CHAPTER 36

1K 57 3
                                    

CHAPTER 36 | LATE

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

CHAPTER 36 | LATE

Ang mga sundalong dumating— wala akong naramdaman na mayroon silang balak na ubusin kaming lahat. Parang hindi sila ganoon kahanda, hindi tulad ng inasahan ko na katatakutan ko sila ng husto. Ang nakakapagtaka, isang baril lang ang nakikita kong dala nila.

Bampira kami. Hindi kami mabagal kumilos. Madali sa amin ang lapitan sila. Isa pa, aanhin nila ang baril? Kaya ba nila kaming sundan sa normal na bilis namin? Hindi nila kami magagawang tamaan basta-basta. Maliban na lang kung kaya nilang makipagsabayan sa bilis namin.

Hindi maganda ang pakiramdam ko rito, Akkey. Parang may iba silang plano. Sasabihin ko ba kay Rylee?

"Kung hindi ka sigurado huwag na. Baka barahin ka na naman ni Heleina. Alam mo naman na paburito ka niya," tugon ni Akkey na sa isip ko lamang naririnig.

Nang dumating na sina professor Vandor, Mavrei at Rylee, iyon na ang naging simula para gawin namin ang huling plano.

"Disperse," dinig kong sabi ni professor Vandor mula sa communication device. Hindi ko alam kung bakit mas narinig ko siya roon kahit nasa tabi ko lamang naman siya.

Bago kami humilay ni Akkey, binilog ko ang pinagsamang dalawang patak ng aking dugo at pinitik ko iyon para tumama sa sandatang nasa likod ni Mavrei.

"Good luck," I said.

"Salamat," Mavrei replied.

Ginawa ko iyon dahil gusto ko makarating ako sa tabi ni Mavrei oras na kailanganin niya ng tulong. Alam ko na malakas sina professor Vandor at Rylee pero— magiging abala si Mavrei para depensahan sila habang open ang katawan niya sa piligro.

Pero umaasa pa rin ako na hindi na kakailanganin ni Mavrei ang tulong.

"Mauuna na kaming umalis," dinig kong sabi ni Heleina mula sa communication device. Ang makakasama niya ay ang team Falcon. Sa kanan ang direksyon na pinuntahan nila at sinundan sila ng ilang sundalo na nakasakay sa sasakyang panghimpapawid.

"Pinuno, nakarating na kami dito sa Retina. Puwede ba kaming bumalik diyan para tumulong? Kanina pa rin ako kinukulit ng mga Dampri rito na sasama sila pabalik," dinig kong sabi ni Keegan mula sa communication device. Maingay sa background at maraming sumasabay sa pagsasalita niya.

"Walang babalik. Manahimik kayo sa loob ng Retina," dinig kong tugon ni Rylee mula sa communication device. Puno ng kasupladuhan ang boses niya.

Ako at si Akkey ay sumama kina Rima at Van sa pagtakbo papunta sa kaliwang direksyon. Maraming bilang ng sundalo ang nakita kong sumunod sa amin.

RETINA : THE POWER OF ICARUSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon