17: School Festival

111 8 1
                                    

Syra Pearl Fuenlas POV

"Sy!" Hay nako! Ano bayan! Nakakatamad pa kayang bumangon! Epal naman eh!

"Eto na!" Padabog akong bumangon at saka dumiretso ng banyo. Ginawa ko na ang aking morning rituals bago bumaba para wah! Kakain nako!

"Ayan na! Bilis tara na!" Huh! Sayang yung bacon! Ang sarap na ng breakfast eh! Tas aalis na kaagad! Hmpp! Nagsipuntahan na sila sa labas kaya No choice. Bye Bacon.

"Faster! Ayokong masermunan!" Love said kaya kulang nalang lumipad na yung kotse sa sobrang bilis magmaneho ni khate.

Pagkarating namin sa school,Peste! Walang mga estudyante sa corridor! Late na talaga!

"Sy! Pakibigay kay isda." Inabot niya sakin yung folder. Yung isdang tinutukoy niya is yung prof namin. Isdalina kasi yung pangalan.

Pagkapasok namin ng room, as i expect late nga talaga kami.

"Where is Ms.Cruz?" Iniabot ko na lang yung folder na ibinigay ni khate sakin at saka nagpunta sa aking upuan.

"Uhm, sa taekwondo natin is si Mr.Fuentes. Sa ayaw mo man o sa gusto, You are our representative for taekwondo." Napanganga si kyle at may parang gustong sabihin na ewan. Marunong naman siguro siya.

"Ok, next sa football since one each class lang ito, ang representative natin is si Mr.Ferrer." Napalingon ako kay kenneth na napakunot yung noo niya. Di ba siya marunong?

"Hmmm, Sa archery, Mr.Gonzales" Tumango tango lang si ace kay ma'am. Surely Marunong.

"Mr.Reyes and Navarro sa ating chess and sa eating contest naman ay sina Mr.Diaz at Mr.Castillo. Goodwork boys." Nagreact naman sila. Lah? Eating contest? Tas sila Diaz yung ipanlalaban? Anyare?.

"Cheerleaders Ms.Dizon, Ms.Ocampo, Ms.Sy, Ms.Jimenez" Huh? Bat sila eh I mean kasi, sila yung tipong manang manamit? Ganun! Mahinhin sila tas cheerleading? Srsly?.

"Badminton Ms.Fernandez, Ms.Domingo, Ms.Garcia, Ms.Castro, Ms.Alcantara and Ms.Fuenlas. Goodluck to all of you." Teka! Did she call my Surname? Lah? Di ako marunong magbadminton! Hindi ako naglalaro nun!

"Ma'am! Hindi Kami naglalaro nun!" Umiling si ma'am isda at ipinakita yung listahan sa amin.

"May pirma na ng principal hindi na pwedeng palitan kasi nasa bulletin board na rin ang another copy nito." Ano yun maglalaro talaga kami! Kahit hindi naman namin alam yung game! Si khate naman!

"Ma'am how about the dance contest?" Uunahin pa nila yun! Bago dun sa badminton na yun! Kainis naman kasi!

"Don't worry ayun ang last activity na gagawin but ilista niyo na rin sa 1/4 Sheet of paper yung pangalan niyo." Sasali din ulit kami sa dancing contest! Okay okay payun kesa badminton eh!

                           +++
"And the winner is section e! Congratulations polarisation." Wala na talo kami! Nakakainis kasi si khate eh! Natalo kami ng last section! Padabog akong pumunta ng locker room kasabay sila jonalyn. Nakakainis!

"Pareho lang tayong lahat! Talo tayo." Nagpout si Jonalyn habang tinitignan sa compact mirror niya yung sugat niya sa mukha. Siguro nung paghampas niya ng raketa gumasgas sa mukha niya.

"Ano ba kasing trip ni khate!" Napahawak si keyrylle sa sintido niya. Di niya rin siguro matanggap na natalo kami ng last section.

"Hey babes!" Bat may mga asungot dito?

"Babe mo ulo mo." Tinaasan ni keyrylle sila julius ng kilay

"Uhm, Gusto niyo?" Inabutan kami ni Gabrielle ng tigdadalawang burger. Bat andami? San nila pinagkukuha to?

"San galing to." Mamaya may lason to! Mabuti na rin yung sigurado.

"Tira namin sa eating contest." Ang daming tira ah? Talo rin siguro sila. Hay kawawa naman kami.

"Srsly? Ang dami pa nito ah?" Nilantakan agad nila yung burger. Wow grabe dapat pala sila yung isinali sa eating contest.

"Ikaw ba naman kumain ng benteng burger in just five minutes, kaya?" Wow, andami pala talaga. Tas bente? Sa loob ng limang minuto?

"Yung mga nagpaparegister daw sa basketball, Magready na." Love said kaya nagpaalam na sila gabrielle sa amin.

"Sinong kalaban?" Patuloy pa din sa pagkain si Danica. Masarap-sarap din pero mas gusto ko ang bacon.

"Polaris again." Hala! Polaris na naman! Si michael! Wah! Kasali siya sa basketball! Need niya ng supp ko!

"Tara! Magsisimula na!" Manonood ako andun si michael ko eh!

"Omee! I'm so excited!" Ansakit sa tenga ng boses ni jonalyn! Feeling ko mababasag na yung eardrum ko!

Grabe! Andaming tao! Kala mo talaga sikat yung maglalaro! Sabagay mga pogi daw eh!

"Dun tayo." Pumunta kami dun sa unahan. Hindi naman siguro kami matatamaan ng bola nito.

"Let us welcome the players!" Naglabasan na yung mga manlalaro at wah! Ang pogi naman ng michael ko!

"Wag mo titigan baka matunaw." Danica said at siniko ako. Tinitignan ko lang naman eh Masama bayun!

Jerks Meet BadgirlsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon