"Kasalanan nyo tong dalawa!!Kung di kayo nagtransfer sa section na to edi sana buhay pa sila!!!!" Galit na sigaw ni Alexa sakin.
"Hindi naman namin alam na ganito ang mangyayari.Wala kaming alam,patawad." Sabi ni Samara sa kanila.
"Ikaw Nicole?Wag mong sabihing dimo din alam na mangyayari to?" Sigaw na tanong ni Alexa
"Oo,wala kaming alam sa nangyayari kaya wag niyong isisi samin lahat." Matapang kong sagot sa kanila.
"Tumigil na kayo sa pagsisisihan nyo dahil di na maibabalik pa sila Arnel." Sabi ni Louis.
Naglakad si Louis papuntang pinto.
"San ka pupunta?" Tanong ni Alexa.
"Sa garden lang muna ako,gusto ko magpahangin." Sagot ni Louis.
"Garden?Eh malapit yun sa abandonadong building diba?" Tanong ni Erriane.
Tumango naman si Louis bilang sagot kay Erriane at umalis na.
Pagka alis ni Louis ay tumahimik na ang section namin.Sumunod namang lumabas si Anna upang mag Cr.Lumipas ang ilang minuto ay wala padin si Louis.
"Bakit ang tagal ni -------" naputol ang sasabihin ni Kim ng biglang may sumigaw.
"Agggghhhhhhhh." Sigaw ni Anna?
"Teka si Anna yun diba?" Tanong ni Dave.
Lumabas naman kami para puntahan si Anna pero naka salubong namin sya.
"Anong nangyari sayo?Bakit may dugo ka sa damit?" Nag aalala kong tanong.
"S-si L-Louis Huhuhuhu." Hindi na natapos ni Anna ang sasabihin nya dahil umiyak na sya.
Tumigil sa pag iyak si Anna pero tulala naman sya. Matagal tagal din syang tulala ng bigla nyang tinuro ang Abandoned Building.
Dali dali kaming tumakbo sa Abandoned Building.
"Oh My Ghaddd!!" Sigaw ni Arleth sabay takip sa bibig.
Nakita namin si Louis na wala ng buhay. Nakabigti sya at may hiwa sya sa may dibdib. Pero bakit dilat ang mata nya?Sinundan ko naman kung saan sya naka tingin.
"Aggghhhhh!!!" Sigaw ko dahil sa gulat. May nakita akong lumang Cabinet
"Hey Nicole?Bakit ka sumigaw?" Tanong ni Alexa pero diko sya sinagot at dahan dahang lumapit sa lumang cabinet.
Sumunod naman sa akin sila Alexa at Arleth.
Bigla namang nanguna si Alexa sa paglalakad at sinilip ang loob ngcabinet.
Humarap sya sa amin,kaya ang nangyari ay naka talikod sya sa cabinet.
"Teka?Natakot ka dito sa cabinet na ito?" Natatawang tanong ni Alexa.
Tumango ako bilang sagot. Geh,tawa pa kayo.Masama kutob ko sa cabinet na yan.
Nakitawa narin si Arleth.
"A-Alexa." Utal kong sabi. Tumigil sa kakatawa si Arleth pero si Alexa ay tuloy pa din.
"Alexa may bata!!!!" Biglang sigaw ni Arleth kaya nilingon kami ng mga kaklase namin at nilapitan.
Nilingon naman ni Alexa ang cabinet kung may bata nga. Pero nagtaka kami ni Arleth dahil nawala yung bata.
"Wala na----" di natapos ni Alexa ang sasabihin nya ng biglang may humila sa kanya papasok sa cabinet.
"Sh*t,Alexa!!!!!/Alexa" Sigaw namin at pinuntahan ang cabinet.
Pilit naming binubuksan ang cabinet pero naka lock ito. Tuloy pa rin sa paggalaw ang pinto ng cabinet.
Binubuksan na rin ng mga lalaki naming kaklase ang cabinet pero ayaw pa din.
Huminto naman sa pagkalabog ang cabinet.
"Anong nangyari?Bakit huminto?" Tanong ni Samara.
Walang sumagot ni isa sa amin dahil sa takot na nararamdaman namin.
"Aghhhhhhhhhh." Sobrang tinis ng sigaw nito. Napa takip kami ng among tenga dahil dito.
"Anong nangyari?Alexa??!!Sumagot ka." Sabi ni Kim.
Dahan dahan naman naming nilapitan ni Samara ang cabinet at bubuksan sana,pero huli na dahil may nagbukas nito galing sa loob.
Pagbukas ng cabinet ay may tumakbong bata. Sinundan naming lahat ng tingin ang bata.
Huminto sa pagtakbo ang bata at humarap sa amin ang duguang mukha nito.
"Bakit?Wala namang ginawa sa inyo si Mommy diba?Bakit nyo sya pinatay?!!" Sigaw nung bata habang naka tingin sa manika nya.
"Ahm baby girl?Sinong Mommy mo?Anong nangyari sa kanya?" Tanong ko sa kanya habang dahan dahang naglalakad papunta sa kanya.
Hindi pa rin ako nililingon Jung bata at naka tingin lang sya sa manika.
Maya maya ay tumingin sya sa akin ng matalim at saka nagsalita.
"Pinatay nyo sya!!!!Pinatay nyo sya!!!!" Tumakbo papalapit sakin yung bata.
"Nicole!!" Sigaw ng mga kaklase ko.
Pagdaan na pagdaan ng bata sa katawan ko ay nawala na sya. Ramdam ko ang lamig ng along katawan ng magdikit kami Jung batang babae.
Bigla naman along nanghina at dahan dahang pumikit ang aking mga mata.
"Nicole!!" Sigaw ni Samara habang papalapit sa akin. Yum ang huli kong narinig ng mag black out ang lahat.
-----Vote-----Vote-----Vote-----
Prologue:Done.
Prologue pa lang po yan.Marami pang magaganap na kababalaghan.
BINABASA MO ANG
Mystery Section
TerrorSa isang section ay may kababalaghan na nangyayari. Nagsimula ang lahat dahil sa 2 transferee's. Sila Venice at Nicole. Simula ng dumating sila ay hindi na nila alam ang nangyayari sa kapwa nila mag-aaral. Unti unting nauubos,isa isang mawawala. Isa...