Katalina's POV"Katttt!" napalingon ako sa babaeng tumatakbo patungo sa akin. Ang lokaret kong kaibigan na si Stacey pala hahaha😂
"Oh?" hinahabol niya ang hininga niya ng makarating sa akin. bakit kasi kailangang tumakbo?
"Sabay na tayo papuntang room"simpleng sabi niya.
"Okay"
Lahat kaming magkakaibigan ay kasalukuyang nasa 11th Grade. Sad to say ang pinapasukan naming school ay sakop ng K-12 program.
ROYAL ACADEMY isang prestihiyosong paaralan na kinabibilangan ng mga anak ng iba't ibang angkan ng mayayaman.
Dito din nag-aaral ang tatlo ko pang mga kaibigan na sina Miggy, Ken at Leila.
Kami nila Miggy at Stacey ay nasa ABM Strand. Si Ken naman ay sa STEM at si Leila naman ay sa TVL kaya magkakaiba kami ng building dahil nahiwalay sina Ken at Leila.
"Kat nandito na tayo! Saan ka pupunta?" napaharap ako sa kaniya dahil nauuna pala akong maglakad. Aish sa pag-iisip ko nalampas ako sa room ko😑
Nakakahiya ka talaga Katalina!😂 #pahiyasiate!
"Sorry naman di ko napansin" sabi ko sa kaniya.
"Gaga ka talaga. Tulala pa more kasi hahaha" pang-aasar niya. Inirapan ko nga pero tumawa lang siya😑
"Pasok na nga tayo!" hinila ko na siya papasok para matigil na siya kakatawa.
"Hi Katalina"
"Good morning Katalina"
"Hello Kat"
Bumungad sa akin ang mga pagbati ng mga kaklase ko kaya binati ko din sila pabalik.
"Pwede ka na talagang magtayo ng fans club Kat" nginisian niya ako ng pang-asar. Kasalanan ko bang madali akong makasundo. Daming alam ng babaeng to eh.
"Pangunahan mo Stacey" saad ko.
"Sure. Gagawa ako ng page mamaya hahahaha" napairap nalang ako dahil sa sinabi niya. Kahit kailan di talaga to maayos kausap hays.
Di ko na pinatulan at umupo na ko sa upuan ko. Bago pa siya mang-asar ulit naglagay na ko ng earphone para wala siyang makausap tsk.
Naalala ko nanaman yung nangyari kahapon. Makikita ko pa kaya yung cute na batang yon? Grabe ding pang-aasar ang inabot ko sa mga kaibigan ko dahil sa kuya niya tsk. Mga echosero at echosera kasi masama bang tumulong? Binibigyan agad ng malisya naku!
"Nice meeting you too Katalina"
Argh! Bakit ba di ko makalimutan ang malumanay niyang boses? Shete di kaya? Nah imposible naman. Agad agad ganun? Sadyang cute lang siya ganun yun!
Nakatanaw lang ako sa bintana ng mapunta ang mga mata ko sa kabilang building which is ang building ng mga HUMSS students. Tama ba ang nakita ko? Si Ryde ba yun? Namamalikmata na ata ako? Shet umayos ka nga Katalina! Palagi mo lang siyang iniisip kaya pati imagination mo andun siya tsk. This is so stupid of me. Attracted ba ko sa lalaking yun? Ni isang araw ko pa nga lang nakita yun eh😑
Pero kasi ang gwapo ng mokong na yun. 😏😍 Matangos ang ilong, mahahaba ang pilik-mata, makapal ang kilay, ang kinis pa at idagdag pa ang kissable lips niya. Ang hot ni kuyaaa. Shet makalaglag panty charot😂
Naku Katalina para kang tanga. Umayos ka wag masyadong maharot😅
Di ko mapigilang mapangiti dahil sa iniisip ko kaya naman nagulat ako ng biglang may pumitik sa noo ko😑
"Ngumingiti ka dyan mag-isa. Para kang timang" si Miggy lang pala
"Wala kang paki. Panira ka talaga ng moment Miggy. I hate you😔" tumawa lang siya at kinurot ang pisnge kong nananahimik.
"Araaaayy naman Miggy" hinimas-himas ko ang pisnge ko matapos niyang panggigilan hays.
"Ang cute mo kasi Katkat! Hahaha" sa mga kaibigan ko sila talaga ni Stacey ang may sira sa tuktok. Naku naman ayokong dumating sa puntong bibisitahin ko pa sila sa mental. Scaryyyyy!
At ayun na nga pagtingin ko sa likod ko masayang nagkekwentuhan yung dalawang abnormal kong friends. Di kaya sila ang magkatuluyan hahaha. Title ng love story nila ay "Crazy Love"😅😂 Pero kahit ganiyan yang dalawang yan mahal ko mga yan. Ayieee ang sweet kong kaibigan 😂😍
Sana makita ko ulit si Austin at pati na din si Ryde.
Shete. Ang harot😂
YOU ARE READING
Save Me!
Teen FictionYou are the best and the worst thing that has happened to me. I love you but I hate you for taking someone I had ever loved. You are the cause of my euphoria but at the same time you are the reason of my depression. 💕Save Me!