33: We've been prank.

72 6 9
                                    

Keyrylle Fernandez POV

"Josh ipitan mo na ako!" Tumabi siya sakin. Pano ko iipitan toh? Hay nako!

"Hay nako! Halika na nga!" I said at hinila siya para ipitan.

"Josh, May tanong ako." Kyle said habang tinitirintas siya.

"Ano yun?"

"Anong pakiramdam mo pag nakikita ako?" Bat ganto ang tanong nitong lalaking toh!

"Bat mo natanong?"

"Kasi ako. Ang saya ko. Yung pagnakikita kita kumpleto na ang araw ko. Yung pag kasama kita parang ayoko nang mawala sa tabi mo." Anong ibig niyang sabihin? Ayaw niyang mawala sa tabi ko?

"Anong ibig mong sabihin?"

"Mahal na ata kita." Ano daw? Mahal niya ako? Ganun din ba ako?

"Bakit ako? I mean I'm not that type  of a girl that every man's dream. Di ako palangiti, I'm not friendly kaya pano mo ko nagustuhan?"  Mahal niya ako? Imposible.

"Oo hindi ka ganun pero you have a good heart na di mo pinapakita sa iba."

"Guyseu! Tara na! Bilis!" Jonalyn said kaya napatayo na kami ni kyle.

"Tatawagin ko lang sila jerome. Una na kayo Josh." Kyle said at lumabas na.

"Una ka na jo. Cr lang ako." Nauna na akong lumabas. Mag aayos lang muna ako.

"Ano na? Musta na yung plano?" Rinig kong sabi ni Kenneth pagkadaan ko sa Cr ng Boys.

"Progressing.... Mahirap palang mapa-fall si Eliza." Napahinto ako sa paglalakad. Ano daw?

"Ikaw julius? Save kana ah! Di ka na gagawa ng sariling mong scandal!"

Sa lahat ba nang ipinapakita nilang kasweetan lahat ba yon kalokohan lang?

"Uyy Josh kanina ka pa dyan?" Nasampal ko siya. Ang galing niya! Ang galing niyang magpanggap! "Narinig mo ba yun?" Nginitian ko siya, Yung ngiting plastik.

"Oo, Galing din naman ng plano niyo noh? Pag hindi niyo napafall ang isa sa amin gagawa kayo ng sarili niyong scandal."

"Wait, Let me explain." Hinawakan niya ako kaya nasapak ko siya. Nang-gigigil ako. Bakit ganto!

"No need malinaw na sakin. Salamat ha? Di ka naman na gagawa ng sarili mong scandal dahil nahulog na ko sayo! Nahulog na ko sa bwisit niyong plano!" I said at iniwan siyang tulala.

"Hey what happened?" Jonalyn said nang makasalubong ko siyang nag-aantay sa room.

"Tara na umuwi na tayo!" Hinila ko siya. Pero kainis! Ang kulit!

"Wait! Antayin ko si hubby ko!" Pilit niyang inaalis yung kamay niya.

"Pwede ba! Niloloko lang nila tayo!" Sigaw ko atsaka siya binitawan. Bat ba ko nagpaloko sa bwisit na kyle na yun!

"Ano bang pinagsasabi mo! I know Julius! Don't judge him nga!" Bat ba ang kulit nitong babaeng toh!

"DI MO BA MAINTINDIHAN! MANLOLOKO SILA! PINAGPLANUHAN LANG NILA TAYO!" Sinampal niya ako, Argh! Buwisit!

"Oh sige! Kung ayaw mong maniwala fine! Wag kalang magsisisi!"

"Don't you dare na pagsalitaan si Julius ng mga masama!" Tinulak niya ko. You will regret this!

"I'm just saying the truth! Pwede ba! Ayoko lang na masaktan ka pa!" I said pero nang akmang sasampalin niya ulit ako ay nahawakan ko na ang kamay niya. "Wag na wag kang lalapit sakin pag nalaman mo ang totoo."

"Uy! Anyare?" Naabutan niya kami ni Jonalyn na nagsasagutan.

"What happen?" Hinawakan ako ni syra kaya agad kong sinalag ang kamay ko.

"Ano bang nangyayari!" Iritang sabi ni khate.

"Wala." Nang akmang aalis na ko kaso nahila ako ni Danica. "Di niyo rin naman maiintindihan!" Patakbo akong umalis ng room.

Naiinis ako! Gusto kong mambasag ng mukha!

Jerks Meet BadgirlsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon