CHAPTER 3

343 30 6
                                    

CHAPTER 3

(7:35 uwian)

"Best tara na"sabay kuha ng mga gamit nya at inaya si Raika. Tapos na kasi ang office hour namin kaya uwian na. At gusto ko na din makapagpahinga sa condo dahil sa dami ng trabaho kanina.

"Tar-- oh? Sir Zeke? nandyan pala kayo? may ipapagawa pa ba kayo?" tanong ni Raika kay Sir. Zeke kasi bigla bigla nalang siya sumulpot sa likod namin.

"Ah, wala naman so? uuwi na ba kayo?" - sabay ngiti nito at bigla naman ako napangiwi sa inaakto niya. Ang plastic.

"Yes po, bakit nito naman natanong?" - sarkastiko na tanong ko dito

"Sabay na kayo sa 'kin  ihahatid ko na kayo"- walang paligoy ligoy na sinabi ni Sir.Zeke

Nababaliw na ba siya?

"Wag na po! nakakahiya naman sa 'yo maabala ka pa namin saka may pamasahe kami. Kaya namin umuwi sa mga bahay namin" pagtanggi ko kaya naman mas lalong lumaki ang ngisi nito

siniko ako ni Raika "Ano ka ba? Ito na yung moment mo tatanggihan mo pa? Pabebe much? " bulong sa 'kin ni Raika at napataas nalang ang kilay ko dito

"Ano ka ba Raika. Wag mo dalhin dito yung kalandian mo. Manyak 'yan. Wag na" - bulong ko din kay Raika napansin na ata ni Sir.Zeke na nagbubulungan kami kaya nagsalita siya.

"Wag na kayong mahiya let me transmit  you two saka delikado na sa daan mga babae pa naman kayo." usal pa nito habang nakapa mulsa.

Magsasalita pa sana ako kaso inunahan na niya ako.

"Oopss! bawal tumanggi. I insist so let me do this okay?" -ngiting sabi ni Sir.Zeke sa amin

At si Raika naman ay tuwang tuwa sa suhestyon ng hambog naming boss kaya wala din akong nagawa kundi magpakaladkad sa bestfriend kong baliw.

Sumakay na kami ng kotse niya na masama pa din ang tingin sa kanya.

Papasok na sana ako ng backseat para tabihan si Raika ng bigla niya akong itulak sa front seat katabi ng manyakis na to.

"Ano ba besh?" Ungos ko dito at ang gaga tawa lang ng tawa.

May nakakatawa ba na tabihan ko 'tong manyakis na boss na 'to? Tsk.

"Dyan kana sa front seat para may moment ka. Hahaha" pang aasar nito

"Baliw kana talaga Raika." Pahabol ko sabay pasok ng boss ko sa kotse niya at napatingin ito sa akin ng nakakaloko.

"Ms.Demi-"

"Don't call me Demi SIR. It's Shanelle."

"Ow. Eh ayoko ng Shanelle eh, ayaw mo din tawagin kang Demi. So can I call you baby?" May pang aasar sa boses nito kaya naman napatingin ako dito sa may pagka disgusto sa sinabi nito.

"Seriously? Joke na yan?" Pambabara ko kaya naman napatawa ito lalo kasama na si Raika kaya naman napairap nalang ako.

"Hahaha. Sorry I can help it. By the way mag seat belt kana baka kapag nagpreno ako mauntog ka at marealize mo na gwapo ako sa paningin mo Ms. Fortaleza" pagmamayabang nito

"Ang kapal mo naman. 'Di mangyayari yan SIR." walang modong sabi ko dito kaya naman mas lalo itong napatawa at pina andar na ang kotse.

Si Raika nananahimik sa likod dahil nakasalpak ang earphone nito at nakikinig ng music na parang may sariling mundo na tila walang pakelam sa nangyayari dito sa loob ng kotse ng boss namin.

Hays.

"You know what, I like you." Bigla akong nanigas sa sinabi niya pero agad ko din binawi yung reaksyon ko dito

" 'Di kita gusto. Hindi ang gaya mo ang type ko." Sabay nguso ko

"Okay lang kung hindi mo ako gusto hindi ka rin naman crush ng crush mo." Sabay tawa nito

Nakakagigil siya ah? Sarap niya kurutin ng pino.

"Wow. Coming from you. 'Di na 'ko magtataka sa hambog na gaya mo SIR."

"Hahahaha. Zeke ang pangalan ko hindi Hambog ang layo naman ng description mo sa gwapong gaya ko." Pagmamalaki nito

Well gwapo naman siya. Well toned body. Maputi, chingky eyes, matangos ang ilong at mapupula ang labi para siyang Adonis pero pagdating manners? Lagapak siya sa 'kin.

'Di ko siya type.'

Ang mga type ko well gwapo or may itsura basta maganda ang ugali at pumapasa sa standards ko ang gano'ng mga klase na lalake.

Kasi sa panahon ngayon kahit panget manloloko na.

"Dyan na kami bababa sa twin tower."

"I know na dito ka nakatira."

"Stalker." Asik ko

"Well nalaman ko lang dahil sa personal data mo. I'm not a stalker sa mga goons lang 'yon well admirer is the best kasi gwapo ang nagkakagusto sa 'yo." Sabay kindat nito

Mahabaging langit.

"Kilabutan ka nga sa mga sinasabi mo. Amfeeling mo masyado." Sabay irap ko at bumaba na sa kotse niya narinig ko pa din ang pagtawa niya.

"Sa uulitin." Ngiting sabi nito

"Well thank you sa paghatid pero 'di na mauulit ito." Pang babara ko

"Let's see. Bye baby." Sabay alis nito at kumaway lang si Raika dito

'Baby niya mukha niya. Leche flan siya. Ang landi niya.'

"Uy. Hahahaha haba ng buhok mo girl, Biruin mo tinamaan sa 'yo yung boss natin? Iba talaga ang beauty ng bestfriend ko. Hahaha" sinamaan ko lang ng tingin dito habang nasa elevator kami.

"Tigilan mo nga 'ko Raika! Isa ka din ang harot mo. Saka never ako magkakagusto sa taong 'yon. 'Di siya yung type ko."

"Sus. Baka kainin mo din yang sinabi mo wag ako. Basta para sa 'kin bagay kayo." Kinikilig na sabi nito

"Kikilabutan na ba 'ko niyan? Saka 'di mangyayari 'yan. 'Di kami bagay. Tao kami Raika. Tao."

"Pilosopo. Ang bitter mo. Dyan kana best ako ay inaantok na, kita nalang ulit tayo bukas." Pamamaalam nito

Magka unit kasi kami nito ni Raika kaso malayo ang agwat namin pero ayos lang 'yon.

Pagdating ko sa condo ko at agad kong hinubad ang heels ko at nahiga sa kama ko.

What a tiring day and also a craziest day in my life.

---------

guys eto nga pala yung picture ng mag bestfriend na si Shanelle at Raika =======>>>>>>>http://img819.imageshack.us/img819/6251/cvkrv.jpg

-------------------------

REMIND KO LANG PO, REVISING / UNDER CONSTRUCTION PA LANG PO ANG BAWAT CHAPTERS NITO. SORRY FOR THE WRONG GRAMMARS AND TYPOS NITO JUST BEAR WITH ME. READ BETWEEN THE LINES.

VOTE AND COMMENT PO MGA WATTPAD READER'S :p HELP ME TO IMPROVE IN WRITING SANA MAG COMMENT AT MAG VOTE KAYO PAGKATAPOS NYO PONG BASAHIN KAMSAHAMNIDA :)

---*

My Runaway Heiress (Heiress Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon