Mahal, sabi mo ipaglalaban mo ako.
Hanggang sa peligro, poprotektahan mo ako.
Totoo ba iyon?
O baka naman haka haka lang?Ewan ko,
Basta ako, naniniwala sa mga sinabi mo.
Alam ko naman na ako ay iyong ipaglalaban.
Pero tayo parin kaya kung hanggang kamatayan?Sana naman totoo iyon.
Kasi kung hindi, parang nalagutan na ako ng hininga dahil doon.
Mahal na mahal kita.
Sana mahal mo din ako.Sinusunod ko ang mga utos mo dahil ikaw ang aking hari.
Pinapasaya mo ang aking kalooban dahil ako ang iyong reyna.
Ikaw lang ang mahal ko.
Sana maintindihan mo.Mahal, magtatagal kaya tayo?
Baka naman isang buwan lang ang tagal natin.