TAPOS na ang klase at nas silabasan na rin ang mga etusyante. Naging maugong ang nangyari kaninang eksena namin ni mama.
Napabuntong hininga na lang ako at pinunasan ang magbabadyang luha sa gilid ng mata ko. Naglakad ako palapit sa pinto at natigilan ako ng makita ang lalaki sa harap ng pinto. Sya yung lalaki kanina.
Tinignan ko ito ng walang reaksyon na tingin.
'Dahil sayo kaya pinalayas ako!!'
Muling pumatak na naman ang luha ko.
"S-salamat" Pilit na ngiti ang ipinakita ko sa kanya at dinaanan sya. Hindi ito tumugon kaya nilingon ko sya. "Anong kailangan mo?" Tanong ko dito habang pumunta ulit sa pwesto ko kanina.
"Sa akin ka na tumira" Seryosong sabi nito na ikinagulat ko.
"H-h'wag na!" Usal ko.
Mamaya rape-in pa ako nito o kaya gawing katulong. Mahirap na hindi pa ko handa.
"Okey" sabi nya at tumalikod na naglakad na.
Sinundan ko ito ng tingin hanggang sa mawala ito sa paningin ko. Napabuntong ako at tumingin sa kaliwat kanan.
Wala nang estudyante bukod sa akin at madilim na rin. Tumayo ako ng maayos at nagsimula ng maglakad palabas ng campus.
NATIGILAN ako sa paglalakas ng mahagip ng mata ko ang mga matatandang lalaking nag iinom na madadaanan ko. Kinabahan ako dhil mukhang may mga tama na sila.
Tatlo lang sila at hindi pa kagwapohan. Kung saan saan kasi ako naglakad para makahanap ng matutuloyan.
Nang malapit na ako sa kanila mas lalo akong kinabahan at naging alerto. Deretso lang ang tingin ko sa daanan na tinatahak ko hanggang sa nasa harapan na nila ako.
Umabot hanggang ulo ang kaba at malakas na tibok ng puso ko dahil sa biglang pagtayo ng dalawa sa kanila.
"Sige pari una na ko" paalam ng isa sa kanila na umalis na kaagad. Pero bago pa man ako makalayo sa kanila ay may humawak sa balikat ko. Hindi ko ito nilingon
"Sama ka samin" Yaya nito sa akin at mabilis pa sa oras na umiling ako.
Anong oras na din kasi at kanina pa ako naglalakad. Naguguom narin ako.
"Ayaw mo?" Parang may pagkadismaya sa tuno ng tanong nya. "Sumama ka samin!" Hinila nito ang braso ko na hinarap sa kanya.
Naging girl scout ako ng grades 5 to 6 at natandaan ko ang itinuro saamin.
Tinandyakan ko sya at itinulak palayo saakin.
Napahiga ito at ako naman ay kagaad tumakbo palayo hanggang sa madaanan ko ang isang street.
Nagsisigaw sigaw ako hanggang sa isang kotse ang nakita ko. Pumunta ako sa harapan nito dahilan para huminto ito. Lumapit ako sa driver seat at kinatok ang bintana.
Mula sa tinakbo ko kanina ay nakita ko ang dalawang lalaki kanina na tumatakbo sa kinaruruonan ko.
Mas binilisan ko ang pagkatak dito. At bumukas n iyon.
"Tulongan mo ko please....wahhhh palapit na sila sakin.....Tulungan mo ko" Tumingin ako sa nasa loob ng kotse.
"Hi" bati ng babae na kumaway saakin. Hindi ko na nagawang ngumiti sa kanya.
"Tulungan mo ko miss. Hinahabol ako ng mga lasenggero." Pagmamakaawa ko dito.
"Pasok na" Sabi nito ng bumaba sa kotse at binuksan ang sa likod nitong upoan.
YOU ARE READING
A Beautiful Day
أدب المراهقينHindi man pinag pala ng mabuting ina si Mica hindi man ito nakatanggap ng pagmamahal dito. Nanatili sa puso't isip niya na lahat na nangyari sa kanya ay may dahilan at nakatadhana na dapat mangyari. Follow me instead friends me.