Prologue

7 0 0
                                    

Flying objects everywhere. My bags, my purse, my make up kits, glasses and plates. Kahit anong makita niya ay inihahagis niya. I didn't even bother to move or react. I am very used to this situation. Him being mad at me.. I can handle it. Sanay na ako.

"Fuck it, Pey! Apat na taon natin yung sinayang mo!!" he shouted. Rinig na rinig ko ang marahas na paghingal niya dahil sa pagwawalang ginawa niya. "Nagtiis ako. Nagtiis ako ng apat na putanginang taon, pero hindi pa rin pala sapat!!" ikinuyom ko ang mga kamao ko at sinalubong ang matatalim pero may sakit niyang tingin. Ang tanga ko, oo. Sinayang ko ang isang lalaking walang ibang hinangad kundi ang paligayahin ako. Walang ibang ginawa kundi sundin ang anumang gustuhin ko. Pero masisisi niyo ba ako? Masyadong malupit ang buhay. Hindi ka magtatagal sa mundo kung hindi ka lalaban. Hindi ka mabubuhay kung ipaglalaban mo ang bagay na gusto mo lang.

Lumapit siya sa akin at hinawakan ang panga ko. Napaka higpit. Ngayon lang niya ako hinawakan ng ganito kahigpit. Kailanman ay hindi niya ako itinrato ng ganito. Ngayon lang. Unti-unti ng tumulo ang luha sa mga mata ko habang nakatingin sa mata niyang puno ng galit at sakit. Hindi ko sinubukang gumalaw. Nagpadala lang ako sa kamay niya sakop ang buong panga ko. Masakit.. pero alam kong mas masakit ang nararamdaman niya. Unti-unting lumuwag ang hawak niya sa panga ko. He cupped my face instead, pero ngayon ay mahinahon na. Pinunasan niya ang mga luhang dumadaloy sa mukha ko. Iniiwas ko ito. Hindi ko deserve ang pagmamahal niya. I never deserved it.

"Please Yuan, let me go." and that's just the end of it. Binitawan niya ang mukha ko. I guess that's my queue. Kinuha ko ang bag sa tabi ko at umalis sa condo namin. Scratch that. Sa condo niya.

After One and a half year

"Hey Yuan, are you sure you don't need help?" Dexter asked me if he can help me pack my things and I said no. Ayoko namang makaabala sa kanila ng girlfriend niya. I smiled at him.

"Yeah, thanks by the way." He tapped my shoulder and sat on the bean bag beside me.

"I'll miss you brother." he said half smiling.

"You're making me cry Dex." I joked. He laughed. To be honest, mamimiss ko din siya. Mamimiss ko ang lahat sa Florida.

"Why do you have to go, ba?" Dexter is half filipino and half aussie. Katulad ko, estudyante lang din si Dexter at piniling mag boarding house na lang. I smiled at his question.

"You already know the answer." napa-oh na lang ang bibig niya. I'm sure alam na niya yon.

**

Nilanghap ko ang hangin ng Pinas. Hmm, amoy polluted pa din gaya ng dati. Namiss ko 'to. Puro pinoy. Sa Florida kasi, may mga pinoy din naman kaso bilang lang sa kamay ang nakakasalamuha ko. Hinila ko ang maleta ko palabas ng Airport. I'm home?





Nope. Not yet.

Flesh DesireWhere stories live. Discover now