"Good morning, Sir!" I greeted him as he walked into his office.
"Morning." Sinundan ko siya and stands inches away from his table. He then sits on his swivel chair. "Sched," sabi niya while turning on his laptop.
"The Marketing and Finance Department are already in the conference room, Sir, waiting for you. It's about the new project. And then, brunch meeting with Mr. Lim, 10:00 AM," litanya ko.
"In the afternoon?" tanong niya.
"The Finance team said they're already done with the documents you needed, Sir. They'll submit it at 3:00 PM for you to check." sagot ko.
"They're already done. Bakit mamaya pang 3:00 PM? Why not submit it now?" tanong niya ulit sa akin habang ang paningin niya ay nasa laptop. Maybe he's checking his emails.
"They wanted to double check it, Sir, to make sure na wala ng mali 'pag pinasa na sa'yo. They just wanted to let you know that they're done, so we can do the next step habang malayo pa po tayo sa deadline."
"Okay. Good." sagot niya at tumingin sa akin. Those eyes. Parang ang sarap malunod sa mga iyon. Hindi ko yata pagsasawaan na tignan ang mga matang niya. "May lakad ako mamayang hapon. Just leave the documents here. I'll check those tomorrow," utos niya sa akin at tumingin ulit sa laptop niya.
"Noted, Sir."
Sinarado niya ang laptop niya at tumayo. "Let's go," sabi niya at naglakad na papunta sa pinto.
"A-ah saan, Sir?" nagtatakang tanong ko.
"Conference room, meeting, right?" sagot naman niya at ngumiti sa akin. Ngiti na nagpahinto sa pagtibok ng puso ko.
"Hoooo, Sir! Hinay hinay lang please, mahina kalaban," sabi ko sa isip ko. Baka kasi tuluyan na akong himatayin at macoma. Siya kasi yata yung perfect definition ng 'Ngiti pa lang, pamatay na.'
"Bakit, Ysa? Am I in a hurry? At sinong kalaban?" tanong niya na nagpabalik sa akin sa reyalidad. Takte! Umiral na naman yata yung sakit ko. Bakit ba kasi nasasabi ko minsan yung mga bagay na dapat sa isip ko lang sinasabi. Hey, floor! Eat me now!
"Ahm. Ahh. No, Sir. No. I mean, the people in the conference room can wait, so we don't have to worry. And by 'kalaban', I mean our competitors are not that strong, so chicken lang 'tong meeting na 'to. Hehe," hindi ko alam kung anong koneksyon nung mga pinagsasabi ko, pero, Sir naman, bukod sa gusto kong ma-experience na kagatin mo ang mga labi ko, sana kumagat ka din sa walang kwentang palusot ko.
"I see. Okay. Let's now go to the conference room," sabi niya. Okay 'di ko alam pero kumagat naman yata si, Sir sa palusot ko. Sana next time, ako naman kagatin niya.
Naglakad ako palapit sa kanya at huminto sa likod niya habang siya naman ay binuksan ang pinto. Hindi agad siya lumabas at gumilid habang hawak pa rin ang handle ng pinto. Nagtaka naman akong tumingin sa kanya na napansin naman niya agad.
"Ladies first," sabi niya at iminuwestra pa ang kamay niya na pinapauna akong lumabas.
Ngumiti na lang ako sa kanya at lumabas. Naglakad na ako papunta sa conference room. Naramdaman ko na nasa likod ko lang si Sir pero maya maya ay naunahan niya na ako. Ang tangkad kasi. Haba ng biyas. Unfair talaga ng world. Kung yung iba kinulang sa height, yung iba naman sumobra. Kumusta naman daw ako na 5'1" sa height niyang 6'4"?
Nang makarating kami sa conference room ay siya na ang nagbukas ng pinto. Gaya ng kanina, pinauna niya akong pumasok sa loob. Hay! My heart!
Umupo na lang ako sa upuan na nasa gilid ng room at siya ay binati ng mga tao na naghihintay sa kanya. He sat on his chair and announced for the meeting to start.
BINABASA MO ANG
The Spy Has Fallen: A Fan Fiction for Lenard Vincent Figueroa
FanfictionLenard Vincent Figueroa or LVF is the lead character in Helenaelise's ongoing story entitled Intoxicated.