Chapter 4

89 7 3
                                    

"Besh nung pipiliin mong club?"
Tanong saakin ni Bea.

"Uhm... Media Club besh."

"Huwag yun. Pwedeng Dance Club besh pleaseee." Pilit ni Bea saakin.

"Yaw ko besh."

"Geh na pleasee..."

"Para hindi na toh tumagal. Papayag na ako. Lam ko naman besh na hindi ka titigil sa pagpilit saakin eh."

"Ayieeee... kaya lab ko beshiewap ko eh."

Nagpalista na kami sa Dance Club. Ayaw ko talaga sumayaw eh. Marunong nman ako pero ayaw ko lang.

May narinig akong sigawan papunta dito yung inggay. Tsk! Lam ko na kung sino yung pafamous na yun.

Umalis na agad ako nung narinig ko yung sigawan. Baka hilahin nanaman ako nun.

Pumasok na ako sa classroom namin kasama si Bea. Kami palang yung nasa classroom kaya  nagusap muna kami.

10 minutes later

"Besh cr muna ako ha." Sabi ni Bea.

"Okay besh."

Ako lang magisa sa classroom. Isang minuto lang ang nakalipas may tumatakbo papunta sa classroom ko.

Mason's POV
Napatakbo ako dahil sa mga fans ko. Kaya pumunta ako sa classroom namin. Nilock ko yung pinto at sinarado yung bintana. Di ko na malayan na andito si Katherine.

"Anyare sayo Mason? Ba't pagod na pagod ka?"

"Daming fans na humahabol saakin eh. Nag cr kase ako tapos pagkalabas ko nandun na sila. Edi dun ako napatakbo."

"Anjan pa ba sila?"

"Sa tingin ko wala na."

"Buksan mo na yung pinto Mason."

"Ayaw mabuksan! Kath."

"Wag kang magbiro nang ganyan Mason."

Katherine's POV
Nalock kami dito sa classroom. Panginoon bakit siya pa yung kasama ko? Pwede iba nalang po. Bakit siya pa?! Na kinaiinisan ko.

"Wala na tayong magagawa. Hintayin nalang natin magklase."

Naku. Baka anong isipin ng mga kaklase namin. Baka magalit rin yung mga fans ni Mason. Sino bang tao hindi magtataka kapag may isang lalaki at babae sa isang room. May kasalan pa naman ako dun sa mga crazy fans niya.

"Lamunin mo na ako lupa pleaseeee."

"Nung pinagsasabi mo jan? Hindi ka lalamunin ng lupa dahil nakasimento yung sahig."

"Tumahimik ka nalang jan please! Ikaw nga may kasalanan neto eh. Ba't kase nilock mo lahat. Yan tuloy nalock tayo kase kala ng janitor walang tao kaya nilock!"

"Chill kalang. Huwag kang magaalala kath. Ako bahala sayo."

Kinilig ako bigla nung sinabi niya yung "Ako bahala sayo." Ba't kase ang lambing ng boses niya."

20 minutes later

"Mason Lee at Katherine Gonzales. Gumising kayo."

Nagulat ako nung gumising ako. Sino bang hindi magugulat eh. Pag gising ko nakita ko mukha ng teacher ko. Napasigaw tuloy ako.

Tumayo kaming dalawa ni Mason. Kakahiya talaga. Sana lamunin na ako ng lupa. Dumeretsyo kami sa upuan namin.

"Anyare sayo Besh?" Tanong ni Bea.

"Besh wag ka nang magtanong please. Basta besh nakakahiya yun. Sabihin ko nalang sayo mamaya ha."

"Hahahaha... okay kath."

Yun nagsimula na yung pagtuturo ng teacher. Buti di na nga nagtanong eh. Buti hindi ako nakita ni Mason na nakasandal ako sa balikat niya. Mangaasar nanaman kase yun eh. Pa feeling pogi.

Gwapo naman daw siya sabi ng mga fans niya. Gwapo nga pero grabe mangasar.

Mason's POV
Nainip ako dito sa classroom. Hindi naman talaga ako tulog eh. Gising talaga ako nun. Sabi ko nga kay Kath na ako bahala sa kanya. Kaya binantayan ko lang siya. Hindi niya daw kaya kapag nalock siya sa isang room.

Yung feeling daw na wala siyang malanghap na hangin. Parang hindi daw siya makahinga. Kaya binantayan ko siya.

Kath's POV
Sasabihin na daw kung sino sino ang makakasali sa Dance club. Tong si Bea sobrang excited. Ako naman hindi. Ayaw ko lang talaga eh. Bestfriend ko to eh kaya no choice.

"Bea Perez. Katherine Gonzales. Adam Zidon. Jaeron Tolentino. Mason Lee. Jason Wilson. Princess Reyes." Sabi ng adviser

Haysss. Bakit kasali si Mason?! Kala ko singer lang yan. Aba! Galing pala sumayaw eh. Kpop be like.

May tawag na sa kanya dito sa campus namin eh. Prince ng Campus, Hearthrob, Oppa, Crush ng Campus at marami pang iba. Pinauso malamang yan ng mga Crazy Fans niya.

"Kath. Nu nanaman iniisip mo?"

"Wala Bea."

Nagring na yung bell. Pinauna ko si Bea sa canteen kase may gagawin pa ako dito sa classroom.

"Haysss..."

"Kailangan mo ba ng tulong?"

Lumingon ako nung may narinig akong nagsasalita.

"Oh Mason andito ka pala."

"Gusto mo ba ng tulong?"

Dala ko kase yung apat kong mabibigat na libro. Hindi ako nagpatulong kaya yun.

"Aray!"

"Kath. Sabi ko na nga ba eh hindi mo kaya. Bakit kase ang mga babae pa hard to get pa?"

"Tulungan mo nalang ako please."

Tinulungan niya naman ako. Kinuha niya yung bag ko at yung apat na libro ko. Di ko na man sinabi na pati bag ko dadalhin niya.

"Tara na kath." Sabay abot ng kamay niya.

"Saan?" Tanong ko.

"Sa canteen."

"Hindi ako sasama sayo noh. Baka anong isipin nanaman ng mga fans m-."

Hindi pa ako tapos sabihin yung  dapat kong sabihin ay hinila nanaman niya ako. Hilig talaga manghila. Papatayin ako ng mga fans kapag nakita na magkasama kami.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 23, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I'm Dating the Korean IdolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon