Cassiopea
"Trabaho ang kailangan ko, hindi lovelife." nagpatuloy ako sa pagkiskis ng scotch bright sa itim na itim na kawali sa kamay ko.
"E trabaho naman ang inooffer ko sayo ah. Bonus na lang si pogi." hinawi niya ang buhok niya papunta sa kanyang tenga at maarteng naupo sa gilid ng lababo.
"Kahit na. Pass ako dyan." itinaob ko ang kawali sa ilalim ng lababo. Iginiya ko ang kamay sa basahan upang matuyo.
"Kahit pag isipan mo muna? Kailangan mo din naman yun diba?" napahinto ako at napaisip. Tama siya, kailangan ko nga ito. Bumuntong hininga ako. Wala namang mawawala kung susubukan ko diba?
"S-sige na. Pumapayag na ako." Lumingon siya sa akin at ngumiti.
"Talaga? Osige. Sasabihin ko kay miss Porchia!" sabi niya at nagmamadaling umalis. Napailing na lang ako at ngumiti sa galak ni Bea. Tunay talaga siyang kaibigan. Alam niyang kailangan ko ito kayat ako ang nilapitan niya at hindi na siya naghanap pa ng iba.
"Cassiopea" agad akong napatakbo sa kwarto ni nanay dahil sa pagtawag niya sa akin. Tiningnan ko mula paa hanggang ulo ang ina kong nakaratay sa kama niya. Sobrang hinang hina na ito dahil sa sakit at katandaan na rin.
"Bakit po nay?" lumapit ako sa kanya.
"Ako nga ay bilhan mo ng skyflakes dyan sa tindahan. Ako'y nagugutom." mahinang sabi niya. Ngumiti ako sa kanya at tumango.
"Opo nay." Tumayo ako upang bilhin ang pinapabili niya. Sa aking paglakad ay may mabilis na bumubusina sa akin kaya naman ako'y napapitlag at agad na gumilid.
"Ano ba! Magpapakamatay ka ba?" sabi nito paghinto at pagbaba niya sa kanyang sasakyan. Nakasuot ito ng Khaki shorts at sando lang at may tattoo sa gilid ng braso. Kung tutuusin ay may kaputian at kataasan ito kumpara sa akin na balingkinitan at morena lamang.
"Hindi! Ikaw? Papatayin mo ba ko?!" bwelta ko at pumameywang pa sa harap niya.
"Aba't! Hoy miss, kung magpapakamatay ka wag ka sa kotse ko magpabangga! Gagawin mo pa kong kriminal!" babalik na sana siya sa sasakyan niya ngunit bumwelta din ako.
"Ikaw 'tong walang manners sa pagmamaneho dyan matapos ngayon ako pa ang sisigawan mo? Walang modo!" inirapan ko siya at nagtuloy sa paglalakad. Napakawalang modo ng lalaking yon. Hinayaan ko na lang siya at binili na ang skyflakes na pinapabili ni Nanay.
**
Yuan"Late ka nanaman." Oxi greeted me. ginuhit ko ang mapait na ngiti sa aking labi.
"Haynako, kung alam niyo lang ang pinagdaanan ko bago ako makarating dito." bakit ba kasi dito pa nila sa siksikang lugar gusto magkita kita?
"kasi pare sabi ko naman sayo, magcommute ka na lang." sabi ni Chuck na siyang dahilan ng lahat ng ito.
"Teka nga, since nandito naman na si Yuan bakit hindi pa tayo magsimula sa pag uusapan Chuck?" tanong ni Oxi.
"Oo nga naman, kanina pa kami dito e." Blake stated. I looked at Chuck na napakamot na sa batok.
"Okay, since nandito naman na lahat. I would like to invite you all mamaya sa bahay namin. May bago kaming katulong, sexy daw at maganda sabi ni Bea." si Bea yung katulong din nila dati na dinadala ni Chuck sa kung saang saang hotel at gumagawa ng himala. Napailing na lang ako.
"Pass ako pre." sabi ko.
"Kj.." they all chanted. Napailing na lang ako sa kalokohan nila.
"Osige na nga, pero di ako kasali ha? Sama lang ako." nakipag apir sila sa akin bago kami tuluyang maghiwa-hiwalay.
**
Cassiopea"Alis na po ako 'Ma!" humalik ako sa pisngi niya bago lumingon kay Bea.
"Oh, ikaw na ang bahala sa nanay ko ha?" tumango naman siya at ngumiti.
"Wag kang mag-alala. Akong bahala kay tita." sabi niya at kumindat pa ito sa akin. Ito ang unang araw ko sa miss Porchia na sinasabi sa akin ni Bea. Dati daw siya nagtatrabaho dito at malakas daw magtip ang mga tao. Sana lang ay ganun nga sapagkat kailangang kailangan ko ng pera para kay nanay.
"Woooooow" napa wow na lang ako sa bahay na nasa harap ko ngayon. Bahay pa ba ito? Ani ko sa isip isip ko. Isa itong mansyon!!
"Ikaw ba si Cassiopea?"
"Ay kalabaw!" napaharap ako sa isang matandang babae na lumapit sa akin. "--nako, pasensya na po. Nagulat lang po ako."
"Ahaha, abay ayos lang. Halika pumasok ka sa loob Cassiopea."
"Cass na lang po." magalang na sabi ko.
"Ako si Porchia, ang mayordoma sa bahay na ito." pagpapakilala niya nung makaapak ako sa mansyon. Ah, so mayordoma pala siya dito. Okay.
"At ayun naman.." may itinuro siyang malaking litrato na nakasabit sa pader "ang mga magiging amo mo." agad akong napalingon sa litrato.
Isang matandang babaeng nasa edad na singkwenta na siguro ang inaakbayan ng isang lalaking kasing tanda ko lang yata.
"Si madame Amor at si senyorito Chuck." hindi ko maiwasang mapatitig sa lalaking nasa picture. Puno ng kapilyuhan ang ngiti nito at ganun din naman kapuno ng pagmamahal para sa ina niya.
"Nasan po ang senyor?" tanong ko.
"Kung gusto mong magtagal sa trabaho, wag na wag mong babanggitin ang salitang senyor sa pamamahay na 'to." seryosong sabi niya.
"B-bakit naman po?"
Sasagot sana siya pero may pumasok na pamilyar na mukha. Ang mukha ng lalaki sa litrato.
"Nanay Porsh!!" bati nito at sinalubong ng yakap ang matanda. "Sino ba yang magandang kasama mo?" tanong niya kay miss Porchia at ibinaling ang lingon sakin. Agad naman akong yumuko at hindi sinalubong ang tingin nito.
"A-ako po si Cassiopea, bagong katulong niyo po ako." nag angat ako ng tingin upang salubungin ang mga mata niya pero napahinto ako. Nakangiti ito at nakakagat sa pang-ibaba niyang labi.
"Hmm, nice booty." sabi niya at itinaas baba ang kilay niya. Sabi ni Bea, may maayos na meaning daw ang salitang nice at pagpuri daw ito sa tao.
"S-salamat po sir." sabi ko. Kumunot naman ang noo nito.
"Marunong ka bang mag-english?" tanong niya. Nag excuse na si miss Porchia dahil may gagawin pa daw siya. Pero mukhang wala naman, tinaasan lang siya ng kilay ni sir Chuck at nagpaalam na siyang aalis.
"H-hindi po. Sabi lang po ng kaibigan ko, may maayos na meaning daw po ang salitang nice." napangiti na lang siya at hinawakan ang pisngi ko.
"You're quite cute y'know? Eut ka sakin mamaya." huling sabi niya at naglakad na palayo.
Eut? Ano yun?