Katalina's POVSimula pagkabata nakasanayan ko ng magbasa ng kung ano-anong libro kaya tuwing wala akong ginagawa ay naririto ako lagi sa library ng bahay.
Para sa isang 16 years old na babae alam kong ang tingin ng iba sa akin ay nerdy pero hindi lang talaga ako yung tipong maglalakwatsa sa mall para lang bumili ng kung ano-anong gamit na hindi naman masyadong mahalaga.
Nasa kalagitnaan na ako ng pagbabasa ng biglang may kumatok kaya napatingin ako sa may pintuan.
Kusa akong napangisi ng makita ko kung sino ang taong nakatayo sa may bungad ng pintuan.
"Hey there princess. Busy?" isinarado ko ang librong binabasa ko at lumapit sa Daddy kong malapad na nakangiti sa akin.
"Not really Dad. You need something?" agad niya akong niyakap ng makalapit ako sa kaniya.
"Nothing. Dinner is ready let's go downstairs" simpleng saad niya.
"Okay. Let's go" kumapit ako sa baywang niya at umakbay naman siya sakin habang pababa kami ng hagdan.
As you can see I am a what we called Daddy's girl and I'm definitely proud of it. My mom is always busy at work so we're not totally that close.
She's always on a trip that's why I am so close to my father than to her. I admit that I'm upset with her.
"Princess, go back to your senses"mahinang tumatawa si Dad kaya bigla akong natauhan.
"I'm sorry. Did I miss something?"umiling lang si Dad. Sa sobrang pag-iisip ko di ko namalayang nandito na pala kami sa dining room. Pinaghila ako ni Dad ng upuan bago siya umupo.
"Princess any plans for tomorrow? Sunday plans you know" hmm do I have any plans? I think I'm okay in the library for the whole freakin' day.
"Hmm I'll just stay to the library for the whole day" simpleng sagot ko na kinakunot ng noo niya. What's wrong with what I've said?
"Again? I can't accept that answer. Go out with your friends okay?" as if may magagawa pa ako? Di naman ako makatanggi sa kaniya hays.
"Okay Dad. Whatever you want" ngumiti lang siya at pinagpatuloy na ang pagkain.
Pagkatapos naming kumain nagpaalam na akong pupunta na ng kwarto at matutulog na.
"Dad I'll go ahead. Don't stay up late okay? Goodnight " saad ko.
"Sure princess. Goodnight and sweet dreams" syempre dahil nga sweet ang daddy ko humalik pa siya sa noo ko bago ako paalisin.
Pagdating ko sa kwarto ko kinuha ko ang laptop ko at sumandal sa headboard ng kama.
I logged in my facebook account at tumambad sa akin ang sobrang daming friend requests kaya isa-isa kong inaccept. Agad ko ng nilogged out ang account ko ng magsawa ako.
Oo nga pala yayayain ko nga pala sina Miggy, Stacey, Ken at Leila na gumala bukas. Hays kung hindi lang talaga sinabi ni Dad di talaga ako gagala. Nakakatamad kaya.
Pagkatapos ko silang imessage agad silang nagreply na game daw sila kaya nahiga na ko.
At di ko namalayang unti-unti na akong hinila ng antok.
Zzzzzzzzzzzz😴😴😴
*kinabukasan*
Maaga akong nagising dahil 8 am ang usapan naming magbabarkada. Ang aga aga nila magset ng time eh ang kukupad naman nila kumilos.
Nagsuot lang ako ng tattered blue jeans at isang black t-shirt na may naka-printed na "I am HOT" at brown mid-calf boots. And tadah! Perfect!
Nagpahatid ako sa driver hanggang sa mall dahil ang usapan namin ay magkikita -kita kami sa starbucks. At dahil nga advance ako ng 15 minutes naglibot-libot muna ako sa mall.
Habang naglalakad ako may mga taong nakatitig sa akin kaya di ko maiwasang mailang. May dumi ba ko sa mukha? Hays. Pumunta nalang kaya ako sa starbucks at magtitiis nalang akong maghintay kaysa naman nakatitig yung mga tao sakin. Tama pupunta na ko dun ng maaga.
Liliko na sana ako ng may biglang lumapit sa aking batang lalaki na sa tingin ko ay nasa 5-6 years old. Geez bakit siya umiiyak?
"Ate c-can y-you h-help me? " tuloy-tuloy ang paghikbi niya kaya patigil-tigil din siya kung magsalita.
"What's wrong little boy? Hush don't cry" yumuko ako para punasan ang mga luha niya. Nawawala ata siya.
"I need to find my kuya. Can you help me? "Tumahan na siya sa pag-iyak kaya maayos na ang pagsasalita niya.
"Sure I'll help you but before that are you hungry?" tumango siya at parang nagning-ning pa ang mata dahil sa sinabi ko. Dinala ko siya sa isang ice cream parlor dito sa loob ng mall at binilhan siya ng chocolate flavored ice cream.
"Thank you po" ngumiti siya ng sobrang lapad sa akin. Hays ang gwapong bata. Napatingin ako sa relo ko at may 10 minutes nalang ako para tulungan siya dahil malelate ako sa usapan namin.
"Now let's find your kuya" humawak siya sa kamay ko at mag-umpisa na kaming maglakad-lakad.
Nilibot namin yung part kung saan siya nawala pero wala daw doon ang kuya niya.
"What's your name little boy? " tanong ko para malibang siya.
"Austin" tipid na sagot niya habang dumidila sa ice cream niya.
"Hmm Austin saan ba dapat kayo pupunta ng kuya mo?" bakit ngayon ko lang to naisip? Aish! Stupid Leigh!
"Starbuzzzz"sagot niya. Starbuzzzz? Saan naman yun? Don't tell me Starbucks ang tinutukoy niya? Hahaha ang cute naman ng batang to😍
"Okay let's go to your kuya na" buti nalang pala doon din baka nandoon na din ang mga friends ko tsk.
Pagdating namin sa Starbucks nakita kong nandoon na ang mga kaibigan ko. Lalapit na sana ko ng biglang sumigaw si Austin ng "kuyaaa! "
Napatingin sa kaniya yung lalaking nakaitim na jacket at bigla siyang tumakbo palapit. Ang cute niyaaa. Katalina wag maharot aish!
"Austin saan ka ba nagpupupunta? Pinag - alala mo ako. Wag mo ng uulitin to huh? " malumanay na sabi nung lalaki.
"Sorry po kuya. Ate ano nga pala pangalan mo po? " biglang tanong sa akin ni Austin.
"Katalina" sagot ko.
"Kuya tinulungan ako ni ate Katalina na hanapin ka. Thank you pala ate ha?"malambing na sabi ni Austin at niyakap ako ng mahigpit.
"No problem little boy"ngiting saad ko.
"Ahm thank you for helping my brother. I am Ryde by the way" sincere naman siya kaya inabot ko ang kamay niya na gustong makipag-shakehands.
"You're welcome. Anyway gotta go. Nice meeting you Ryde" lumingon naman ako kay Austin "hey little boy nice meeting you. I hope to see you again" nginitian niya ako at nag-thumbs up pa.
Bago ako makaalis narinig ko si Ryde na nagsalita.
"Nice meeting you too Katalina"
Kumaway na ko sa kanila at lumapit na sa mga kaibigan kong kasalukuyang nakatingin ng nakakaloko sa akin. What's with them? Tsk.
YOU ARE READING
Save Me!
Teen FictionYou are the best and the worst thing that has happened to me. I love you but I hate you for taking someone I had ever loved. You are the cause of my euphoria but at the same time you are the reason of my depression. 💕Save Me!