NAPATAYO ako ng makita ko si mama na galit na nakatingin sa akin pagpasok nya palang sa klase ko.
"Ma" Naiusal ko nalang pati ang teacher namin at ang buong klase ay nagulat sa kanya at sa biglang pagtayo ko.
"ANO na naman bang gulo ang pinasok mo hah!!?" Sigaw sakin ni mama habang hawak ang tenga ko na kinaladkad palabas ng klase. "Hindi mo ba alam na pinapahiya mo ko sa mga kumari ko. Kahit kailan wala ka talagang kwenta!!" Inis na binitawan nya ako.
Nangilid ang mga luha ko sa gilid ng mata ko.
"Ginagamit mo ba yang kukute mo hah!!Anak ng ...walang talab yang iyak mo sakin. Ginawa mo kong walang kwenta sa harap ng mga kumari't kumapari ko tapos ngayon iiyak iyak ka dyan!" Sigaw nito sa akin kaya mas lalo akong naiyak.
Nakayuko lang ako at patuloy ang pagtulo ng luha ko.
"Wala ka na ngang naitutulong sakin. Pinapahiya mo pa ko!!" Hinawakan nya ang baba ko ng napakahigpit at hinarap sa kanya. "Katulad ka ng tatay mong walang magawa sa buhay!!" Aktong sasampalin nya ako ng isangkamay ang pumigil dito.
"Kung wala kayong pakialam sa mga taong nakatingin sa inyo magbigay naman kayo ng pakialam sa sarili nyo." Seryosong sabi ng pumigil sa kamay ni mama.
"At sino ka naman hah?!" Sigaw ni mama dito kaya napaangat ang ulo ko.
"Nakakasira kayo ng klase mga may klase. Susugod kayo dito para san? Sigawan ang anak nyo. Tsk" singhal nito at binitawan ang kamay ni mama at tumingin sakin."Sabihin mo sa nanay mo na sa susunod na pupunta dito para sugurin ka magdala ng baril kung ipapahiya ka rin nya." Mataray na tinalikuran kami nito.
Tinignan ako ng masama ni mama at pinandilatan ng mata ang mga nanonood saamin.
"Anong tinitingin nyo dyan!! Alis!!" Sigaw ni sa mga nanonood. "Hwag ka nang umuwi sa bahay dahil wala ka nang lugar dun!" Sigas nito sakin at tinalikuran ako't naglakad ito palayo.
Napahagulgol ako ng iyak at napasinghot. Huminga ako ng malalim at tumingin sa nilakaran ni mama nung umalis sya.
"Saan ka na titira nyan Mica?"........
Follow me in Sweet_Heart2316
Vote this comment this
Share this and love this
YOU ARE READING
A Beautiful Day
Teen FictionHindi man pinag pala ng mabuting ina si Mica hindi man ito nakatanggap ng pagmamahal dito. Nanatili sa puso't isip niya na lahat na nangyari sa kanya ay may dahilan at nakatadhana na dapat mangyari. Follow me instead friends me.