CHAPTER 1

1.4K 43 5
                                    

My Runaway Heiress
BY: TWAYLEM_ALY
Aly Barretto
(REVISED VERSION)

ALL RIGHTS RESERVED 2014

No part of publication may be reproduce,stored in or introduce into a retrieval system, or in or transmitted by any form, or by any means (Electronic, Mechanical, Photocopying, Recording or otherwise) without the prior written permission of the author. PLAGIARISM IS A CRIME.

DISCLAIMER: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales and incedents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance or actual events is purely coincedental.

Story Started: June 15,2014

Story ENDS: November 10,2014

REVISED VERSION: June 14,2020

DEDICATED po ang story na to kay Angel Nicole Corbe (Herrera) Ashel_Avery siya po ang gumawa ng magandang book cover po ng aking story 😘
Thank you so much bunso💛
--------------------------
SYNOPSIS:

Shanelle Demi Fortaleza is the sole heir of her family.
Pinagkasundo siya ng mga magulang niya sa lalaking hindi pa naman niya nakikita kaya naman napagpasyahan nitong tumakas ng malaman niya ang pinaplano ng kanyang mga magulang until he met Zeke ang CEO ng company na pinagta trabahuhan niya. Isa itong bachelor yet sole heir din ng Kamden Group of Companies at arrange marriage din sa ibang babae gaya niya.
Isang heredero at heredera na pilit tinatakasan ang desisyon ng kanilang pamilya.
Mamahalin pa kaya nila ang isa't isa kapag nalaman nila na engage sila pareho sa taong hindi naman nila kilala?
Ipaglalaban kaya nila ang nararamdaman nila? o tatakas nalang din gaya ng ginawa nila sa mga fiance nila?

--------------------------

CHAPTER 1

Shanelle's POV

Nasilaw ako sa liwanag ng sikat ng araw na nagmumula sa bintana ng aking condo. Kinuha ko ang cellphone ko at pinatay ang alarm nito napatingin ako sa oras at napabalikwas ako ng bangon mula rito.

Shit! Late na 'ko sa first job ko lagot.

Dali-dali akong pumunta ng banyo at naligo saka nagbihis ng corporate attire ko bumaba na 'ko sa lobby saka sumakay ng taxi.

*Raika Calling*

Sinagot ko ang tawag nito at napalayo ako sa speaker ng cellphone ko.

"WHERE ARE YOU SHANELLE FORTALEZA? HINDI MO BA ALAM NA LATE KANA SA UNANG TRABAHO MO HA?" sigaw ng bestfriend ko sa kabilang linya

"Pwede ba best wag ka sumigaw? Ito na nga, eh. Malapit na 'ko. Chill lang."

"Hmp. Dalian mo at papunta na yung boss natin dito naku. Sabi ko naman sa 'yo girl wag ka magpuyat kakapanood mo ng Kdrama na 'yan! Kaloka ka."

"Oo na ito na pababa na. Grabe ka naman sa 'kin. Libre mo ako ng breakfast 'di pa ko nakain eh." Maktol ko.

"Hays. Oo na basta dalian mo. Ingat ka bye."

"Okay. Bye." Kaagad ko tinago ang phone ko sa bag at bumaba na sa building na pagta trabahuhan ko.

Binilisan ko ang takbo hanggang sa makapunta ako sa office ng kaibigan ko ng biglang may makabungguan ako na lalaki sa elevator pagdating sa floor ko. Natapon lahat ng papers nito sa sahig.

"Aww. Sorry po." Sabay pulot ng mga papel at tumulong din ito.

"Please. Miss sa susunod titignan mo yung dinadaan mo nagusot mo pa yung ibang mga papeles ko. Tsk." Pagsusungit ng lalaking nakabungguan ko. Napatingin ako dito ang bigla nalang ako natulala sa gwapong mukha nito.

"Ang pogi mo." Wala sa sariling nasabi ko kaya napatakip ako ng bibig ko. Shocks. Nakakahiya ka Shanelle

"What did you say?" Takang tanong nito

"Gwapo ka bingi naman." I whispered at naningkit ang mga chinky eyes nito sa akin.

"I hate when someone's mocking at me."

"Wala! Sabi ko you're welcome."I said sarcastically. " 'Di ko sinasadya saka male-late na 'ko kaya kung pwede lang po mauna na 'ko kasi mahuhuli na 'ko at baka mapagalitan ako ng boss ko."paliwanag ko at nakita kong napangisi ito

"Ah. I see Ms.Clumsy" 'Di pa rin maalis ang ngiti nito.

