at biglang umalis.

Zack's POV

Kakayanin ko ba tong gagawin ko??? Pero sige na nga! Gagawin ko nalang alang alang saming mga diyos.

Ano kaya ang ipapa gawa ni Helda sa akin doon sa mundo ng mga mortal?

Agad akong namaalam sa aking mga kapwa diyos sa kaharian pati na rin kay Lumiere at sa aking ama't ina na sina Arthur at Zefira.

At pagkatapos ay nag tungo ako sa lupa. Nang makita ko ang Enchanted Forest ay namangha ako. Sapagkat itoy kagaya parin nang dati.

Agad akong pumasok sa isang napakalaking castle na puno ng mga halaman at mga baging.

Paglakad ko ay nakita ko ang trono ni Helda at syay nakaupo doon.

"Maligayang pagbabalik sa enchanted forest Zack! " maligayang bati ni Helda

"Maraming salamat sa iyong bati, Helda. Ang iyong tahanan ay wala paring kasing ganda. " sagot ko naman sa kanya

"Ngayon ay pagusapan natin ang iyong magiging misyon Zack. Upang masimulan mo ang iyong misyon, ay papasukin mo ang mundo ng mga gifted. Papasok ka bilang istudyante sa Helda Academy. Ngunit wala dapat makaalam na ikaw ay isang diyos at hindi pangkaraniwang mortal lamang." sabi ni Helda saakin na agad ko rin namang ikinabahala

"Magiging estudyante ako doon??? Ngunit papano rin naman ako makikipag sabayan sa kanila kung mag kukunwari akong mortal???" tanong ko sakanya sapagkat talaga namang wala akong alam sa mga mortal at lalong lalo na sa pagiging mortal!

"Wag kang magalala, tutulungan ka ng head mistress ng academy na si Professor Browns sa mga kalakaran sa academy. Sapagkat sinabihan ko na sya. " sagot nya saaking nababahalang tanong

"Sige. Kailan ba ako magsisimula dyan sa academy?" tanong ko sakanya

"Bukas ka magsisimulang papasok at bukas ka rin magsisimula sa iyong misyon. Tandaan mo Zack, nasa kamay mo ang kaligtasan nating mga diyos! " sagot naman nya

Pagkatapos ng aping paguusap ay tumuloy agad ako sa nakahandang silid para saakin upang makapag pahinga sapagkat bukas na bukas ay magsisimula na ang aking misyon.

Hindi ako makapaniwalang mamumuhay ako ng matagal kasama ang mga mortal! Nakuuu!! Ano na kayang mangyayari???????

~~~~•••~~~~

"Chapter One Done! Ano na kayang mangyayari sa first day ni Zack sa Academy???? Patuloy niyo lang subaybayan ang Wrath Of The Gods!!! Hope you enjoy it! "

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 04, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Wrath Of The GodsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon