CHAPTER 5

269 20 9
                                    

Written by:Twaylem_Aly
Aly Barretto
------
Shanelle

"Beshy sorry 'di kita masasabayan sa office ngayon. Nagpa alam naman kay boss na absent muna ko ng 1 week, nasa hospital kasi ang daddy need ko pumunta ng states para kamustahin siya." Malungkot na balita sa akin ni Raika.

"Oh my gosh. How's tito? Okay lang ba siya beshy?" Pag aalala ko

"Medyo malala lagay ni daddy ngayon pero babalitaan kita beshy kapag magaling na siya. I will call you promise." Anito sa akin

"Okay sige, Ingat ka. Call me if you have a problem." Pahabol ko.

"Sure I will besh. Bye."

"Bye."

Sabay baba nang tawag nito.

Mag isa na naman ako. Nasanay kasi ako na kasama siya palagi kung saan ako magpunta.
Bawat gala at pagsho-shopping namin kasama ko siya.
Mag kaibigan na kami college pa lang hanggang sa maka graduate kami at magkaroon ng trabaho.
Hanggang sa paglipat ng bahay ay kasama ko siya.
Dahil napagpasyahan namin na maging independent kami at hindi umaasa lang sa mga magulang namin.

Raika is sole heir of her family like mine. Sila ang may ari ng Vergara Pharmaciutical sa iba't ibang panig ng bansa.

While me is also a sole heir of my family. Fortaleza Real Estate Company. May ari kami ng isang Airline and Real Estates. Masasabi nila na ako yung pinakamayaman sa lahat pero hindi ko inaako ang kayamanan ng sarili kong pamilya at mas pinili kong magtrabaho sa ibang company para mapatunayan sa kanila na hindi ko need ng yaman nila at kaya kong bumuo ng sarili kong business na walang tulong nila.

Isa rin sa mga dahilan kung bakit ayokong manahin ang company namin dahil bata pa lang ako na arrange marriage na 'ko sa isang lalaking 'di ko naman nakikita at nakakasama. Ayoko din makasal sa lalaking hindi ko naman mahal. Alam ko na in the end walang mamamagitan na pagmamahal samin dahil isa lang 'yon kasunduan ng mga magulang namin.

Hindi ko rin kilala ang lalaking ipapakasal sa 'kin. Ang alam ko taga pag mana din siya ng company nila.
Balak kasi ng mga magulang namin na i-merge ang business namin sa business nila para lumakas ang mga kompanya namin.

Na disappoint ako sa binabalak nila. Ipapakasal nila ko nang hindi man lang nila ko kinakausap ni hindi ako pumapayag kaya naman lubos akong nagalit sa mga magulang ko kaya umalis ako sa puder nila at mas piniling magsariling buhay na wala sila.

------
"Ms.Fortaleza tapos mo na ba yung pinapagawa ko sa 'yo?" Seryoso tanong sa 'kin ng boss ko habang naka dekwatro ito ng upo sa swivel chair njya.

"Yes sir. Tapos ko na. Dadalhin ko nalang yung ibang papers sa Architecture Department para wala na po kayong asikasuhin pa. Saka sir, may konting problem tayo about don sa Designs na ginawa nila Ma'am Jenny. Gusto ipabago 'yon ng board. Ayaw nila ng plain lang style." Paliwanag ko.

"Edi baguhin. That's simple. Saka ilabas mo na yung iba pang pipirmahan ko para makapag date na tayong dalawa." Anito na prente pa din nakaupo habang nakatingin sa akin.

Napatigil ako sa paglalabas ng mga dokumento ng dahil sa sinabi niya kaya naman napataas ang kilay ko dito.

"What?" Nagtatakang tanong nito

"What ka dyan? Sinong hindi magugulat niyayaya mo ako mag date? Are you out of your mind boss?"

"Nope. Masama bang magdate tayong dalawa? Baby naman kita so I can do whatever I want." Sabay himas ng daliri nito sa nostrils niya.
I find that gestures of him so hot
Napilig ko ang ulo ko sa naiimagine ko kaya naman matalim kong tinitigan ito.

"Fyi boss. First of all I AM NOT YOUR EFFIN BABY. So stop calling me that. Second is ayokong makipag date sa 'yo kasi pangit ka. Pangatlo. Boss kita empleyado mo lang ako at ayokong ma issue dahil kasama kita." Prangkang sagot ko at mukhang nawindang ito.

"Hahahaha. Seriously Demi baby pangit ako? Alam mo bang ikaw pa lang ang bukod tangi na babae na hindi napopogian sa 'kin? Saka isa pa wala silang pakelam kung i-date kita kasi gusto kita. Saka baby sa ganda ng lahi ko panalo kana sa 'kin. 'Di kana lugi." Pagmamayabang nito kaya napairap ako sa hangin.

"Here we go, representing my boastful boss. Buhat bangko ka na naman. I don't care kung kaninong genes ka galing basta ang pangit mo! Saka wag mo nga ko tawaging Demi! Nakakaurat ka." Sarcastic kong sabi dito

"Hahahaha. Ang sarap mo talagang asarin baby. Basta magdedate tayo tapos. Kapag ako tinaguan mo ipapahanap kita sa mga body guards ko at ipagkakalat ko sa mga ka officemate mo na patay na patay ka sa 'kin. Gusto mo ba 'yon?" Naka ngisi niyang sabi sa 'kin.

And I frowned.

"Are you blackmailing me? Seriously?" Kunot noong tanong ko

"Kung blackmail 'yon para sa 'yo bakit hindi? Basta makipag date ka sa 'kin 'yon lang ang pakay ko. Wag ka mag alala wala akong gagawing masama sa 'yo." Tinignan ko lang ang itsura nito kung seryoso siy pero mukhang seryoso naman. Hays. Ewan!

"Hindi kasi katiwala tiwala yang mukha mo boss. Saka remember minanyak mo 'ko?" Taas noong bunton ko dito

"What the? Hahaha. 'Di ako manyakis Demi baby. 'Di ko sinasadya na mapansin 'yon saka pasalamat ka ako lang nakakita dahil 'di ko hahayaan na makita ng ibang lalaki 'yang dibdib mo."

"Ako pa talaga ang dapat na mag thank you? Wow ha. (sarcastic) At subukan mo lang ipagkalat yang binabalak mo sinasabi ko sa 'yo kahit boss kita sisipain ko yang happy birthday mo." Banta ko dito

"Baby naman, Kapag binasag mo 'to baka hindi na 'ko magka baby sa 'yo niyan? Sige ka." Pang aasar nito

"What ever. Manyak ka talaga kahit kelan." Sabay irap ko dito.

"I pick you up sa condo mo ng 8pm. Maaga naman ang uwian mamaya dahil maagang maayos ang deal ko sa mga clients natin. Wag ka masyadong magpapaganda sa 'kin ha?" Ngiting nakakaloko pa nito.

"Che. Maganda naman talaga ako kahit di nako mag ayos. Saka ayusin mo. Date lang to kasi pinilit mo ko. Dyan kana."

Sabay alis ko sa opisina nito na may inis sa amo nito.

Bakit ba ang lakas niya mang asar?
Balang araw makakaganti din ako sa 'yo.

-----------------

My Runaway Heiress (Heiress Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon