Back to Zero
Cass's POV
Haystt. Today is Tuesday and still may pasok pa rin buset! Makikita ko na naman si Gio at Macey. 'Di ko talaga makalimutan si Gio.
'Yong relationship naming real quick. Love you now, hate you later. Gano'n!
Pa-fall kasi edi sana kung hindi n'ya ako mahal hindi na n'ya ako dapat pa pinakilala sa magulang n'ya! May pa-hatid sundo pa! Asar!
Magmo move-on na talaga ako. Ayaw ko na masaktan tuwing nakikita ko ang pagmumukha ni Gio. Gusto ko ng happy life. No worries about love! jusko!
NANdito ako ngayon sa room waiting for Cess and planning how to move-on. Example.
Step 1: ........
Pakxhiet! Wala nga akong maisip kung pa'no ko ba sisimulan. Pa'no na 'to!?
"Oh? Cassey ba't mukang nalugi ka? Haha." pagtingin ko kung sino ang nagsalita si Macey lang pala. Isa pa 'to sarap ipatapon sa pacific ocean.
"Pakealam mo? Pinapakealaman ko ba 'yang muka mo na coloring book ha?" tanong ko.
"What did you say?" tanong n'ya na parang nagulat. tss.
"Yeah, yeah whatever dami mong dada bingi naman pala." sabi ko sabay irap.
"Excuse me?" nakataas kilay na tanong n'ya.
"You're excused." sabi ko pa na minuwestra ang daan.
"Ugh! I hate you!" sabi n'ya sabay walk out.
Tss. Daming drama. S'ya unang lalapit, s'ya din ang unang magwa walk out. Ayos 'yan. Pagpatuloy n'ya uunlad s'ya d'yan. At kung sinuswerte ka nga naman dumating pa ang isang tao na gusto ko namang ipatapon sa Bermuda triangle. Si Gio.
Kung makatingin kala mo gusto akong patayin Dapat s'ya nga ang ipapatay ko eh, pero mabait ako. Kaya endure the pain nalang bes.
Dahil sa pakikipagtagisan ko ng masamang tingin kay Gio 'di ko namalayan na nasa tabi ko na si Cess.
"Hoy! Ano dededmahin mo nalang ba 'ko?" tanong ni Cess. Kaya nawala ang atensyon ko kay Gio.
"Kanina ka pa pala d'yan?" tanong ko.
"Ay hindi bes! Picture ko lang 'to, picture!" pamimilosopo n'ya sa'kin.
"Ewan ko sa'yo, tinatanong nang maayos eh." sabi ko sabay irap.
"Pa'no ba naman kasi bes kanina pa kita tinatawag. Tingin kasi ng tingin kay Gio na manloloko." sabi n'ya na umiiling pa.
"'Yon na nga bes eh. Hindi kasi ako maka move-on na try ko nang gumawa ng mga steps how to move-on, wala pa rin. Tulungan mo ako dali." sabi ko.
"Alam mo bes hindi mo kailangan ng mga steps steps na 'yan. Go with the flow. Talagang masasaktan ka at mahihirapan dahil minahal mo s'ya ng sobra. Moving on takes time. Time heals everything. Kaya one day paggising mo mararamdaman mo nalang na naka move-on ka na." sabi n'ya ng seryoso.
Nginitian ko nalang s'ya. Tama naman si bes eh. Ita try ko talagang mag move-on. Kung kaya ko.
Habang nakatingin sa pintuan biglang pumasok ang isa pang bwiset. Si Mr. President. Ano nanamang kailangan nito? Si Gio nanaman? Anak ng... Ang famous naman ng gunggong na 'yon. Nasa likudan lang ni Mr. President si Ma'am kaya tumahimik na ang buong klase.
"Good morning class, I want you to meet Mr. Michael Santos. Please introduce yourself." sabi ni Ma'am at pinapunta sa gitna si 'Michael'.
"Good morning classmates I'm Michael Santos. Student President." sani n'ya at umopo sa may tabi ko. Vacant kasi. O-kay? classmates?