JILLIAN POV:
apat na araw na rin ang nakalipas ng makabunggo ko ang lalaking iyon
Sabado ngayon
Nasa dorm lang ako mag isang nakahiga
Hindi ko alam kung nasan ang kuya kong kaluluwa
Bahala sya
Lumabas nalamang ako ng dorm
Napabuntong hininga nalamang ako
Patagal ng patagal
Natatakot nako sa paaralang ito
Lalo na dun sa dalawang itim na kaluluwang iyon
Ang nakakapag taka lang
Bat ang daming namatay na kaluluwang estudyante dito
Anong meron sa paaralang ito
"Ms Gonzales" napahinto naman ako sa pag iisip ng may tumawag sakin
Nilingon ko naman ang pinanggalinga nito
" Magandang umaga po Maam ano po ang kailangan nyo" ngumiti naman ito sa akin
"Pwede mobang tulungan itong si mr. Chu" tumingin naman ako dun sa lalaking katabi ni maam
Matangkad ito mas matangkad pa sa akin
Isa lang ang masasabi ko gwapo ito
"Sige po maam, para saan puba" ngumiti naman ito sa akin
"Mga papel lang at staff na kailangan nyong ilagay sa stock room harang lang kasi sa office at masyado narin marami, hindi lang naman sa table ko pati din sa ibang mga guro medyo mapapagod kayo" ngumiti lang naman ako kay maam
Tsk no choice naman ako eh
"Ayos lang po, tara napo para matapos na ng maaga"
Naglakad naman kaming papuntang office
At sinimulan ng buhatin paunti unti ang mga papel
"Wag nyon hayaan masara ang pinto ng stock room sira kasi ang door knob non baka ma lock kayo" paalala nito tumango nalamang bilang tugon dito
Naka ilang balik nakami
Sa katunayan nga pagod nako
Dahan dahan akong umakyat sa hagdan at dahan dahang inilapag sa taas ang mga papel
Shit pawis nako
Bumaba ako
Nagulat naman ako ng may panyong naka abang
Tinignan konaman kung kanino galing
Nakatingin lang sa akin yung lalaking kanina kopa kasama
Sa ilang oras namin na magkasama
Hindi naman namin magawang magpansinan
Alanganin kong tinanggap iyon
Magsasalita nasana ako ng biglang umalis na sya
Tinignan ko ang panyong ito
Nangilabot nalamang ako sa nakita ko
Kasabay non ang paghangin ng malakas
Nanginginig ang kamay ko habang nakatingin sa panyong puno ng dugo
"Hey ayos kalang ba?" Tanong sakin nung lalake
Tumingin ako dito ng takot na takot
Kumunot ang noo nito pero napalitan naman ito ng pag aalala
Pero lalong nanigas ako sa kinatatayuan ko
Nasa tapat ng pintuan iyong ang babaing lubos na kinatatakutan ko
Nakikita kolang sya sa mga pangitain ko
Pero ngayon nasa harapan ko na ito
Lalong nanlaki ang mata ko ng makita ko ang kwintas na nakasabit sa leeg nito
Pamilyar ito
Napaka pamilyar nito
Ngumisi ito ng nakakatakot
Kasabay noon ang pagtulak nya sa pinto
At ang pagsara nito
Tuluyang nilamon na ng kadiliman ang maliit na espasyo ng stock room na ito
Na nag pabigay sa kin na labis na kilabot
"Fuck!" Sabay ng pagkabog ng dibdib ko
**
**
*
BINABASA MO ANG
EYE
ParanormalTrenta na bata ang nawala sa isang gabing iyon Walang nakakaalam kung nasaan At kung sino ang dumukot sa mga ito Walang nakaka alam kung bakit o ano ang dahilan ng mga taong iyon sa mga batang nawawala Ngunit isang araw natagpuan ang mga batang ito...