'Nakakairita. 'Di man lang marunong mag thank you.'

Naglakad na 'ko palayo ng may biglang tumawag sa kanya

"Sir Zeke kumpleto na po yung papers nyo. Nandyan na din po yung nga bagong empleyado." Ani ng secretary niya? Maybe.

'So Zeke pala name niya? Name pa lang tunog walang manners na.'

'Di ko na inintindi ang lalaking walang manners na 'yon at dumaretcho na sa office ni Raika.

Pagdating ko sa office ay naabutan ko ang lahat na busy sa mga ginagawa nila.

"Beshy buti nalang naka abot ka. 5 minutes nalang darating na si Sir. Kamden kaloka ka."

"Ito na nga beshy sana nandito naku kanina pa. May nakabungguan kasi ako na lalaking walang manners don sa may elevator kanina kaya medyo natagalan ako." Paliwanag ko

"Grabe ka walang manners talaga besh?"

"Oo walang manners na lalake. Pagkatapos ko tulungan pulutin yung mga papeles niya hindi man lang nag thank you. Nakapa antipatiko. Napakasungit pa." Nasusurang sabi ko dito at bigla itong napangisi sa akin.

"Besh gwapo ba yang lalaki na 'yan?" Napatigil ako bigla sa sinabi niya. At natawa ito bigla sa reaksyon ko

"Kaloka ka besh. Pati ba naman iyon ay natanong mo pa? Syempre gwapo kaso bagsak na siya sa 'kin. Ayoko sa walang manners." Diretchong sagot ko.

"Talaga lang ha? Coming from you besh. Baka mamaya 'yon pala yung destiny mo." Natatawa pa ding asar nito sakin.

I gave her a 'duh' look

"Spell ASA besh. Destiny? Eww. Naniniwala ka pa din dyan? Kaya hopeless romantic ka, eh." Sabay inom ng kape na binigay nito sa akin

"Nagsalita ang bitter. Kaya wala ka din jowa eh, kasi mana ka sa 'kin." Sabay kindat nito sa 'kin at tawa pa din ng tawa. Kumain nalang ako ng cake na binili din sa 'kin ni Raika ng biglang dumating yung lalaking magtuturo samin ni Raika

"Good morning Miss Fortaleza and Miss Vergara. I am Vincent Marquez the secretary of Mr. Kamden you can call me Vince nalang. so ako yung magte-train sa inyo since mga bago kayo. Kayo yung naatasan sa Financial Department. Yung office niyo ay malapit sa office ng boss natin so galingan niyo sa first day niyo." Ngiting paliwanag nito sa amin at tumango lang kami. Inexplain niya yung mga dapat gawin sa office at napabaling ulit kami sa taong tumawag kay Mr. Marquez 'di ko masyadong makita ang mukha nito dahil na din busy ang mga empleyado na batiin siya kaya naman uminom muna ko ng kape.
Nagugutom talaga ako.

"Sila na ba yung mga bago Vince?"

"Yes boss sila nga po."

Napatingin ako dito at sa gulat ko bigla ko nalang nalunok ang mainit na kape na kaninang iniinom ko.

'Siya ang boss namin?'

"Hi! Sir, I'm Raika Gail Mendoza. Nice to meet you po." Ngiting pakilala ni besy dito

"Nice to meet you too Ms. Mendoza. And you?" Nakangising tanong nito sa akin.

'Takte bakit ba 'ko kinakabahan?
Kasalanan 'to no'ng kape eh. Hays.'

"H-hi I'm Shanelle Demi Fortaleza. N-nice to meet you Sir." Utal na sagot ko shocks. Sa susunod 'di na 'ko iinom ng kape bwisit.

Nakita ko na mas lumaki ang ngisi ng loko.

"You look tense Ms.Fortaleza. So ngayon nakilala ko na kayo galingan niyo sa trabaho. Ayoko ng tatamad tamad sa team ko." Tumango lang kami dito at naiilang pa din ako kapag tinititigan ko ito.

"So, see you around Ms.Clumsy." bulong lang ito pero lubos akong nainis sa pang aasar nito.

'Argh. Bakit pa kasi siya pa yung boss ko? Ang liit nga naman ng mundo.'

---------

My Runaway Heiress (Heiress Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon