Una

2 0 0
                                    

Nagkakilala tayo sa Social Media.
Chinat mo ako, at nireplyan kita.
Nagbigay ka ng mga salitang matatamis.
Kasing tamis ng candy na Lips.

Ngunit totoo nga ba ang nararamdaman kong ito?
Bakit parang nahuhulog na ako?
Hindi pa naman kita kilala.
Bakit nagustuhan agad kita?

Dahil ba iyon sa matatamis na salita?
O dahil sa mapangahas mong dila?
Mahal ko, kung ako'y papaasahin mo,
Huwag nalang ako.

Iba akong magmahal,
Sobra akong masaktan.
Hindi ako sobrang ganda,
Pero mahal kita ng sobra sobra.

Sasaktan mo lang ba ako?
O sasamahan mo ako hanggang sa huling hininga ko?
Kung pinaglaruan tayo ng tadhana,
Pareho tayong tatawa dahil hindi niya tayo kaya.

Sasayaw tayo sa gitna ng ulan,
Sa gitna kung saan pareho tayong luhaan.
Minsan ay yelo ang trato ko sa'yo,
Pero bakit sa halip na magalit ka ay lalo mo akong minamahal?

Ang masasabi ko lang,
Sana walang magbago.
Na kahit bumaliktad man ang mundo,
Mahal na mahal mo parin ako.

Sabi mo ako lang.
Pero bakit naghanap ka agad ng iba?
Sa mundong ibabaw na ito,
Sana malaman mo na ikaw lang ang mundo ko, kahit hindi naging tayo.

TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon