CHAPTER 2
NATHAN'S POV
It's been 5 years since the last time I'd been here in the Philippines. I really miss the fresh air here and I really miss her. Namiss niya kaya ako? Siguro hindi. Dahil alam kong sukdulan ang galit niya sa akin. Agad kong tinawagan si tita. Mommy ni Yumi.
"Hello ?" Sagot ng nasa kabilang linya
"Hello Tita. Ako ito si Nathan."
"Nathan? Nakabalik kana?" masayang sambit ni tita.
"Opo tita. Welcome pa ba ako dyan?" natatawa kong tanong.
"Of course iho." nagpaalam na ako kay tita tapos ay pinatay ko ang tawag. Lumabas na ako ng airport at naghanap ng taxi. Mabilis naman akong nakahanap ng taxi. Una akong pumunta sa dati naming bahay. Mukhang nag iba ang itsura ng bahay namin. Papasok na sana ako ng makita kong naka lock ang gate. Hindi sinabi ni Ate na nakalock pala ang gate ng bahay namin. Binuksan ko ang messenger ko at saktong online si ate.
"Ate hindi mo sinabi na nakalock ang gate. Paano ako makakapasok?"
Ilang minuto na pero sineen lang ni Ate ang chat ko. What the heck is her problem?
Biglang may humintong kotse sa tapat ng bahay namin. May bumabang babae. Siguro ay nasa Mid40's na niya.
"Iho? Anong kailangan mo?" agad ng tanong sa akin ng babae.
"Dito po kasi ako nakatira kaso sarado pala ang gate hindi nabanggit ng ate ko."
"Ah iho, kami na ang bagong may ari ng bahay na ito. Binenta sa amin ito 4 years ago."
Nagulat ako dahil bakit hindi manlang sinabi sa akin ni Ate ito. Alam niyang wala akong titirahan dito pero hindi manlang siya nag abalang sabihin sa akin na wala na pala akong babalikan dito.
"Ah sige po." Binuksan niya ang gate at pumasok na ako sa loob.
Tinawagan ko ang Mommy ni Yumi. I know makapal ang mukha ko para tawagan pa siya, pero si tita lang ang may alam kung bakit ako umalis 5 years ago.
"Iho?"
"Tita, can I come over?" nahihiya kong tanong.
"Of course. I will prepare everything. Come here now."
"Thanks Tita!"
Mabilis lang akong nakarating sa kanila since walking distance lang ang bahay nila mula dito.
Wala paring pinagbago ang bahay nila. Pumasok na ako sa loob dahil bukas naman ang gate.
Bumungad sa akin ang isang malaking banner "WELCOME BACK JONATHAN!!!" hindi ko maiwasang mapangiti dahil feel na feel ko na welcome parin ako dito.
"Welcome back Jonathan!" Agad kong napansin na si tita lang ang nasa bahay pati ang mga katulong nila.
"Tita nasan sila Kiefer?"
"Nagmall sila ni Yumi kasama sina Danna." napatango nalang ako. Inaya niya ako sa hapag kainan para kumain.
"Wow tita! Favorite ko lahat ito. Hindi mo parin nakakalimutan lahat ng favorites ko."
"Ano kaba Nathan? Para na kitang anak kaya of course aalamin ko at tatandaan ko lahat ng favorites mo." natatwang sambit ni tita.
"Um, Tita?"
"Ano yun iho?"
"Pwede pong dito muna ako hanggang hindi pa ako nakakahanap ng matitirahan?"
BINABASA MO ANG
God's Choice (On Going)
Romance"Do you still stay by my side even if I don't remember you?" -Yumi "No matter what happen, I will stay by your side. I will fight with you." - Jonathan Will they be able to do anything for her even if it is the God's choice? Date Started: June 8 Da...